(Liam's POV)
"WAAAAAAAAAH! NOOOOOOOO! PLIIIIIIIS! AYM PITY YOUUUUU!" Pagmamakaawa ko sa pinakamadaling ingles na alam ko habang nakakapit ako sa matabang poste na to.
"Anong 'I'm pity you'!?" Saway nung isa na piningot pa ko kaya napangiwi ako, "I'm begging you yon!”
"Araaay! Huhuhu! Kahit ano pa yon wag mo kong pingutin huhuhu!"
"Bumitaw ka na kasi!"
"AYAAAW!"
Lima silang WIB o yung tinatawag kong Women in Black dahil sa mga suot nilang tila mga nanghuhuli ng mga aliens! Sila yung humahatak saken paalis dito sa poste pero asa naman silang bibitaw ako!? Matindi yata ang kapit ko! Hindi ako bibitaw! Noooooooo!
Hindi ko alam kung anong nangyari, pero pagkagising ko dumoble yung pagiging gwapo ko dahil ang gara na ng suot ko! Siguro binihisan nila ako habang tulog ako, o baka naman ginahasa nila ako!? Waaaaaah! Siguro nagpakasasa sila kakatitig sa putotoy ko habang wala akong malay! Ang kakapal ng mukha nila! Mga user! Ew!
May isang humatak sa kwelyo ko kaya mas idinikit ko lalo yung mukha ko sa poste! Hindi! Hinding-hindi ako susuko!
"It's already 11:30! Malalagot tayong lahat kapag pinaghintay pa natin si bossing sa harap ng korte!" Sabi ng isa na nakahawak sa kwelyo ko.
"No no no way!" Sigaw ko tsaka mag hinigpitan yung pagkakakapit sa poste, "Ayaw ko! Ayaaaw!"
Isa-isa silang nagsidaing dahil sa sigaw kong yon. Huhuhu! Eh bakit naman kasi ako!? Huhuhu! Bakit parang kasalanan ko pa na kinidnap nila ako?!
"Dali na! wag ka ng makulit dahil gusto ko pang mabuhay!"
"Ako din naman!"
"May binubuhay pa akong pamilya ko!"
"Gaga, ulila na tayo."
"Kaninong ulo kaya ang unang mapupugot noh?"
Napahinto kaming lahat at tsaka napatingin dun sa babaeng nakahawak sa kanang braso ko dahil sa sinabi nya. Napalunok ako ng sunod sunod dahil sa narinig ko tsaka nagsimulang mag-imagine ng isang karumal-dumal na eksena.
Pugot? Anong pugot!? Sinong magpupugot!? Bakit may pugooot!
"Waaaaaaah! Ayokong mapugutan huhuhu! Dalawa ang ulo ko kaya lugi ako kasi isa lang yung sa inyo!" Hinatak ko yung sarili ko at pilit na kumapit ng mahigpit sa poste, unti-unti na kasi akong dumudulas at malapit na nila akong mahila paalis.
Huhuhu! Pasmado pa naman ako!
"Kaya nga dapat eh sumama ka na kung ayaw mong mapugutan ng ulo dyan sa taas at baba!" Sabi ulit ng humihila sa kwelyo ko pero umiling-iling lang ako.
BAKIT NGA BA KASI AKO NAPUNTA SA GANITONG SITWASYON?!
"LIAAAM! WALANGHIYA KA TALAGANG LALAKE KA GUMISING KA DYAN!"
Isang malakas at nakakarinding sigaw ang umalingawngaw sa apat na sulok ng ilalim ng tulay kung saan nakatirik yung barong-barong ko—este, barong-barong pala ni Aling Delia. Hehehe! Yung madungis na matandang mahilig humihit ng yosi habang nagto-tong its kasama yung mga amiga nya.
Napaigtad ako sa gulat sa sunod-sunod na malalakas na mga katok mula sa pinto, yung tipo ng katok parang kaltok na rin? Nakakainis! Kung maka-katok naman to sa pinto parang gusto ng gibain yung buong bahay-bahayan ko!
"LIAM! PUNYETA KA! ALAS-DOSE NA NG TANGHALI KAYA GUMISING KA NA DYAN! WAG MO NA KONG PAGTAGUAN AT MAGTRABAHO KA NA! BAYARAN MO YUNG RENTA MO!" Kitams?! Nirerentahan ko lang tong barong-barong na to—na malapit na nyang gibain. Hehehe.
Maingat akong umupo para di mauntog sa kahoy na nakausli sa harap ko, Nakayuko akong lumapit sa pinto tsaka umubo-ubo kunwari at hinawakan yung lalamunan ko habang nakasandal sa pinto, baka kasi bigla nilang sipain yun edi malilintikan talaga ako!
"Sino po sila? Aym beri suri! Pero wala kasi ang bebe kong si Liam dito eh. Kaninang umaga pa sya umalis bitbit yung mga anak-anakan namin." Sabi ko sa ipit na ipit at malanding boses, sinamahan ko pa yun ng pagbu-byutipul eyes para mas epektib!
"Ano?! At sino ka naman aber?! Buksan mo nga tong pinto at hahakutin ko na lahat ng basura ni liam dyan! Dalawang buwan ng di nakakabayad yang kupal na yan! Kung di sya magbabayad ngayon ng utang nya sa ilog sya pupulutin!" HUWAAAAAAAT?!
Nahihibang na ba tong si Aling Delia?! Paano nya nakakaya yung mga sinasabi nya?! Anong basura?! Nangangalakal ako pero kahit kailan wala akong inuwing basura dito sa bahay-bahayan ko bukod sa sarili ko! Ang sama nya!
Tsaka anong sa ilog ako pupulutin?! Ipapatapon nya ko sa ilog?! Ang salbahe nya naman! Sa dami ng pagtatapunan eh sa ilog pa?! Hindi ba sya tinuruan ng mga ninuno nya na bawal magtapon ng basura sa ilog?! Yuck! Walang manners! Walang malasakit sa kalikasan! Huhuhu!
"Ah-eh g-girlfriend nya ko! Hindi ko pwedeng buksan yung pinto kasi w-wala akong damit! Naglabing-labing kami kagabi ni bebe!" Palusot ko habang inaabot ng paa ko yung t-shirt ko sa sahig at madaling ibinulsa yung plastic card na lagi kong dala-dala. Kailangan ko ng makaalis dito!
"Tangina mo Liam! Wag mo nga akong ginagago! Wala kang syota, ulul! Wag mo kong paandaran ng mga kalokohan mo!" Bigla syang sumipol, "Buboy! Buknoy! Sige na, sipain nyo na yang pinto at dalhin nyo sakin yung pangit na yon!" Napaigik ako sa narinig ko. Nandyan yung mga alagad nya—pero teka nga?!
"Hoy! Sinong sinasabihan mo ng panget?! Mas panget ka! Atleast ako naliligo kahit papano—WAAAAAAAAAAH JOKE LANG!"
Napadapa ako dahil sa lakas ng pagkaka-sipa sa pinto. Dali-dali silang pumasok pero tumayo ako agad kaya bago pa ako mahawakan ng mga alagad nyang kasing pangit nya ay tumakbo na ako patalon sa labas ng maliit na siwang sa may gilid, nagpadulas ako sa mga bubong pababa habang dumadaing dahil sa init ng ng bubong! Huhuhu! Yung pwet ko!
Nag-aalalang nakatingin saken yung mga taong kagaya ko—mga pulubing walang matirhan at walang mapagkakakitaan bukod sa pangangalakal at paglilimos sa kalsada. Mahigit anim na taon na rin kasi akong nakatira dito kaya kilala na ako ng lahat.
Ako kasi ang pinakagwapong pulubi dito! Hehehe!
"Hoy! Bumalik ka dito!"
"Waaaaaaaaaah!" Sigaw ko dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko sa sahig, pero pinilit kong tumayo at mabilis na tumakbo palayo sa kanila.
Hindi ako papahuli sa kanila noh! Manigas sila dyan!
Tumakbo ako ng tumakbo, lumusot-lusot ako sa mga eski-eskinita hanggang sa makalabas ako sa ilalim ng tulay at tsaka nagpatuloy na tumakbo palayo. Nakarating ako sa malawak na kalsada kung saan dumaraan yung maraming sasakyan, mga tatlumpong dipa ang layo mula sa eskinitang dinaanan ko papuntang ilalim ng tulay.
" LIAAAAAM! BAYARAN MO YUNG UPA MOOOOOOOOOO!" Habol na sigaw ni Aling Delia na nagpakaba sakin.
"Hindi tayo bati!" Dinilaan ko sya, "Maligo ka muna!"
Lalo syang namula sa galit tsaka nagsimulang magsisigaw habang nagwawala.
Sa sobrang taranta kong mahuli nila eh umangkas ako agad sa jeep na saktong padaan sa gilid ko at tsaka nagpatianod sa kung saan man ito papunta.
***
"HELLO po! Pandesal nga po, mga limang piso lang."
Inilapag ko yung baryang tagpipiso sa kahoy na nakausli sa panaderya. Taas-kilay namang iniabot ng tindera yung supot ng tinapay kaya nginitian ko sya ng pagkaganda-ganda!
Ang kaso ay agad ding natunaw yung ngiti ko ng maglagay sya ng sipit sa ilong tsaka ako tinalikuran.
Hmp! Grabe naman.
Inamoy amoy ko yung kili-kili ko tsaka ngumiwi. Hindi naman amoy pawis eh, amoy gwapo lang!
"Nakakainis! Akala mo kung sinong mabango..." Bulong ko.
Nag-umpisa na akong maglakad ng walang tsinelas habang pinapapak yung pandesal sa ilalim ng tirik na tirik na araw.
Sino ba kasi ako? Ah! Oo, ako si Liam, 29 years old na ako! September 29, 19xx ako pinanganak pero bukod dun? Wala na akong ibang alam.
Nagising nalang kasi ako isang araw na nakahiga sa karton, may benda sa ulo at puno ng sugat at pasa sa katawan. Kinupkop ako ng dalawang matandang pulubing nakapulot sakin sa kalsada, nakabalandra daw kasi yung katawan ko sa gitna mismo kaya kinupkop nila ako at inalagaan hanggang sa bawian na sila ng buhay dala ng katandaan. Nalaman kong ako si Liam dahil sa ID na ibinigay nila saken noon, sunog at puno ng tuyong dugo ang ID na yon kaya Liam lang ang nabasa ko sa pangalan ko tsaka birthday.
Anim na taon na rin simula ng magpagala-gala ako sa kung saan-saan, umaasa din kasi ako kahit papaano na baka sakaling may lugar na makapagpapaalala saken ng kung sino talaga ako.
Sinubo ko ng buo yung huling pandesal nang mapaatras ako sa gilid dahil sa itim na mahabang kotseng biglaan nalang huminto, yun bang limousine ba iyon? Yung pangmayaman! Huminto iyon sa mismong tabi ko kaya napahinto talaga ako.
Bigla iyong bumusina na nagpagulat sakin! Luh sya, eh bakit ba kasi bumubusina pa sya?!
Nginuya ko yung nasa bibig ko habang yakap-yakap yung supot kahit wala ng laman yun, pinagmasdan ko yung kotse. Ang ganda eh.
Bumukas yung mga pinto nun at isa-isang naglabasan ang mga babaeng tila nakauniporme dahil iisa lang ang suot at itsura!
Nakapusod ang buhok, may suot na itim na sunglasses, nakapolong puti na may itim na coat tsaka itim din na necktie, nakapencil cut din sila na palda at itim na takong—o sa madaling salita, sila ang babaeng bersyon ng mga MIB o Men in Black sa pelikula.
Namilog yung mga mata ko ng bigla nila akong kuyugin at basta nalang hinatak papasok ng kotse! Sinubukan kong magpumiglas pero masyado silang marami at sa tingin ko eh mas malakas sila saken kahit na babae pa sila!
"Saan nyo ko dadalhin?! Sino kayo?! Anong kailangan nyo saken?! Nagkakamali kayo ng taeng dinampot—este, ng taong dinampot!"
"Tumahimik ka kung gusto mo pang mabuhay." Seryosong saad ng isa sa kanila na sa tingin ko ay sinamaan ako ng tingin kahit na nakashades pa sya.
Pero syempre papaawat ba naman ako?! Bakit ako tatahimik?! Hindi ako matatahimik!
"Waaaaaaaaaah! Pakawalan nyo ko! Hindi ko kayo kilala! Bakit nyo ko kinikidnap! Huhuhu! Bitawan nyo ko huhuhu!"
Nagpupumiglas ako habang sapilitan nilang itinatali yung mga kamay ko sa likod pati na rin yung paa ko! Hindi kaya tauhan sila ni Aling Delia?! Pero imposible eh! Naka-limousine sila! Tapos ang lilinis pa nilang tingnan! Eh samantalang ang dungis-dungis kaya ng matandang yon!
"Bitiwan nyo ko—! Hmmmf!" Tinalian nila ng panyo yung bibig ko kaya hindi ako makasigaw.
Hindi ko na alam yung nangyayari sa paligid ko, bukod sa takot ay litong-lito na rin ako! Naramdaman ko na lang yung pag-andar ng mabilis nitong sasakyan kaya medyo nahilo ako.
"We need to check his personal background."
"We can do that later, kailangan muna natin syang asikasuhin dahil hindi sya pwedeng humarap sa korte ng ganyan ang itsura."
"Mukhang nahihilo ang subject, he needs a medic."
