Kabanata 13

1691 Words
REESE' POV Nagising ako nang may nararamdaman akong humahalik sa pisngi ko. Napamulat ako ng mata at ang gwapo kong asawang si Sky ang sumalubong sa akin. He's smiling at me. Itong lalake na 'to. Bakit ba kasi mas lalo siyang gumagwapo lalo na kapag ngumingiti? "Good Morning." Bati niya nang makita niyang nagising na ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at babatiin ko na sana siya nang maalala ko ang mga nangyari kahapon. I was so confused and problematic last night dahil sa ginagawa sa akin ni Austin. He's blackmailing me. Alam niyang naguguluhan na ako sa nararamdaman ko para sa kanilang dalawa ni Sky pero hindi ako magpapaapekto do'n. In a relationship, hindi maiiwasan ang affection and attraction pero kung mahal mo talaga ang isang tao ay malalampasan mo ang mga pagsubok na iyon. Relationship will be tested on how much you can give your trust and love to the person who worths it. Maaaring naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon pero alam ng puso ko na si Sky lang ang mahal ko at hindi na magbabago iyon. I smiled. "Good Morning too. Ahm.. babe, what happened to me last night?" I asked shyly. Umupo naman siya sa kama at tumabi sa akin. His face turns seriously then he look me straight to my eyes. "You're drunk and Zeke called me to fetch you up in that bar. Tell me, it is because of Austin?" He said then held my hand. Nagulat ako sa sinabi niya at hindi alam ang sasabihin ko. Paano niya nalaman na si Austin ang dahilan kung bakit nakipagmeet ako kay Zeke at nagpakalasing ng sobra sa bar? "H-how did you know?" Gulat kong tanong. He suddenly look away at nagtiim-bagang. "Nabanggit mo yata kay Zeke ang problema mo pero hindi mo na matandaan dahil lasing na lasing ka na. I was so worried about you last night because you didn't answer my texts and calls. Kung may problema ka ay bakit hindi mo na lang sabihin sa akin? Asawa mo ako pero ibang tao pa ang nilalapitan mo. Sumama ka na naman kay Zeke kahit alam mong nagseselos ako. Why, Reese? Nagsasawa ka na bang mahalin ako?" Parang nahihirapan niyang ani saka tumingin sa akin. He looks so sad and dissappointed. Para naman akong maiiyak sa naging reaksyon niya. Sinaktan ko na naman si Sky. Hindi ko na naman sinunod ang mga sinabi niya. I'm such a bad wife to him. Natatakot lang naman ako na kapag sinabi ko ang problema ko sa kanya ay iwan na niya ako at kalimutan. I love him so much but here I am, hurting him again. Umiling ako at hindi ko na napigilan ang luha ko. "No, Sky. I really trust you. Natatakot lang akong iwanan mo ako kapag nalaman mo ang problema ko. Mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa akin." Nagpahid ako ng luha at tumingila para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko para wala pa ring epekto at bumabagsak pa rin sila. He sighed at tumingin sa akin. Nagulat na lang ako nang makita siyang umiiyak na rin. What did I do good in this world para mahalin ako ng ganito ni Sky Avenido? Si Sky Avenido na tinitingalaan ng lahat at si Sky Avenido na hindi sinasaktan ng kahit sinuman ay iniiyakan ang isang katulad kong tanga at walang kwentang babae. "Pinagkakatiwalaan kita pero nasaktan lang ako na sa iba ko pa nalaman ang problema mo. Am I not that worthy for your trust? Kulang pa ba ang tiwalang binibigay ko sayo? Takot kang mawala sa akin? Mas takot naman ako, Reese. Sobra kitang mahal e. Mali man pero wala na akong tinirang pagmamahal sa sarili ko para lang sayo. I depend my life on you at kapag nawala ka sa akin o iwanan mo ako ay mababaliw ako. Hahabulin kita ng hahabulin hanggang sa bumalik ka lang sa akin. Mahal kita, Reese kaya sana ay magtiwala ka naman sa akin ng buo katulad ng ginagawa ko. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan, ako rin." Umiwas ulit siya ng tingin at napansin ko ang pagpunas niya ng luha sa mga mata niya. Tuluyan na akong humagulgol at niyakap siya. "I-Im sorry babe. Sorry for hurting you so many times. I trust you, this will not be happened next time. You'll not losing me. I love you so much." Naiiyak kong sinabi at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik. "Its okay. I love you too, please don't cry." Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at hinarap ako sa kanya. He's smiling at me again. Ang swerte-swerte ko dahil minahal ako ni Sky Avenido. "S-Sorry.." Humahagulgol ko pa ring sabi. Sinapo naman niya ang buong mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. "Let's forget about this. Gusto ko na maging masaya ang araw na 'to para sa ating dalawa. Let's date." Sabi niya sa masayang tono. "D-date?" Tumango siya. "Yeah. A date." "May pasok ka pa sa work mo ngayon, di ba?" Tanong ko naman. "Oo, pero gusto ko na makasama ka ng matagal ngayong araw. Don't worry about my work. I can handle that." "Pero-" Bigla ay hinatak na ako papatayo ni Sky mula sa pagkakaupo ko sa kama. "Inumin mo muna 'yung honey tea na ginawa ko doon sa kusina. Pampawala 'yan ng hangover mo then after that ay kakain na tayo at mag-aayos na para sa date natin. Okay?" Paninigurado niya at nginitian na naman ako. Napangiti rin ako at tumango then my heart starts to beat fastly. Walang duda, si Sky lang talaga ang mahal ko. ** Ngayon ay nasa mall na kami ni Sky. Holding Hands While Walking lang ang drama namin. Sana palagi na lang ganito. Yung masaya kami at walang problema. Yung walang ibang problemang iniintindi. Yung palagi kaming magkasama. Hindi ko alam kung bakit nacoconfuse ako sa nararamdaman ko pero siguro ay parte lang ito ng relasyon namin ni Sky at malalampasan rin namin 'to. "Timezone tayo babe!" Masayang ani ko kay Sky at tinuro ang Arcade House na Timezone. Umiling lang siya at natatawang tumango. "Sure, babe." Natuwa ako at kaagad siyang hinatak papasok sa loob ng Timezone. As usual, pinagtitinginan na naman si Sky pero si suplado ay dedma lang. Nagpunta muna kami sa counter para magpapalit ng coins pagkatapos nun ay pwede na kaming mamili ng gusto naming laruin. "Babe, i-try ko lang muna 'tong Toy Catcher. Iwan mo muna ako at maglaro ka rin ng gusto mong laruin." Sabi ko kay Sky at inumpisahan nang laruin ang Toy Catcher Machine. "Okay, but please stay here. Babalikan rin kita kaagad." He said. I nodded pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi na ikinagulat ko kaya pinagtinginan kami ng mga taong nasa loob rin ng Timezone. He laugh at my shocking face pagkatapos ay umalis na siya at nagtungo sa Shoot That Ball Range. Napayuko na lang ako sa hiya pero hindi maitatanggi na kinilig ako sa ginawa ni Sky. He's Sky so expected the unexpected. Nang makarecover na ako sa ginawa niya ay tinuloy ko na ang paglalaro ng Toy Catcher pero naiinis lang ako nang hindi man lang ako makabingwit ng kahit isang stuff toy sa loob ng machine. Pinalobo ko ang pisngi ko at tinignan kung ilan pa ang natitira kong coins. Dalawa na lang pala! "Argh! Sana makuha na kita," Sabi ko at naghulog ng coins saka hinawakan ng mahigpit ang controller at nagfocus sa isang color pink na Pig stuff toy. Sinimulan ko nang galawin ang controller at hinarap ang kamay ng controller sa Pig stuff toy. Bumaba ang kamay ng controller na nakatapat sa pig stuff toy at.. Sumayad lang ang kamay ng contoller sa Pig stuff toy at bumalik na ito sa dating pwesto niya. "Kainis naman! Hindi ko na naman nakuha." Naiiyak ko nang sabi dahil sa inis. Alam kong stuff toy lang iyon pero ang cute kasi nung Pig stuff toy kaya gustong-gusto ko siyang makuha pero mukhang minamalas yata ako sa Toy Catcher na iyan. Napanguso na lang ako dahil sa inis at humalukipkip. "Gusto mong tulungan kitang makuha 'yung baboy na stuff toy?" Napalingon naman ako sa lalakeng nagsalita mula sa likuran ko and I was shock when I saw him. Jayden. Pinapanalangin ko nga na sana ay huwag ko na siya ulit makita pa dahil naiilang na ako sa kanya. Hindi ko na nga sinasagot ang mga texts at tawag niya. I know that i'm so mean dahil stepbrother siya ni Warren at nakipagkaibigan pa ako sa kanya pero ayoko lang na maging isa pa siya sa dahilan para mag-away kami ni Sky. Tama na ang isa. Maayos na ulit kami ni Sky at ayoko nang saktan siya ulit dahil sa katangahan ko. "I-ikaw pala, Jayden. Sige, mauuna na ako. Baka hinahanap na kasi ako ng asawa ko e. Bye." Ngumiti ako ng pilit sa kanya at aalis na sana nang hinawakan niya ako sa braso ko kaya napatigil ako. "Bakit?" Tanong ko. "Iniiwasan mo ba ako?" Sabi niya at tumingin sa akin ng mariin. Kinabahan naman ako sa sinabi niya. "H-hindi ah. B-bakit naman kita iiwasan? Baka kasi hinahanap na ako ni Sky kaya aalis na ako." Sabi ko at pilit iniiwasan ang mga tingin niya. Binitawan na niya ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at mas lalo siyang lumapit sa akin at nagpamulsa. "Liar." "A-ano?" Gulat kong tanong kaya napatingin na ako ng diretso sa kanya. Ngumisi siya at tumango. "You're avoiding me, I thought we're already friends?" "You're my wife's friend?" Napalingon naman ako sa nagsalita and I was shock when I saw my husband, Sky na sobrang sama ng tingin kay Jayden. Kaagad akong hinatak ni Sky papalapit sa kanya at pinulupot ang isang braso niya sa bewang ko. Nakita ko naman na napatingin si Jayden sa ginawa ni Sky pero kaagad rin itong nag-iwas ng tingin saka bumaling kay Sky at ngumiti. "I'm Jayden. Reese's new friend. Stepbrother ko si Warren Benitez. Reese's first love." Naramdaman ko na lang na kumuyom ang mga kamao ni Sky dahil sa sinabi ni Jayden. I sighed. Another problem?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD