Hindi pa rin ako makapaniwala. Kung kaya ko lang sampalin ang sarili ko, siguro ay nagawa ko na.
Napag-alaman ko na ako ang bunsong anak ng Emperador Vencel Eryndor. Siya ang kasalukuyang namumuno sa buong Kaharian ng Cyan pati na din ng ilang bansa na malapit sa bansang ito. Aside from that, he's notorious as a tyrant! Hindi lang siya, kahit ang tatlong lalaki na kasama ay napag-alaman ko din na mga anak niya ito sa dating Emperatris ng Cyan. Lahat ay puros kulay itim ang kanilang buhok - maliban naman sa akin na kulay blonde ang buhok. Naririnig ko sa kwento ng mga chismosang kasambahay na ang nanay ko daw ay hindi dugong-bughaw. In short, she's a commoner. Like, what the h*ll? So uso din pala ang discrimination kapag hindi ka fully royal blood, ganern?
Halos hindi ko na ginagalaw ang mga laruan dahil pakiramdam ko ay nalulunod na ako sa sobrang dami! Jusko, sa previous life ko noong bata pa ako, hindi naman ganito kadami ang mga naging laruan ko. Sa katunayan pa nga ay mas gugustuhin ko pang hawakan ang mga fairy tale books kaysa sa mga ito.
Pero sandali, parang pamilyar sa akin ang mga eksenang ito. Wait, wait, wait-
Bigla akong kinarga ng babysitter ko. Nagtama ang mga tingin namin. Bakas sa mukha ko ang pagkabigla at pagtataka habang siya naman ay matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. "Oras na po para kumain, mahal na prinsesa." aniya. Pero bago man niya ako tuluyan pakainin ay bigla niya ako niyakap na may kasamang panggigigil! "Nakakatuwa ka talaga, mahal na prinsesa! Hindi talaga ako nagtataka na halos makopya mo na ang mukha ng inyong ina!" bulalas niya. Saka ikiniskis pa niya ang kaniyang pisngi sa pisngi ko.
Huh? Kilala niya ang nanay ko?
Kung pupwede lang akong makapagsalita ay hindi ko magawa. Dahil sanggol palang ako at maiksi pa ang aking dila. Ugh, nakakafrustrate naman ito! Hindi bale, hihintayin ko ang tamang panahon na kung kailan na ako pupwede maglakad, magsalita, lahat na! Marami pa ako dapat gawin. Kailangan ko mag-isip kung papaano ako makasurvive sa lugar na ito. Lalo na sa apat na lalaki na 'yon!
Naputol ang hagikgik ng babysitter ko nang biglang nagbukas ang pinto ng silid. Tumambad sa amin ang isa pang maid na hindi maipinta ang mukha. Hawak niya ang palda ng kaniyang uniporme habang palapit siya sa amin. "Bilisan mo nga d'yan at marami pang gagawin sa Kusina!" halos pasinghal niyang utos.
"A-ah, hindi pa kumakain ang prinsesa..." malumanay niyang tugon.
I heard her tsk-ed. Tinapunan ako ng sama ng tingin ng witch na 'to. "Ewan ko ba kung bakit iniingatan ng mahal na Emperador ang batang 'yan eh isang hampaslupa naman ang ina n'yan." mariin niyang sabi na hindi maalis ang sama ng tingin niya sa akin.
Aba, iba din talas ng dila ng babaeng 'to. Like, what the h*ll?
Haayy, oo nga pala. My mother in this world is a commoner. Kaya mababa ang tingin din nila sa akin. Eh ano naman ngayon kung walang dugong-bughaw ang nanay ko, aber? Kasalanan ko ba 'yon? Duh. Kasalanan ko ba kung nagchukchakan ang mga magulang ko sa mundong 'to, ha?
Malungkot na bumaling sa akin ang babysitter ko. Marahan niyang hinawakan ang maliit kong kamay at daliri. "Kahit na hindi dugong-bughaw ang kaniyang ina, anak pa rin siya ng mahal na Emperador."
Napatitig ako sa kaniya. Bakit pakiramdam ko ay siya pa ang mas nasasaktan kaysa sa akin? Para bang kilalang kilala niya ang nanay ko sa mga binitawan niyang salita. Gustuhin ko man magtanong ay hindi ko magawa dahil na din sa estado ko ngayon. Pero nang makita ko ang malungkot na mukha niya ay nakaramdama ako ng kirot sa parte ng aking puso. Kinagat ko ang aking labi at walang sabi na umiyak ako nang kalakas-lakas. Wala akong pakialam kung marinig man ang iyak ko hanggang sa labas ng silid na 'to! Dahil d'yan ay malakas na binuksan ang pinto. Hindi inaasahan ang pagsugod ni Vencel sa silid, ang sinasabing ama ko.
"Anong nangyayari't umiiyak siya?" matigas ngunit pilit pinakalma niyang tanong hanggang sa nasa harap ko na siya. Bigla niya ako kinuha at siya na ang nagbuhat sa akin.