"Kakakain lang ng subject kaya sya nahihilo, pwede bang bagalan ng kaunti yung takbo ng kotse?"
"Gusto mo bang patayin tayo ni bossing? Kabilin-bilinan satin na dapat ala-una impunto ay nakaabang na tayo sa labas ng headquarters ng council kahit na alas-dos pa ang tapos ng meeting."
"We need to be there one hour before the meeting ends or else we're all gonna die."
"Tama na nga ang satsat! Hindi na nga natin nasunod yung bilin nya eh?! Ilang minuto na lang palabas na si bossing kaya dapat natin siyang maunahan kundi lahat tayo dedo!"
Palipat-lipat yung paningin ko sa kanilang lahat, mataman akong nakikinig kahit wala naman akong maintindihan ni isa sa mga pinag-uusapan nila!
Napalunok ako. Isa lang talaga ang sigurado ko, malamang ay delikado ako dito!
Mabilis ang takbo ng limousine, hindi ko alam kung magpapakamatay ba sila at trip nila akong isama o talagang kinidnap nila ako para sa bossing nila, pero aanhin nila ako? Pulubi nga ako diba? Alangan namang manghingi sila ng ransom sakin?! Eh wala nga ako ni sinkong duling! Naibili ko na rin ng pandesal yung limang piso ko kanina na nakuha ko sa ilalim ng upuan nung jeep na inangkasan ko kanina! Ano pang makukuha nila sakin?!
Teka! Natigilan ako bigla. Hindi kaya hihiwain nila yung tyan ko tas kukunin lahat ng laman koob ko para ibenta sa iba?! O baka naman ibebenta nila ako sa isang mama sang tsaka pasasayawin sa isang gay bar?! Waaaaah! Ang bad nila! Huhuhu! Ang puri kooo!
Mukhang napansin naman ako nung nasa tabi ko kaya tumawa sya.
"Kapit lang pogi ha? Mabait naman si bossing eh." Kinikilig na sabi nya, sinusundot-sundot pa nya yung pisngi ko na parang gusto akong lapirutin!
"Mabait—kapag tulog." Nagpipigil ng tawa na singit nung isa kaya ngumuso tong nasa tabi ko. Pag tulog?!
"Hmmmfff Hmmf?! Hmmmmff! Hmmf Hmmmmmf hmmmf hmmf!" Sinong bossing?! Bakit?! Anong kailangan nya saken?!
"Eh? Basta! Need ka namin para kay bossing eh, urgent kasi yun at nakasalalay sayo yung magiging susunod na mga hakbang."
Hakbang?! Hakbang saan?! Nasaan ang hagdan?! Ilang hakbang?!
"Seatbelt nyo! Nasa headquarters na tayo ng council!"
Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi nung nagmamaneho sa harap pero pagkatapos nyang sabihin yun ay isang masakit sa tengang pagkaskas ng gulong ang pumaibabaw sa pandinig ko tsaka ko naramdaman yung biglaang pagtagilid ng sasakyan.
Buhay pa naman ako, yun nga lang ay sumubsob ako sa sahig!
"Arrange yourselves, the boss is here."
Hinatak ako pabalik sa upuan nung katabi ko pero lahat sila ay nagseryoso yung ekspresyon ng mukha habang nakatingin sa pinto kaya doon din bumaling yung atensyon ko.
Nang bumukas ang pinto ay tumambad sakin ang nakakasilaw na sinag ng araw kaya medyo naningkit yung mga mata ko. Makalipas lang ang ilang segundo ay may babaeng tila isang anghel sa ganda ang humarang sa sinag ng araw habang naglakad palapit sa amin, pakiramdam ko ay bumagal yung paggalaw ng lahat sa paligid ko nang mapagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa. Kasunod nya ang dalawa pang babae kagaya ng mga dumakip sa akin.
Suot ang mas magarang itim na coat at skirt, nangingibabaw yung maotoridad at nakakatakot nyang presensya sa kabila ng nakabibighani nyang mukha. Hindi ko alam kung bakit pero tila umaalon-alon yung mahaba't purong itim nyang buhok habang naglalakad, pulang-pula din yung labi nya at nakakamangha kung paano sya maglakad na tila ba hindi alintana yung taas ng takong ng sapatos.
Namalayan ko na lang na wala na pala yung babaeng katabi ko kanina nang eleganteng umupo sa tabi ko itong babaeng super sa ganda at agad na nagtanggal ng sapatos.
"Saan ang next destination boss?" Di ko alam kung sinong nagsabi nun dahil napako lang yung tingin ko sa katabi ko.
"Consunji Airlines then fly off to Las Vegas Nevada."
