Tatiana’s POV Isa-isa ko nang tinignan ang mga mamahalin dress, sapatos at pati pala makeup na binili sa akin ni Wyatt kahapon sa mall. Ngayon ko lang napagtanto na nung umalis pala siya at iwan ako sa coffee shop, bumili siya nun ng mga makeup ko. Sabi niya sa message niya sa akin, dinamihan daw talaga niya ang pagbili sa akin ng makeup, kasi alam niyang araw-araw akong nagmi-makeup kapag nagtuturo sa school. Heto, napuno tuloy ang vanity table ko ng mga bagong makeup. Hindi ako palaayos ng mga makeup sa mga gamit ko pero dahil mamahaling makeup ang mga ito, deserve nilang ma-display ng maayos. Ang sarap sana nitong ma-post sa social media account ko, kaya lang iisipin nila na galing ito kay Wyatt kaya huwag na lang. Ang gaganda at talagang mamahalin ‘yung mga damit, sapatos at makeup