Tatiana’s POV Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay tila nadumi ako ng malaking-malaki kagabi kaya’t pakiramdam ko ay parang napakasakit ng butas ng puw3t ko ngayon. “Napilay ka ba kagabi sa kalasingan mo, Tati?” tanong sa akin ni Olga nang magkasalubong kami sa hallway ng school. Umirap ako sa kaniya. “Gaga, hindi ‘no. Hindi ko lang maintindihan kung bakit masakit ang butas ng puw3t ko ngayon. Wala akong natatandaan na dumumi ako kagabi ng tibe. Basta, hindi ko maintindihan talaga.” Napapailing na lang tuloy si Olga nang maghiwalay na kami ng landas. Papunta na kasi ako sa room ng tuturuan ko ngayon, habang siya naman ay papunta ng kabilang building dahil doon ang susunod na klase niya. Ang huling natatandaan ko kagabi, nagkausap at naabutan pa akong gisi