Waaaaaaaaaah! Yung boses nya, hindi man ganon kalambing ay napakaganda naman sa pandinig ko!
Itinali nya yung buhok nya tsaka hinubad yung coat at niluwagan yung necktie. Nanlaki yung mga nata ko nang buksan nya yung dalawang butones ng longsleeve polo nya kaya lumitaw doon yung cleavage nya! Huwawawow!
Nakagat ko yung dila ko nung bigla syang mapatingin sakin. Pinasadahan nya ko ng tingin tsaka nangunot ang noo kaya nginitian ko sya, kaso bigla na lang nya akong tinutukan ng baril na ikinanginig ko sa takot!
"Who the f**k is this?" Malamig na pagkakasabi nya. Nagsimula rin akong pagpawisan ng malapot nang ituro nya mismo yung baril sa noo ka na para bang wala lang kung makalabit nya yon!
Okay lang sana kung water gun eh, libre ligo pa! Eh kaso totoong baril yun?! Waaaaah! Libre burol at libing ang makukuha ko kapag tinamaan ako ng bala non! Huhuhu!
"Ah boss, sya lang yung applicable subject na nakuha namin ayon sa standards nyo na nasa listahan." Nakayukong sabi nung isa.
Lalo naman akong nagulat, aba! Ang inaasahan ko ay isang malaking lalaki na puro tattoo at ma-muscle yung tinatawag nilang bossing! Hindi isang seksi at malahayup sa gandang bebe!
Pero anong standars yung sinasabi nila?! Tapos subject?! Estudyante palang ba sila?! Math time na ba?! Hindi ako nainform!
Tinitigan nya lang ako na tila ba sinusuri yung hanggang sa pinakaloob-looban ng pagkatao ko bago idinikit ng tuluyan sa noo ko yung baril na hawak nya. Huhuhu! Jusko po, pakigising ako! Nananaginip lang yata ako!
"Is he really applicable for this plan?" Kinasa na nya yung baril na nasa noo ko kaya napapikit ako at napadasal ng wala sa oras. EEEEEEEEEK!
"Yes boss." Sagot nung kausap nya.
Nanatili yung sandaling katahimikan hanggang sa nawala na yung malamig na bagay na nakatutok sa noo ko kaya dumilat ako.
"Fine." Sagot nya at nagulat ako sa sunod nyang ginawa—
"A-amen." Bulong ko habang nakatingin sa kanya na nakatutok ang baril sa gilid na parte ng katawan ko—kung saan pinaputukan nya yung bintana sa likod ko.
"Prepare yourself for our wedding tonight."
HA?! W-wedding?!
Yun ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay dahil sa sobrang takot.
[> Play <]
TADAAA! At eto nga! Pagkagising ko eh nasa Las Vegas Nevada na ko at may trenta minutos na lang bago ako ikasal! Huhuhu!
Hindi na natapos-tapos yung paghihilahan namin. Nagtatalo na rin sila sa kung paano nila ako mapapaalis sa pagkakakapit ko sa poste habang ako naman ay abala sa pagyakap doon hanggang sa isang boses ang nagpahinto saming lahat.
"What the f**k is happening here?"
Mabilis silang nagsibitaw sakin, dahilan para mawalan ako ng balanse mula sa pagkakakapit at tuluyang nahulog sa sahig habang nakabaliktad.
Ang ganda-ganda nya lalo sa suot nyang gown, ikakasal sya pero nakaitim na gown?! Ibang klase sya huhuhu! Pakiramdam ko natuyo lahat ng laway ko kasi wala na kong malunok! Nakakatuyo ng laway yung ganda nya ih.
Humilera naman yung mga humahatak saken kanina sa gilid habang nakayuko. Tila ba takot na takot sa babaeng kaharap namin.
"A-ahm. B-boss, a-ayaw nya kasing s-sumama. N-nakakapit sya dyan sa poste! T-tama! Nakakapit sya! D-diba guys?" Nauutal na sabi ng isa na sinang-ayunan pa ng iba kaya dali-dali akong tumayo para depensahan yung sarili ko.
"Oh eh ano naman kung nakakapit ako?! Eh panay hila nyo sakin eh!"
"Kasi nga ayaw mong umalis dyan!" Pinandilatan nila ako ng mata kaya ginaya ko rin sila pero sinamahan ko ng pagtaas ng kilay.
"Eh kasi nga ayoko ding sumama sa inyo! Lugi ako, isa lang ako tapos ang dami-dami nyo?!"
"Malilintikan nga kami kung hindi ka sasama!"
"Bakit parang kasalanan ko pa?!" Turo ko sa dibdib ko bago nameywang. "Ang bad-bad nyo! Ako na nga nakidnap, ako pa ang mag-a-adjust?! Mga salbahe! Hindi tayo bati! Hmp!"
"P-pero—"
"Silence."
Isang salita lang yung iniusal nya pero agad na nagsitahimik ang lahat. Hindi na rin ako nagsalita sa takot na baka bigla nya akong paputukan ulit tulad ng nangyare kanina sa kotse!
Blanko nya kong tinitigan na tila inieksamin ako ng buo, nagulat ako nang diretso syang naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Nang magkatapat kami ay mariin syang pumikit, tila ba nagtitimpi tsaka hinilot ang sentido na para bang ako ang dahilan kung bakit sumasakit yung ulo nya.
"What the f**k is wrong with you that you can't leave that goddamn post behind you?" Mariin nyang saad.
Napayuko ako at napakamot sa batok. Pakiramdam ko kasi nagsitayuan yung mga balahibo ko dahil sa tono ng boses nya, parang may hatid na kilabot yung bawat salitang binibitiwan nya.
"A-ano... H-hindi naman sa ganon... W-wala naman—"
"If that so, then what are you still doing there?" Putol nya sa mga sasabihin ko pa kaya tumulis yung nguso ko.
"W-wala lang..."
"Then move!" Napaigtad ako sa sigaw nyang yon, "Don't make me tell you fuckin twice. Move your fuckin ass and follow me, you're wasting my goddamn time." Sabay tumalikod na sya at nag-umpisang maglakad palayo sakin kasunod lahat ng tauhan nya.
B-bakit ako susunod sa kanya?! Hindi ako magpapakasal sa kanya! Ayoko! Hindi ako papayag!
"Ayoko!"
Ang sigaw ko na yun ang nagpahinto sa kanilang lahat, lalo na sya. Nakahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng coat na suot ko, kinagat ko rin yung ibabang labi ko sa sobrang kaba.
Unti-unti lumingon sakin at pantay na tumaas yung mga kilay nya na para bang naghahamon. Panay naman ang senyas nung mga kasama nya ng 'no!' 'tumigil ka' 'patay ka ngayon!' saken na nasa likuran lang nya kaya biglaan akong pinagpawisan.
"Pardon?" Anya.
Lumunok ako bago kumunot yung noo. Bakit ba ako natatakot sa kanya?! Dapat ipakita ko sa kanyang galit ako! Ako na nga tong kinidnap nya tapos sya pa galit?! Waaaaah! Ako dapat!
"A-ayoko! Lalake ako! A-ako ang magde-desisyon kung sino ang papakasalan ko! Ayoko ng ganito! Hindi ako natatakot sayo! A-a-akala mo ba m-matatakot mo ko? E-eh ano ngayon kung may b-baril ka? Hah?!" Tinuro ko sya tsaka pinandilatan ng mata para strong ako kunwari, "A-akala mo ba takot ako sa baril?! H-hindi! Hindi ako natatakot at mas lalong h-hindi ako magpapakasal sa isang tulad mo! Hindi ngayon, hindi bukas, hindi kailanman!" Hinihingal na sabi ko habang diretsong nakatitig sa mga mata nya.
Hindi ko hahayaang ganun-ganunin nya lang ako! Lalake ako! Mas malakas ako sa kanya! Hindi nya ko matatakot ng ganyan-ganyan la—
Nahigit ko yung hininga ko dahil sa bilis ng pangyayari! Ni hindi ko man lang napansin na nahugot na nya yung baril sa bewang nung dalawa nyang tauhan sa gilid nya at namalayan ko nalang na malakas na nya akong naisandal sa posteng kinakapitan ko kanina habang nakatutok sa noo ko yung baril sa kanang kamay nya at yung isa naman eh sa junjun ko nakatutok!
"Don't fuckin make me mad. I can kill you without hesitation in just a blink of an eye right here, right now."
(Liam's POV)
Sunod-sunod akong napalunok dahil sa nakakatakot na tono ng boses nya, sa pananalita pa lang nya, naninindak nya. Habang nakatitig ako sa mga mata nya ay alam ko na talagang hindi sya nagbibiro.
Nanginginig kong hinawakan yung magkabilang kamay nya tsaka dahan-dahang inalis yun mula sa noo at junjun ko.
"A-ano, gusto mo bang a-akbayan kita o h-hawakan ang kamay ko p-papunta sa korte?" Nauutal kong tanong.
Saglit nya akong pinakatitigan ng pagkasama-sama bago patalikod na binato yung baril kung saan nasako naman ng tauhan nya. Pasiring nya kong tinalikuran kaya dali-dali akong humabol sa kanya.
Otomatikong bumukas yung elevator at pumasok sya, sinenyasan nya akong pumasok kaya sumunod ako bago pa magsara yung pinto.
Dalawa lang kaming nasa loob at nasa likod nya ko kaya kitang-kita ko yung lantad nyang likuran. Ang kinis! Parang ang dulas dulas nun pag hinawakan! Hehehe! Tapos ang lambot tingnan, parang pag pinisil mo mare-reach mo agad yung sukdula—
"Dont you even dare." Saad nya, sabay tagilid ng laylayan ng gown nya para ipakita yung baril na nakaipit sa strap na nasa hita nya.
Sunod-sunod akong napalunok. Waaaaaah! Nakakatakot talaga sya! Huhuhu! Nag-iimagine lang eh, hindi ko naman hahawakan! Huhuhu!
Yung pagtunog lang ng elevator sa bawat floor yung naririnig ko, wala kasing nagsasalita na kahit sino sa man sa amin. Kinamot ko yung batok ko kasi nilalamig ako ng kunti, tsaka bume-bwelo ako ng pagsasalita.
"T-talaga bang ikakasal tayo?" Pagsisimula ko.
Nilingon nya ko ng kaunti pero agad ding bumalik yung paningin nya sa pinto. Nakikita ko yung reflection ng maganda nyang mukha sa pinto ng elevator, wala man lang mababasang kahit na anong emosyon doon.
"What do you think?"
Ngumuso ako, "Nagtatanong lang ih, bakit tinatanong mo ko pabalik?"
"I see, they didn't informed you."
"Hala sya! May kidnapper bang nang-iinform bago mangidnap? Bakit ba kasi ako yung napili nyo? Ano bang meron sakin?"
"Hmn. Why you?"
"Oo! Bakit ako?" Nameywang ako, "Kasi diba marami namang lalake dyan sa paligid? Alam ko namang napakagwapo ko at talaga namang hindi matatawaran sa karisma't alindog pero ang dami-dami dyang mayayaman, matatangkad tsaka yung may maipag... a-ano... maipagmamalaki t-talaga..." Pahina ng pahinang sambit ko bago nag-iwas ng tingin mula sa kanya.
Dahan-dahan kasing umikot yung ulo nya para lingunin ako at talaga namang nakakatakot yun! Bigla akong nakaramdam ng pagkulo ng sikmura pero mukhang hindi nya napansin yun!
Huhuhu. Gutom na ko!
"I have no choice." N-n-no choice?!
Tuluyan syang humarap at bahagyang lumapit saken kaya napaatras ako tsaka napasandal sa malamig na metal ng elevator. Nakaharang yung magkabilang kamay nya sa gilid ng braso ko habang nakatingala saken, kahit alam nyang mas matangkad ako sa kanya eh hindi man lang mababakasan ng takot yung mukha nya. Tila ba parang ako pa yung dapat na mas matakot sa kanya!
Mukha kaming nasa isang palabas kaso baliktad nga lang ang sitwasyon!
"They are following some specific standards when it comes of finding the perfect groom for this plan."
"A-anong standards naman yun?" Natulala ako nung ngumisi sya bigla.
Wow. Kahit pag-ngisi nya nakakamangha! Hehehe.
"Stupid. Idiot. Moron. Airhead. Booby. Bird brain. That's what they are looking for and you're perfectly fit on the description." Nagkibit balikat sya bago bumitaw sakin at muling tumalikod.
Ah! Ganon naman pala ang hanap nila, aba'y akong-ako nga yung hinahanap nila—EH?!
"T-teka nga?! Eh puro insulto yata yun eh! Parang iisa lang ang ibig sabihin nun ah!"
Humalakhak sya na tila nang-aasar! Napanguso tuloy ako.
"Oh well." Muling kibit balikat nya, "Let's talk about it later, we need to be wedded first." Saktong isang floor nalang ng tumunog ulit yung tyan ko kaso napalakas yata kasi kunot noong nilingon nya ako.
Napahawak ako sa sikmura ko, nananakit na kasi.
"You didn't eat anything?"
"Pandesal lang." Nakanguso kong sabi pero sumimangot lang sya.
"Whatever. You can eat anything you want after the ceremony." Sabay nauna ng lumabas at ako naman eh nakahawak sa sikmurang nakasunod.
Ano na kayang mangyayare saken pagkatapos neto? Itatapon na nya ba ako pagkatapos ng kasal? Wag naman sana huhuhuhu. May silbi pa naman ako kahit papano.
