Kabanata 3

1822 Words
Grigori’s POV “Miss na miss ko na ‘yan, babe!” malungkot na sabi ng girlfriend kong si Yulia na nasa Vietnam habang kausap ko sa cellphone ngayon. Magka-videocall kami ngayon. At kakatapos ko lang labasan ng semilya matapos mag-masterb*te habang pinapanuod namin ang isa’t isa. Nag-aya na naman kasi siya ng SOP. Kaya heto, kapwa kaming hubu’t hubad habang magkausap. At ang tinutukoy niya na miss na miss na niya ay itong kargada ko na tayong-tayo pa rin habang punong-puno ng semilya ang buong paligid ng katawan nito. Pinulot ko tuloy ang pulang boxer short sa kama at saka ko pinunasan ang semilya na naroon sa katawan ng ari ko. Pagkatapos ay kumuha na rin ako ng tissue para punasan ang mga katas na napunta naman sa lapag. “Pag-uwi mo, matitikman mo ulit ito kaya tiis-tiss muna, babe.” Habang patuloy akong naglilinis, patingin-tingin pa rin ako sa camera. Nakabukaka kasi siya roon kaya kitang-kita pa rin ang mapula niyang hiwa na miss na miss ko na ring kalikutin at dilaan. Miss ko na ang amoy niyan at ang lasa ng katas niya. Maya maya ay nagbihis na siya kasi nilalamig na raw siya. Naka-aircon pa naman ang room niya kaya nagbihis na rin ako. “Anyway, anong balita diyan sa bagong bahay mo, babe? Okay ka na ba diyan?” Lumabas na ako sa kuwarto ko habang dala-dala ang cellphone ko. Hanggang hindi pa kasi siya nagpapaalam ay hindi ko pa puwedeng patayin ang linya ko. Nagulat ako nang makitang nag-aagaw na pala ang liwanag at dilim sa labas. Halos tatlong oras na pala kaming nag-uusap. “Okay na okay naman. Hindi nga ako sanay dahil mas sanay ako sa maliit na bahay na tagpi-tagpi na yero ang dingding,” sagot ko sa kaniya habang nagsasalang na ako ng bigas sa kaldero. “Kulang ka pa sa mga gamit. Hayaan mo kapag sumahod ako, pauuwian kita agad ng pera para makabili ka ng iba pang gamit na kailangan mo diyan.” Napangiti ako. Hindi naman ako nanghihingi sa kaniya pero siya itong palaging nagkukusa. Kaya mahal na mahal ko siya eh. Hindi lang dahil binibigyan niya ako ng pera kundi dahil ramdam kong palagi rin siyang may care sa akin. Palaging may time sa akin kahit nasa ibang bansa na siya. Pagsalang ko ng bigas sa kanin ay kinuha ko ang ang cellphone ko para lumipat ako sa sala. Doon ako naupo at saka tinapat sa akin ang camera ng cellphone ko. “Alam mo, saktong-sakto na tayong dalawa rito sa bahay ko, babe. Kung magpapakasal na tayo, dito na lang tayo kasi sariling bahay at lupa ko na ito.” “Sige ba. Gusto ko ‘yan. Pero maiba tayo, Grigori. Ano ng plano mo ngayon? Patay na ang papa mo at nanay mo, dapat siguro maghanap ka na ng trabaho kasi hindi rin magtatagal ay mauubos din ‘yang perang hawak mo.” “Naghahanap na nga ako. Pero siguradong hindi ako makakahanap ng may malaking sahod. Kasi alam mo naman, highschool lang ang natapos ko. Hindi na ako nakapag-aral ng college.” Narinig kong nagbuga ng hangin si Yula sa kabilang linya. “Mag-aral ka kaya ulit. Mag-HRM ka, tapos saka kita ihahanap ng trabaho rito,” udyok niya kaya napangiti ako. “Talaga? Oh, sige, mag-aaral ako. Tamang-tama, may malapit na college school dito sa Norza town.” Kaya lang, aminado ako sa sarili ko na medyo mahina ang ulo ko. Baka masayang lang ang pera sa pag-aaral ko. Nung highschool kasi ako, puro pasang awa lang ako dahil palagi akong hindi pumapasok sa klase. Mas pinaglalaanan ko ng oras ang pag-inom ng alak at pagtropa sa mga basagulero kong mga kaibigan. Kaya nung highschool ako, sobrang laki ng tiyan ko at mataba rin ako. Nito na lang gumanda ang katawan ko nang makilala ko si Yula. Si Yula na tatlong taon ko nang syota. Dahil sa kaniya, naglaan ako ng oras sa gym para magpalaki ng katawan. Dahil sa kaniya nag-ayos ako ng sarili kaya ganitong para akong anak-mayaman kahit ang totoo ay nakatira lang ako sa squatter area. Magandang-maganda na kasi ang hubog ng katawan ko. Gumanda rin ang kutis ko dahil sa mga sabon na ginagamit ko. Bonus na lang talaga ang pinamana sa akin ni papa ang pagiging matangkad ko kaya naman sobrang lakas na rin talaga ng dating ko ngayon. Sa labas, hindi puwedeng ‘di ako titignan ng mga tao. Hindi rin puwedeng ‘di ako babaswitan ng mga bakla. Inaalok ako ng buking pero hindi ko na lang pinapansin. Mabuti na lang at nakilala ko pa ang ama ko bago ito mamatay. Mabuti nalang din talaga at may isang matandang lalaki na namukhaan ako habang nasa palengke ako noon. Sinabi nito na kamukha ko raw ‘yung matalik niyang kaibigan noong binata pa lang ito. At ‘yon ang naging dahilan kung bakit nagkita kaming mag-ama. At kung bakit sinuwerte rin akong makamana nitong bahay at lupa. Suwapang nga lang ang isa ko pang kapatid na lalaki dahil ang kaniya, mas malaking bahay at lupa ang nakuha. Ni hindi pa nga ito masaya na nakita na niya ako kahit magkadugo kami. Nagalit pa ito sa akin dahil dapat itong bahay na napunta sa akin ay tatayuan daw niya ng negosyo niya. Ibibigay ko na nga dapat sa kaniya ito pero naisip kong pagkakataon ko na rin ito para magkaroon ng maayos at magandang bahay. Salamat kay papa dahil kahit pa paano, iniwanan niya ako ng isang daang libong piso. Pera niya na nakita ko sa lumang aparador niya rito. Mabuti na lang din at ako ang naglinis nitong bahay. Dahil doon, nakita ko ang perang ‘yon. ** Matapos naming mag-usap ni Yulia ay tinawagan ko agad si Boris—bestfriend kong rakista at lasenggero, pero matalino at maraming alam. Siya ang makakatulong sa akin para sa pag-aayos ng mga papel na need ko sa school. Talagang wala kasi akong alam pagdating sa mga ganoon. Ito na rin talaga ‘yung epekto nang pagliban ko sa mga klase ko noon. Ayan, parang wala tuloy akong nalalaman sa mundong ito. Naamoy kong parang nasusunog na ang kanin na sinaing ko kaya nagtatakbo ako sa kusina para patayin na ang kalan. Mabuti na lang at hindi gaanong nasunog ang kanin. Pumasok ako ng kuwarto para kunin ang pitaka ko. Wala pa akong imbak na pagkain dito sa bahay dahil busy pa ako. Bibili na lang ako ng lutong ulam sa labas. Kinuha ko ang susi ng motor na nakasabit sa may pinto at saka ko binuksan ang gate. Palabas na ako nang biglang dumating ‘yung weird na babaeng nakakilala ko kahapon. “Grigori oh, pinabibigay ulit ni mama. Nagluto siya ng adobong manok. Baka raw kasi wala ka pang ulam,” sabi niya at saka inabot sa akin ang tupperware na sinauli ko na kahapon. Tamang-tama pala. Hindi ko na tuloy kailangang umalis para bumuli ng ulam sa labas. “Nakakahiya naman. Ganito ba talaga rito? Kapag may bagong kapitbahay, binibigyan ng ulam araw-araw?” tanong ko sa kaniya nang tanggapin ko ang suppot na naglalaman ng ulam. “Actually, hindi. Kami lang kasi talaga ‘yung mabait dito sa street na ito. Saka, paraan namin ito para makipag-close sa mga bagong kapitbahay,” sagot niya habang umiikot ang tingin niya sa braso, tiyan at ibaba ko. Parang pinagmamasdan niyang mabuti ang katawan ko. Siguradong type ako ng isang ito. Ang lagkit ng tingin eh. Inaya ko siyang pumasok sa loob. Agad-agad naman siyang sumunod sa akin. “Actually, papunta sana ako sa bilihan ng ulam dahil wala akong ulam. Pero dahil nagbigay kayo ng ulam, hindi ko na problema ang ulam ngayon.” Sumunod pa rin siya hanggang sa kusina. Sinalin ko sa mangkok ang ulam na umalingasaw agad sa buong paligid. Amoy palang ay mukhang masarap na. Sabagay, masarap din ‘yung ulam na binigay nila kahapon kaya sigurado akong masarap din ang ngayon. “Tamang-tama nga pala. Mabuti na lang at naisipan kong dalhan ka ulit ng ulam,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Ano ba talaga? Sabi niya pinabibigay ng nanay niya. Tapos ngayon siya pala ang totoong dahilan? Ang weird niya talaga. Pero kung titignan, maganda naman siya at sexy. Ang laki rin ng dibdib niya. Saka, parang ka-edad ko lang din siya. “Alam mo, ngayon lang ako nakapasok dito. Puwede bang mag-tour ako rito sa loob ng bahay mo?” tanong niya kaya tumango na lang ako. “Sige lang. Mag-tour ka lang diyan, kakain na muna ako at nagugutom na rin kasi ako.” Habang kumakain ako, nag-ikot na nga siya. Mula rito sa ibaba sa itaas at maging sa bedroom ko. Nagtagal nga lang siya pagdating sa bedroom ko kaya napatayo ako para silipin kung ano nang ginagawa niya roon. Pagdating ko roon, nagulat pa ako dahil nakita kong inaamoy-amoy na niya ‘yung mga tissue na ginamit kong pamunas sa semilya ko kanina. “H-hey, huwag ‘yan,” pigil ko agad sa kaniya. “B-bakit parang amoy chlorine. Tam*d ba ‘yan?” Nagulat ako nang itanong niya ‘yon. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko sa kaniya. “H-hindi. Kumain kasi ako kanina ng caimito. Ginamit ko ‘yang pamunas sa mga tumulo ng katas kanina ng caimito,” palusot ko na lang habang mautal-utal. Dapat pala hindi ko na siya pinayagang mag-tour. Nakakahiya. Naamoy pa niya tuloy ang semilya ko. Pero ang galing niya ah. Alam niya ang amoy ng tam*d. Napapailing na lang tuloy ako nang umuwi na siya dahil may gagawin pa pala raw siya. Bigla itong nagmadaling umuwi. Ang weird lang talaga. Pag-alis niya, tinuloy ko na ang pagkain ko. Nag-enjoy ako sa ulam na binigay nila dahil ang sarap ng luto. Sana, araw-araw nila akong dalhan ng ulam. ** Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay pumasok na ako sa kuwarto ko para matulog. Pero dahil makalat pa dahil sa mga saplot at tissue na nagkalat ay naglinis muna ako. Sinupot ko na isa-isa ang mga tissue na ginamit ko kanina. Tapos pinulot ko na rin ang sando at short na pinaghubaran ko nung mag-SOP kami ni Yulia. Nang ilalagay ko na sa lagayan ng malilibag na damit ang mga saplot ko, nagtaka na lang ako na wala na bigla ang boxer short na kasama kong hinubad ko kanina. Sinilip ko pa ang suot ko, pero bago na ito. Nawala na rin talaga ang pulang boxer short ko na ginamit ko pa namang pang-jogging at pang-gym kanina. Amoy pawis na ‘yon ng ari ko at mayroon na ring mga tam*d na pinunas ko kanina doon. Napapakamot na lang tuloy ako ng ulo. Inisip ko na lang na baka kung saan ko ‘yon nailapag kanina. Ganoon kasi ako eh, bigla ko na lang ilalapag kung saan ang gamit ko at pagkatapos ay makakalimutan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD