Tatiana’s POV
Nasabunutan ako bigla ni Olga matapos kong ikuwento sa kaniya ang ginawa kong pagkuha sa brief ni Grigori sa kuwarto nito. Tawang-tawa rin siya nang sabihin kong hinimod ko ‘yon nang mabuti kagabi. Mabuti na lang at kami palang ang tao rito sa coffee shop na pinag-almusalan naming dalawa.
Ganito kasi kami. Maagang papasok para magchikahan sa isang coffee shop. Kapag may ganito kaming ganap, isa lang ang ibig sabihin, may nangyaring kahalayan. At dahil ako ang nag-aya kay Olga, tuwang-tuwa at go na go siya dahil nami-miss na rin daw niyang mangyari ito. ‘Yung ako naman ang nagkukuwento ng mga kahalayaan at hindi ‘yung puro na lang siya.
Kahalayan moment ang tawag namin dito. Kapag may ganito, kahit busy si Olga, gagayak talaga ng maaga ‘yan para maglaan ng oras sa mga ganito.
“So, anong lasa? Nasarapan ka naman ba sa brief ng lalaking ‘yon?” tanong ni Olga at saka ito humigop ng kape niya.
Mocha at muffins ang order niya habang ang akin naman ay latte at cookies.
“Ganoon lang din. Pare-pareho naman ang lasa ng mga brief ng lalaki. Ilang beses ko na itong ginawa sa mga lalaking nagdaan sa buhay ko. Pero iba itong kay Grigori eh, mabango at lalaking-lalaki talaga ang amoy ng tité niya sa brief niya. Hindi ko nga tinigilan ng himod eh, inubos ko ang mga katas niya roon. Habang labas-masok ang d***o sa butas ko, panay ang dila ko sa brief niya,” kuwento ko habang nakabulong. Baka kasi may makarinig kami, naka-uniform pa naman kami. Halos mabuga-buga tuloy ang muffin sa bibig niya dahil sa kakatawa. Umagang-umaga, alive na alive kaming dalawa rito.
“Ikaw talaga ang idol ko sa pagdating sa ganiyan. Salamat naman at lumalandi ka na ngayon. Nakaka-miss din ang mga kuwento mong ganiyan. At aasahan kong may mas lalala pang pangyayari. Siguraduhin mong matitikman mo ‘yang lalaki na ‘yan ah!” Support na support lang din talaga siya sa mga ganap ko sa buhay.
“Talaga. Hindi puwedeng hindi,” nakangisi kong sagot saka ako kumain ng cookies.
Malapit nang magpasukan kaya umalis na kami roon para pumasok sa school. Binitbit nalang namin ang mga kape na hindi pa namin nauubos. Habang naglalakad sa loob ng campus, napansin ko na parang may kulang. Doon ko lang napagtanto na may naiwan nga ako sa coffee shop.
“Naku, Olga, nakalimutan ko pala sa upuan sa coffee shop ang laptop ko.” Napakamot tuloy ako sa ulo. Kakahunta namin sa kalibugan, nakalimutan tuloy ang laptop ko.
“Napakalimot mo talaga kahit kailan, Tati. Balikan mo na, bilis! Baka mawala pa ‘yon doon. Mauuna na ako sa office ko at may gagawin pa kasi ako,” sabi niya kaya tumango na lang ako at saka na nagtatakbo.
Pagdating ko sa loob ng coffee shop, sinalubong agad ako ng staff doon. “Akala ko po nakalimutan niyo na po. Dadalhin ko na sana sa office niyo eh,” sabi ng lalaking staff na si Erick.
“Mabuti at nakita mo. Salamat, Erick!” Kilala na kasi kami dito ni Olga dahil favorite naming puntahan ito kapag may chikahan kaming dalawa.
Paglabas ko ulit doon, natanaw ko ang isang pamilyar na lalaki. Hindi ito naka-uniform, pero pumasok siya sa loob ng school. Nagmamadali pa ito. Takang-taka ako dahil pakiramdam ko ay kilala ko siya. Hindi ko lang matandaan kung sino dahil nakatalikod ito habang naglalakad.
**
Sabay kaming pumunta ni Olga sa cafeteria nang mag-lunch na.
“Parang ang seryoso mo naman ngayon, Olga? May nangyari ba?” tanong ko sa kaniya habang naghahanap kami ng mesa namin.
Nang makakita na kami ng puwesto, doon na kami naupo.
“May isa akong student na sobrang bastos. Sinasagot-sagot niya ako. Walang takot. Muntik akong ma-highblood kanina,” sagot niya at saka padabog na binagsak sa lamesa ang pagkain niyang spaghetti at softdrinks.
“Naku, parang bago naman sa ‘yo ‘yan. Talaga namang hindi maiiwasang mangyari ‘yan. Hindi ka naman puwedeng manakit, ikakapahamak mo lang ‘yan.” Nag-umpisa na akong kumain ng pancit na pagkain ko. “Anyway, lalaki ba ‘yan o babae?” tanong ko pa.
“Babae pa kamo kaya inis na inis ako. Nagtitimpi na lang din ako kanina pero gusto ko na siyang sabunutan. Hindi sa ulo kundi sa buhok niya sa ibaba para magtino siya.” Natawa ako bigla. Ito talagang si Olga, kahit galit hindi na nawawala ang pagiging joker. “Anyway, kaninang umaga may nakita akong isang lalaking pogi na mukhang mag-e-enroll dito. Ang tangkad, malaki ang katawan tapos guwapo rin. Medyo parang may edad na rin siya. Pumasok ito sa admissiosn office kanina.”
“Naku, baka ‘yan ‘yung lalaking nakita ko rin kaninang umaga.”
Bigla namang ngumisi si Olga. “Naiisip mo ba ang naiisip ko?” tanong pa niya.
“Gaga, huwag ganoon. Ayokong maglandi sa student ‘no. Delikado,” sagot ko nang pabulong sa kaniya saka ko binuksan ang orange juice ko.
“Sana maging student mo siya. Malay mo mahina ang utak niya tapos mababa ang grade, alam mo na agad ang mangyayari,” udyok pa niya kaya kinurot ko na siya sa tagiliran niya, dahilan para makiliti siya at mabitawan ang tinidor na hawak-hawak niya.
“Olga, masama ‘yon. Hindi ko kayang gawin ‘yon. Isa pa, may kakalandiin na ako sa street namin. Okay na ako roon.” Tumingin ako sa paligid. Baka kasi may nakakarinig na sa pinag-uusapan namin. Mabuti nalang at malayo sa amin ang ibang mga student na kumakain din dito. “Excited na nga agad akong mag-uwian. Dadalhan ko ulit siya ng ulam para makapagpapansin ako sa kaniya. Sana nga may maabutan ulit akong brief na nakahalang sa room niya.”
Nagtawanan na lang kami kaya napapatingin tuloy sa amin ang mga kasabay naming kumakain doon.
**
Hindi maipinta ang mukha ko dahil may emergency meeting na nangyari. Hindi tuloy agad ako nakauwi sa bahay kaya inabutan na ako ng dilim dito sa school. “Paano na ‘yan, mukhang hindi mo na madadalhan ng ulam ang papa Grigori mo? Anong oras na oh, tiyak na kumain na ‘yon.” Napabuntong-hininga ako nang tignan ko si Olga.
“Sinabi mo pa, Olga. Kaya nga kanina pa ako inis na inis eh.”
Dumating na ang sundo ni Olga. Mabuti pa siya, may asawa nang nag-aalaga sa kaniya at sumusundo palagi rito sa school. Ako, heto, may edad na pero kakaiba pa rin lumandi. Sa ganitong edad, nanangay pa ako ng brief nang may brief. Napapailing na lang tuloy ako kapag naiisip ko ang kagagahan kong ‘yon.
“So, paano, magkita na lang ulit tayo bukas,” paalam niya. Nagbukas pa ng bintana ng kotse ang asawa niya para batiin ako kaya tinanguan ko na lang siya.
Pag-alis nila, naglakad na ako papunta sa paradahan ng tricycle. Kapag ganitong gabi, nasa may bayan na ang pila ng mga tricycle kaya kailangan ko pang pumunta roon.
Patawid na ako sa kalsada nang biglang may mabilis na motor na dumarating. Nanlaki ang mga mata ko dahil inakala kong katapusan ko na ng oras na ‘yon. Mabuti na lang at malakas ang preno ng motor niya kaya hindi niya ako tuluyang nasagasaan. Pero nabuwal ako sa kalsada, nabagsak din ang laptop ko kaya nainis ako.
“Hoy, mag-ingat ka naman! Muntik mo na akong mapatay ah!” bulyaw ko sa kaniya.