Aligagang nagbigay pugay ang babysitter ko at ang isa pang maid na nambubully sa akin. "M-mahal na Emperador..." kinakabahang sambit ng maid. Ngumiti niya na may halong pangngamba. "O-oras na po ng pagkain ng mahal na prinsesa. Umiiyak na po siya dahil sa g-gutom."
Palusot ka pa, ha! Mas nilakas ko pa ang iyak ko.
Bumaba ang tingin sa akin ni Vencel. Kita ko sa mukha niya na may pagtataka at napapaisip siya kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Tumingin ako sa kaniya. Binigyan ko siya ng ekspresyon na para akong nagsusumbong. Isa nalang ang tangi kong paraan. Inangat ko ang isang kamay ko sabay turo ko sa maid sa nambubúlly sa akin. Mas lalo siya nagtaka.
Bumaling siya sa aking babysitter. "Sabihin mo ang nangyari." mariin niyang utos sa kaniya.
Bahagyang ibinuka niya ang kaniyang bibig para magsalita pero natigilan siya. May bahid na pag-alinlangan. Argh, go girl! Sabihin mo sa kaniya ang tunay na dahilan. Go tell him that she's a búlly! That she bad mouthing about my mother! You can do it! "A-ano po kasi..." tumingin siya nang kaunti sa maid. Kita ko naman na pinandilatan naman ito ng mga maya na prang sinasabi na huwag siya ilaglag. Pumikit nang mariin ang babysitter saka mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang palda. "Ang totoo po niyan, sinabi ni Ethel na hampaslupa si Binibining Lorah!"
Napasinghap ang maid sa panlalaglag sa kaniya. Taranta siyang bumaling kay Vencel. Mabilis pa siya sa alas kuwarto na lumuhod sa harap namin. "H-hindi po totoo 'yon, mahal na Emperador! Maniwala po kayo, wala po akong sinasabing ganyan!" pagtatanggi pa ng loka-lokang búlly!
Bwisit na babae 'to. Ang gusto pa niyang mangyari ay babaliktarin niya ang babysitter ko! D*mn, what should I do then? Kailangan tulungan ko ang babysitter ko! Hindi siya puwedeng umalis lalo na't hindi siya puwedeng parusahan sa hindi naman niya ginawa. Isip, isip! I need to help her no matter what!
Muli akong umiyak. Takte, bahala na kung maiitindihan ba ni Vencel ang ibig ko iparating. Nakuha ko muli ang atensyon nila. Tumingin siya sa akin na nagtataka. Umiiyak ako habang nag-iiling. Panay turo ko sa babaeng nangangalang Ethel. Bumaling ako sa babysitter. Inangat ko ang mga kamay para abutin siya. Mukhang nasa mood naman si Vencel, ibinigay niya ako sa kaniya. Walang sabi na niyakap ko nang mahigpit ang babysitter. Ibig ko iparating na hindi siya pupuwedeng umalis sa tabi ko. Habang ginagawa ko ito ay nagnanakaw sulyap ako kay Vencel. Sana naman kahit sa pamamagitan ng maliit na kilos na ito ay makukuha niya.
Malamig siyang bumaling kay Ethel saka tinapunan niya ito ng tingin. "Kung nagsisinungaling siya, hindi iiyak ang prinsesa." maawtoridad niyang wika.
"M-mahal na Emperador..." nanginginig na ang boses nito dahil sa takot at kaba. Muli siyang yumuko, halos halikan na niya ang sahig. "Patawarin ninyo po ako, hindi ko po sinasadyang banggitin at lapastanganin ang Binibining Lorah. Aminado po ako nagkasala po ako-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya na muli nagsalita si Vencel.
"Damputin ang babaeng ito at itapon sa bartolina kung nasaan ang mga leon!" malakas at galit na utos ng Emperador sa mga kasama nitong kawal.
"K-Kamahalan... Pakiusap po... H-huwag... Maawa po kayo..." naiiyak at desperado niyang pagmamakawa habang dinadampot na siya ng mga kawal.
Nang tuluyan na siyang nailabas sa silid na ito ay nakahinga ako nang maluwag. Sa wakas hindi mapaparusahan ang babysitter. So I can rest? Medyo napagod ako sa bangayan nila. Siguro makakaalis na si Vencel sa kuwarto na ito. Pero mukhang nagkakamali pa ako dahil hindi pa siya umalis. Nagprisinta siya na siya muna ang kakarga sa akin. Inutusan niya ang babysitter na umalis muna. What the?! Hey! Don't leave me here! I just save your life, girl! Argh, dahil hindi nga ako makapagsalita pa ay sinunod niya ang utos ng Emperador.
