Tatiana’s POV After class, tumuloy ako sa isang Korean restuarant. Um-order ako ng pagkain namin ni Grigori. Dumaan din ako sa wet market para bumili ng prutas. Habang papunta na ako sa paradahan ng tricycle, napadaan ako sa isang mini store. May nakita akong tinda doon ng pang-ahit ng buhok sa katawan. Napangisi ako nang may maisip ako bigla. Napabili tuloy ako ng dalawang piraso niyon. Nakasakay na ako sa tricycle nang tumawag sa phone ko si mama. “Bakit po?” tanong ko sa kaniya sa kabilang linya. “Anak, umalis ako sa bahay. Baka hating-gabi na ako makauwi. Nagluto naman na ako ng kanin at ulam. Yung susi ng gate, nasa ilalim ng paso nung rose na tanim ko.” “At saan naman po kayo lalarga at sino ang kasama niyo?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Ibang klase kasi kung gumal