Kabanata 8

1726 Words
Grigori’s POV Pauwi na ako galing sa Norza College. Sa wakas, nakapag-enroll na ako. Bukas, puwede na akong pumasok kaya dala-dala ko na agad ang uniform ko para labhan. Napadaan ako sa tindahan ng school supplies kaya bumili na rin ako ng mga kailangan kong gamit. Gutom na ako at sobrang init naman ngayon ng panahon kaya uwing-uwi na ako. Pag-uwi ko sa bahay, nilabhan ko na ang mga uniform ko. Binabad ko muna ito sa sabon habang nagluluto ako ng tanghalian ko. “Grigori, nariyan ka na ba?” Napangiti ako nang marinig ko sa labas ng bahay ang kaibigan kong si Boris. Sinalubong ko siya sa labas para papasukin sa loob ng bahay. “Akala ko hindi ka na babalik eh,” sabi ko sa kaniya. “Puwede ba naman ‘yon. Basta’t inaya mo ako ng alak, hindi puwedeng hindi ako babalik,” sabi niya at saka ito naupo sa sofa dito sa sala ng bahay ko. “Nga pala, okay na ba? Nakapag-enroll ka na sa school na ‘yon?” tanong pa niya. “Oo, salamat sa pagtulong mo na asikasuhin ang mga papel ko. Maaasahan ka talaga kahit kailan,” sagot ko sa kaniya. “Sandali, ikukuha lang kita ng maiinom.” “Kape sana, Grigori,” request pa niya. “Ang init-init, kape?” “Ito naman parang bago sa kaniya ‘yon. Alam mo namang oras, oras, kape talaga ang gusto ko. Kahit summer pa, walang makakapigil sa aking uminom ng kape.” Siguro sa kape siya pinaglihi. Napailing na lang ako at saka tumuloy sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Since bata pa lang kami, kaibigan ko na si Boris. Sa lahat ng kalokohan, siya na ang kasa-kasama ko. Lahat ng sikreto ko ay alam niya. Lahat din ng sikreto niya ay alam ko. Natatawa talaga ako kapag naiisip ko ‘yung ginawa namin noong grade six kami. Madalas kaming pumunta noon sa banyo ng sabay. Tapos, naglalaro kaming dalawa ng kagaguhan. Napapaunahan kami sa pagpapalabas ng semilya. Kung sinong mauna, siyang panalo. At kapag kung sino naman ang talo, siyang manlilibre ng maiinom sa labas ng school namin. Ako ang palaging nananalo dahil mabilis akong labasan noon. Naglabas na rin ako ng tinapay para may makain siya habang umiinom ng kape. “Oh, mag-merienda ka muna. Nagluluto palang kasi ako ng kanin at ulam.” Binaba ko sa table ang kape at tinapay niya. “Kumusta nga pala si Yulia sa ibang bansa?” tanong niya. “Ayos naman daw siya. Kahit pa paano, galamay na niya ang trabaho niya.” “Grigori, hindi naman sa pinapakaba kita. Paano kung totoo ‘yung sinasabi nung baklang kumausap sa iyo nung nakaraan? Na si Yulia ay hindi matinong babae. Na mahilig nga itong manlalaki?” Napakamot ako ng ulo. “Boris, sabi ni Yulia, hater daw talaga niya ‘yon kaya kahit anong panira ay sasabihin niyon talaga para magkaroon ng problema si Yulia sa akin. Pero kasi, matagal ko nang kilala ang girlfriend ko. Matino ‘yon. Hindi niya ako lolokohin.” “Chill lang, parang aawayin mo na ako niyan eh. Nagtanong lang naman ako, masyado kang seryoso.” Tinawanan ko na lang siya pero sa loob-loob ko, natatakot din akong isipin ‘yon. Seryosong-seryoso na kasi ako kay Yulia. Hindi na nga ako gumagawa ng kahit anong kasalanan sa kaniya. Hindi na ako nambabae gaya nang ginagawa ko noong may mga syota ako. Nagtino na ako kasi sobrang ganda ni Yulia. Sobrang sexy pa kaya