Tatiana’s POV Palabas na ako ng school para umuwi. Birthday ngayon ng asawa niya kaya nag-aya ito ng dinner. Sa tuwing lalabas ako ng gate ng school, automatic nang may lumalapit na tricycle sa akin kaya hindi na ako nahihirapan. Dapat sa bahay na nila Olga ako tutuloy, kaya lang nakalimutan kong dalhin ang regalo ko. Kailangan kong umuwi muna ng bahay para kunin ang regalo ko. Habang nakasakay sa tricycle, isip-isip ko pa rin kung bakit parang mugto ang mga mata ni Grigori. Para bang galing siya sa iyak. Hindi ko naman siya matanong kung anong problema dahil sobrang dami kong ginawa ngayon sa school. Mamaya ko na lang siya tatanungin kapag nakauwi na ako. “Manong, diyan na lang ho sa tabi.” Inabot ko na ang bayad ko sa kaniya bago ako bumaba ng tricycle. Pagdating ko sa bahay, wala na