Bumaba ang lalaki sa motor niya. Nakasuot ito ng helmet kaya hindi ko kita ang mukha niya. Paglapit niya sa akin, doon na lang niya tinanggal ang helmet.
“M-miss Tatiana?” Namilog ang mga mata ko nang makita kong si Grigori pala ito.
“Grigori?”
Tinayo niya agad ako. “Naku, pasensya ka na, Miss Tatiana. May hinahabol kasi ako. ‘Yung pitaka ko kasi nadukot nung kasabay kong motor kanina kaya nagmamadali talaga ako,” paliwanag niya. Agad namang nawala ang galit ko. Napalitan ito ng awa.
“Hala, paano na yan? Hindi mo na siya mahahabol? Sayang naman yung pera mo. Magkano ba ang laman ng wallet mo?”
“Pang-enroll ko ‘yon eh.” Napapakamot tuloy siya ng ulo.
“Napakawalangya naman ng taong ‘yon. Hindi magtrabaho ng marangal at ganoon ang ginagawa sa buhay.” Napailing na lang tuloy ako. Kung kami na siguro ngayon nitong si Grigori, baka palitan ko na lang ang perang nawala sa kaniya. Kaya lang wala pa eh, nag-uumpisa palang ang plano ko, kaya saka na lang kapag may tikiman nang nagaganap sa amin.
Ang ending, sinabay na niya akong umuwi sa bahay bilang kapalit sa muntik na niya akong masagasaan. Ang sarap lang sa feeling dahil nakapalupot akong mabuti sa matipuno niyang katawan.
Parang kanina lang ay nainggit ako kay Olga dahil may sundo siya, agad namang gumawa ng paraan si Lord para may sumundo rin sa akin.
Ito na kaya ang sign na itong lalaking yakap-yakap ko ngayon dito sa motor ay ang taong para na sa akin?
“Ah, Miss Tatiana, ano po ba kayo sa Norza college?” bigla niyang tanong.
“Professor ako roon, Grigori. Bakit mo natanong?”
Lalong tumatagal ay mas lalo kong hinihigpitan ang yakap sa kaniya. Ang sarap talaga kapag malaki ang katawan ang kayakap mo. Nagpapasalamat pa tuloy ako na muntik na niya akong sagasaan kanina.
“Papasok po ako roon eh. Kailangan kong makatapos ng kursong HRM para makasunod ako sa girlfriend ko sa ibang bansa,” sagot niya kaya napangiwi ako. Mukhang mahal na mahal niya talaga ang girlfriend niya. Sorry siya, bago mangyari ‘yon, sisiguraduhin kong mahuhulog na sa akin itong si Grigori.
“Tamang-tama pala, Culinary Arts Fundamentals ang tinuturo ko roon. Sana maging adviser mo ako.” Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Olga.
Ngayon ko lang din napagtanto na si Grigori pala ‘yong lalaking nakita namin kanina. Ito ‘yung suot niya kanina nang makita ko siya. At kung magiging mababa nga ang grade niya, mukhang magagawa ko na nga talaga ang inuudyok kanina ni Olga.
“Naku sana nga. Para kapag mababa ang grade ko, puwede akong makiusap sa iyo,” natatawa niyang sabi.
“Ay, hindi puwede sa akin ang makiusap. May kapalit dapat,” pagpaparamdam ko na agad. Para alam na rin niya agad.
“K-kapalit. Tulad ng ano?” pagtataka pa niya. Natatawa tuloy ako. Gusto ko sanang isagot agad sa kaniya ang salitang s*x. Kaya lang masyado ata akong maaga para sa ganoong kalandiaan agad. Saka na kapag matapang na matapang na ako.
“Ito naman, joke lang siyempre, masyado kang seryoso,” sagot ko na lang kaya kapwa kaming natawa.
Pagdating sa harap ng bahay namin, abot-langit ang ngiti ni mama nang makita niyang si Grigori ang naghatid sa akin dito sa bahay namin. “Kung may tanong ka na lang tungkol sa school, chat mo ako. I-add mo ako sa Starbook account ko para hindi ka na mahirapan kapag tuluyan ka nang nag-enroll sa school namin.”
Kinilig ako nang i-abot niya sa akin ang cellphone niya. Pina-type niya sa akin sa account niya ang username ko para mai-add na raw ako. Siyempre, nanginginig pa ako nang i-type ko roon ang username ko. May paparinggan na naman tuloy ako sa mga post status ko.
Ito na ang simula, Grigori.