So kaming dalawa nalang ng lalaking ito ang naiwan. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Dinalo niya ang baby crib at marahan niya akong ibinalik doon. Kinuha niya ang bote ng gatas sa ibabaw ng mesa at siya ang nagpakain sa akin. Kumurap-kurap ako nang makita ko ang pagbago ng ekspresyon ng kaniyang mukha. Kung kanina nakakatakot siya, ngayon, I just saw his soft-side. Malayong-malayo sa mga naririnig kong nakakatakot at walang puso na Emperador. Tulad ko ay nakatitig lang din siya sa akin. Pinapanood niya akong uminom ng gatas. Iginalaw niya ang isang kamay niya saka marahan niyang hinawakan ang isang aking noo. "Kumain ka nang marami, para lumaki ka agad. Sa gayon, balang araw ay makakaya mong harapin at tingnan ang mga taong mapangmata." he said with his soft voice. Like, seriously?
Napatigil ako sa pag-inom ng gatas dahil sa pagkabigla.
Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Sa ngayon, ako at mga kuya mo muna ang magpoprotekta sa iyo."
**
Isang linggo nang nakalipas nang nawala si Ethel sa Palasyo ay bumalik na sa dati ang lahat. Wala nang nagtatangkang mambúlly sa akin. Walang epal ba. Mabuti na din 'yon, para makapagrelax ako. I just need my time until I grow up. Pinapakain, pinapatulog at nakikipaglaro ang mga maid sa akin kahit wala talaga ako sa mood maglaro talaga.
Nalaman ko din kung anong pangalan ng babysitter ko. Her name is Nesta Bolton. She's actually a daughter of Baron of Conmoor. Nagprisinta siyang mag-alaga sa akin since she's a good friend of my mother, daw. Now I know what's her connection with my mother but still, curiosity flooded me. Lalo na sa pamilyang ito. I still want to know and learn about them. Araw-araw ko naman kasama si Nesta pero hindi siya masyadong nagkukwento tungkol mga Eryndor. I need to gather more information about them.
"Mahal na prinsesa, kailangan na po kitang paliguan at bihisan." matamis na sabi ni Nesta pagkatapos niya akong painumin ng gatas. "Lalabas po tayo ngayon dahil gusto kang makita ng Kamahalan."
Huh? Anong meron? Ang akala ko ba overprotective siya? Tipong ayaw niya ako palabasin ng kuwarto na ito dahil marami daw nagtatangka sa buhay ko. Anong meron at nag-iba ang ihip ng hangin?
Kulay pink na bestida ang ipinasuot sa akin pagkatapos kong paliguan. Terno pa sa damit ko ang sapatos na binili mismo ni Vencel para sa akin. Malalaman na magarbo ang damit na ito dahil sa tela at mataas ang kalidad nito.
Sa unang pagkakataon ay nakalabas ako ng silid. Maganda at maaliwalas ang labas. Mukhang wala naman magtatangka sa buhay ko dahil nakapa-peaceful. Bukod pa doon ay maraming bulaklak sa paligid na mas masarap sa paningin. Amoy ko pa ang halimuyak nitong amoy.
May isang bagay na nagtawag ng aking pansin. Isang malaking pinto. Tanaw ko doon ang Emperador na naghihintay sa aming pagdating. Hindi lang siya, may tatlong lalaki pa ang kasama na tulad niya ay itim ang mga buhok nito. Tama, sila lang ang nakita ko nang gabing 'yon. Iyon nga lang, hindi ko pa alam ang mga pangalan nila. Actually, naririnig ko na ang mga pangalan nila pero hindi ko alam ang eksakto kung sino ang tinutukoy nila. Pero dahil sa nakita ko sila, malalaman ko din kung anong mga pangalan nila.
Tumigil kami nang nasa harap na namin ang royal family. Bahagyang yumuko si Nesta pati na din ang mga maid para magbigay pugay sa mga kaharap namin. "Narito na po ang mahal na prinsesa, Kamahalan." magalang niyang wika sa mga ito.
Kinuha ako ng Emperador mula kay Nesta. "Maaari na kayong makaalis. Tatawagin ko na lamang kayo." malamig niyang sabi sa mga ito.
Errr...
Umikot ang eyeballs ko sa aking gilid. Napangiwi ako sa loob-loob ko nang makita ko nang malapitan ang mga prinsipe. Bakas mga mukha niya ang pagkamangha! Animo'y ngayon lang nakakita ng tao!
"Nakita mo 'yon, Eomund? Tiningnan niya ako!" bulalas ng pinakabata sa kanila. Huh?!
"Ang daya. Tss." pasuplado niyang sagot.
"Maaari ko ba siyang kargahin, Kamahalan?" nakangiting tanong ng binatilyo kay Vencel.
Hindi niya iyon sinagot. Sa halip ay umingos siya. Wow, how cold huh.
"Gayunpaman, ikinagagalak ka namin makilala, Prinsesa Styriniana." marahan niyang hinawakan ang maliit kong palad saka ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti.
Sandali, mas naloloka ako sa nangyayari. I thought this family is ruthless? Bakit nagbago yata ang ihip ng hangin?