ayoko nang pakawalan siya. “Diyan ka na muna, magluluto muna ako at pagkatapos nating mananghalian ay bumili na tayo ng alak para makapag-umpisa na tayo.” Tumango lang siya dahil punong-puno na ng tinapay ang bibig niya. Maya maya, habang patapos na akong magluto ng adobong kangkong, biglang sumulpot sa likod ko si Boris. “Wala ka bang sexy at magandang kapitbahay manlang dito?” tanong naman niya. Bigla namang pumasok sa isip ko si Ma’am Tati. Maganda kasi ang professor na ‘yon. Sa tuwing makikita ko siya, hindi puwedeng ‘di ako napapatingin sa malaking dibdib niya. Tapos, sexy din. Halatang single at halata rin parang trip ako dahil madalas magpapansin sa akin eh. Pero tulad nga nang sinabi ko kanina, hindi na ako lumalandi sa iba ngayon. Loyal na loyal na ako ngayon kay Yulia ko. “Wala eh,” sagot ko na lang. Mabuti nang hindi niya alam. Baka kasi kapag nalaman niyang may bago akong kilala ay mabanggit pa niya kay Yulia. Alam kong minsan, nagkakausap sila kapag hinahanap niya ako, kapag hindi ako nagre-reply sa mga chat at call niya. “Boring pala rito. Wala ka manlang pinagpapantasyahan. Mahirap din kasi na malayo ang syota, tapos wala kang pinagjajakΰlan dito sa malapit sa iyo. Tayong mga lalaki, hindi rin talaga natin maiiwasan na hindi mabighani sa ibang babae kahit na may syota na tayo,” sabi niya kaya binatukan ko siya ng mahina. “Nagse-s*x on phone naman kaming dalawa ni Yulia,” pag-aamin ko sa kaniya. “Talaga? Puta, nausuhan ka na pala ng ganoon. Paano ginagawa mo?” tanong pa niya kaya napailing ako. “Malamang, nagjajakΰl ako sa harap ng camera, tapos ganoon din siya. Okay naman eh, kapwa kaming nakakapagparaos. Medyo weird nga lang dahil nakatayo lang ako sa harap ng camera hanggang sa labasan. Tapos siyempre, may mga ungol-ungol din kaming dalawa para mas masarap, okay naman siyang gawin, masarap pa ring labasan dahil nakikita ko rin ang hubu’t hubad na katawan ni Yulia,” natatawa kong kuwento sa kaniya. “Naku, masama ‘yan. Paano kung nire-record ni Yulia ang pagjajakΰl mo? Paano kung ina-upload niya ‘yan sa isang website para pagkakitaan ka?” “Ikaw, napakalawak talaga ng imagination mo. Hindi gagawin ng syota ko ‘yun. Ako, oo, ginagawa ko pero hindi ko i-a-upload sa kahit na saang website,” pag-aamin ko ulit sa kaniya. “Ah, nire-record mo ang pag-aano niya?” tanong pa niya. “Oo, para kapag tinatamaan ako ng init ng katawan, panunuorin ko lang ang video niya para makapagparaos ako.” “Puwede panuod?” tanong niya kaya napalakas na ang batok ko sa ulo niya. “Napakagago mo talaga!” bulyaw ko sa kaniya. “Bumili ka na nga lang ng alak sa labas, para kapag tapos na tayong kumain, mag-inuman na tayo. Lalabhan ko lang saglit ang mga uniform ko at may pasok na kasi ako bukas.” Kinuha ko ang pitaka sa bulsa ko at saka ko siya inabutan ng pera. Pag-alis niya, pumunta na ulit ako sa loob ng banyo para ituloy na ang paglalaba ko. Hindi naman malibag ang mga uniform na iyon kaya madali lang akong natapos. Sinampay ko ito sa likod ng bahay namin. Nagtali ako ng mahabang lubid doon para gawing sampayan. Maganda ang sikat ng araw ngayong araw kaya tiyak na matutuyong mabuti itong nilabhan ko. Pagtapos ng mga dapat kong gawin, inaya ko nang kumain si Boris. Siya na nga ang naghanda ng pagkain sa lamesa. ‘Yung mga alak naman ay nilagay ko muna sa fridge para lumamig. “Masarap ka talaga magluluto, dapat lang na maging magaling kang chef,” puri niya. Sanay na sanay at sarap na sarap na talaga sa mga luto ko si Boris. Bata palang ako, nakakatikim na siya ng mga naluluto kong pagkain. “Marami akong niluto. Kung gusto mo, mag-uwi ka mamaya para may ulam ka bukas.” “Oo ba, hindi ko tatanggihan ‘yan. Sawang-sawa na rin kasi akong bumili ng mga lutong ulam. Lutong ulam na palaging tinitipid ang lasa. Sana matuto na rin akong magluto. Sana kasing sarap din kitang magluto. Kaya lang, hindi ko talaga talent ang magluto. Magpirito lang ng itlog, takot na takot na agad ako sa mga talsik ng mantika.” Tawa tuloy ako nang tawa sa mga kuwento niya. Iba talaga kapag kasama ko ang kaibigan kong ito. Nag-umpisa na kaming mag-inuman bandang ala una ng hapon. Beer ang ininom namin, tapos pork sisig naman ang pulutan namin at mga chichirya. Habang nag-iinuman kami, topic namin ang mga pangarap namin sa buhay. Ako, gusto kong maging sikat na chef. Siya naman, gusto niyang maging isang sikat na tattoo artist. Actually, magaling mag-tattoo itong kaibigan ko. Ang problema lang, wala pa siyang kakayahang bumili ng mga gamit pang-tattoo. Kaya kapag nakaahon-ahon ako sa hirap, isa siya sa gusto kong tulungan. Kasi, kahit naman gunggong siyang madalas, masipag naman ito. ** Alas kuwatro na ng hapon nang malasing na kami kapwa. Si Boris, tulog na at nakahiga sa sofa. Ako naman, tinuloy ko ang pag-inom dahil sayang ang alak. Isa pa, inisip ko na lang na pagce-celebrate ko ito dahil makakapag-aral na ulit ako. “Grigori?” Napalingon ako sa bintana nang marinig ko ang boses ni Miss Tati. Narito na naman siya. Kahit lasing na, pinilit kong tumayo para labasin siya. “O-oh, M-miss Tati. M-may dala ka na namang bang pagkain?” bungad kong tanong sa kaniya habang nakangiti. Nakita kong nagulat siya sa akin. “Nakainom ka ba?” tanong niya. “Oo, n-nagkaayaan k-kami ng kaibigan ko eh,” sagot ko habang nakahawak sa pintuan. Lalo kasi akong naliyo nang tumayo na ako. “Ibibigay ko lang itong schedule mo. Ako kasi ang adviser mo,” sabi pa niya kaya napangiti ako. “T-talaga? W-wow, magandang balita ‘yan, Ma’am Tati. Mabait ang magiging advicer ko. Tiyak na hindi na ako babagsak nito.” Inaya ko tuloy siyang pumasok sa loob. Sumama naman siya kahit halata na parang naiilang siya kasi lasing na ako ngayon. Pinaupo ko siya sofa at saka inabutan ng baso. “Umiinom ka ba?” tanong ko pa. “Oo, umiinom naman ako,” sagot niya kaya napangiti ako. Ibig sabihin ay gusto niya rin. “Ayos pala, may makakainuman na ulit ako. Samahan mo na lang akong mag-celebrate kasi after five years, makakapag-school na ulit ako.” Hindi ko talaga mapigilang mapatingin sa dibdib ng babaeng ito. Ang laki at parang ang sarap lamutakin. Lumalabas tuloy ulit ang pagiging wild ko. Huwag naman sana akong makagawa ng kasalanan ngayong hapon. Natatakot kasi ako na baka kapag nalasing ako ng husto, maipasok ko nalang bigla sa kuwarto itong si Ma’am Tati na tila ba masarap ding ikama. Kalma, Grigori, kalma. May Yulia ka na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD