Tatiana’s POV Masama ang loob ko habang paalis sa bahay. Hindi na nakapagsalita si Grigori nung sabihin kong hindi ako makakapag-dinner sa kanila. Pati si mama ay nagalit pa sa akin. Pinilit niya ako kanina na huwag nang umalis at kay Grigori na lang ako tumuloy kasi ito naman talaga ang unang nag-aya sa akin. Sobrang boto na boto si mama sa kaniya. Nang hindi ako pumayag sa gusto niya, doon na niya sinabi sa akin na nagluto pala ng pork tonkatsu si Grigori para sa akin. Umamin si mama na nagtanong daw si Grigori sa kaniya kanina kung anong paborito kong pagkain. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya akong lutuan ng pagkain. Nakunsensya at nalungkot talaga ako dahil nag-effort pa pala siyang magluto ng ganoon, pero hindi naman ako pumunta sa bahay nila para kainin ang niluto niya p