(Monica POV)
"BOSS, there are plenty of suspicious cars that suddenly showed up in front of the building." Dinig kong sabi ni A, isa sa mga main agents ko na nagbabantay sa building kung saan gaganapin ang kasal ko.
Patuloy lang ako sa paglalakad patungong kwarto kung nasan yung judge na magsasagawa ng kasal. I took a glance on my wristwatch and can't help but to feel annoyed after seeing the time. It's already eleven fifty two, that's eight minutes before twelve midnight. Isa siguro yun sa dahilan jung bakit maraming nag-aabang sakin sa labas, they are sure excited to kill me.
"Secure the front." I said, "Inform B, C, D and E to scatter our agents around every corner of this fuckin building and make sure that no one could fuckin make a step inside this place, understand?"
"Copy boss!" Then her line ended.
I need to be married before the clock strikes at exactly twelve midnight or else the council will dethrone me as the Mafia Queen and all of us, together with my agents will be killed but f**k them all! Who says I'll let that happen? Iisa-isahin ko muna silang lahat bago nila ako mapatumba pahiga da kabaong ko.
I have an agreement with them—The council, na pagtungtong ko ng edad na bente-otso't wala pa akong asawa ay mawawala sa akin ang titulo ko bilang pangalawa sa pinakamataas na pinuno ng Underground Society. Everyone can kill me whenever and wherever they want because my exemption to be killed will be void. My wealth, power and authority will vanish if this wedding could be unsuccessful because I'll be already at my twenty eighth year after this midnight.
So here I am now, walking in a hurry with this idiot beside me which I-don't-fuckin-know-where-he-came from and I-don't-give-a-s**t about him. The only important thing is maisagawa ang kasal at tsaka ko na aalalahanin ang mga mangyayari pagkatapos ng ceremony.
"Can you walk faster?!" I hissed. Ang bagal nya kasing maglakad!
"T-teka lang naman! Huhuhu! Masakit yung tyan ko ih! Huhuhu!"
"Do you think I give a s**t about you and your stomach ache?!"
Ngumuso say, "Ang sungit mo naman."
Hindi ko na sya pinansin nang huminto ako sa tapat ng malaking pinto ng Court hall. I glanced at him again, he's hugging his own body, specifically on his stomach.
I groaned in annoyance. Wala pang bente-kwatro oras pero sumasakit na yung ulo ko sa kanya!
"Aww. Ang sakit ng tyan koooo~" Yumuko-yuko sya habang hawak ang sikmura. Ugh. Fuckin drama!
"We dont have enough time for that!" Hinatak ko sya sa kaliwang kamay at tsaka nagmamadaling pumasok sa loob ng court hall kung saan ako at ang iba sa mga agent ko lang ang tao sa loob.
"You're both late? What happened?" Tanong ng judge ng makalapit kame pero di ko sya pinansin at sa halip ay pumitik ako ng daliri tsaka naupo sa may kahoy na upuan na may lamesita sa harap kaya agad na nagsilapit ang mga tauhan ko saken.
"Yes boss?"
"Where's the papers? The marriage contract? It's already 11:58 get us a f*****g pen! MOVE!"
They immediately gave everything that we need in just a span of few seconds out of fear. Hindi naman umiimik si engot at nanlalaking mata lang na nagmamasid. Malamag takot na mapagbuntunan ko.
I took stapled papers and gave the other copies to him.
"Here. Fill up the information then signed it." Nagsimula na rin akong magsulat.
"B-but how about the wedding ceremony?!" The judge intervened in the middle of my signing that made me fuckin pissed.
Walang lingon kong inilabas yung baril na nakakabit sa hita ko tsaka inilapag sa lamesitang pinagsusulatan namin. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong napaatras sya gulat at hindi na muling nagsalita.
"We both f*****g do. Kahit hindi ka magtanong ay parehas na 'I DO' pa rin ang sasabihin namen so shut the f**k up and dont even utter a damn word when I'm not telling you to!"
Naramdaman ko yung adrenaline rush sa pagsusulat ng mga personal info's ko. Nawala lang yun nang matapos kong pirmahan yung kontrata at napatingin dito sa katabi kong engot na hindi pa ren pumipirma!
"What the f**k are you doing?! Bakit hindi mo pa pirmahan?!"
He bit his lip as he glance on me before showing me the 'Name' wherein Liam is the only thing that he wrote. Agad na kumunot yung noo ko sa kanya.
"What's with that?!"
"W-wala akong apelyido ih." WTF?!
Kinwelyuhan ko sya kaya napapikit sya at bumakas lalo ang takot sa mukha.
"Are you fuckin kidding me?!"