Episode 2 - Rosaryo

1305 Words
Tila nagtaasan ang kanyang balahibo sa mga kamay. Nang tiningnan niya ang malaking puno ng ay nakaramdam siya na tila may may nakakubli doon na isang halimaw. Ngunit hindi niya maaninag ang hitsura. Binilisan nalang ni Mary ang paglalakad palabas nang kagubatan. Sa 'di inaasahang pangyayari ay may nakabangga siya. Napasigaw siya ng malakas dala ng nerbiyos. "Ahhhhh!" malakas niyang sigaw, sabay pikit sa kanyang mga mata. "Miss, okay ka lang?" tanong nang isang magbubundok. "Parang namumutla ka?" tanong pa ng kasamahan nito. Tumango siya. "Ano'ng ginagawa mo dito sa gubat, Miss?" uli ay tanong ng mamumundok sakanya. "Mag-ingat ka, marami pa namang mga loko-loko ngayon. Sa ganda mong 'yan," babala ng mga ito sa kanya. Ngumisi siya at nagpaalam sa mga ito. Sinabi niya sa mga ito na may dinaanan lang siyang kaibigan sa kabilang baryo kaya siya naroon. Hindi naman niya puwedeng aminin sa mga ito na sa isang kuweba siya nakatira. Sa gitna ng kagubatan. Muli ay napalingon siya sa malaking puno. Naiinis siyang naglakad paalis sa lugar na iyon. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang halimaw na gumahasa sa kanya kagabi. Paano kung balikan siya ng halimaw? Paano kung muli siya nitong gahasain? Wala sa sariling napatingin si Mary sa mga pinanda niyang prutas at gulay. Napabuntong-hininga siya. "Pabili po ako ng gulay," sabi ng isang mamimili sa kanya. "Pili lang po kayo," nakangiti niyang sabi. "Magkano po?" "Limang piso lang." Nang makaalis na ang babae ay may dumaang mamimili mula sa kanyang puwesto. Dinig niya ang pinagkukuwentuhan ng mga ito tungkol sa isang halimaw sa kagubatan at sa mismong tinitirhan pa niya ito nakatira. "Mare, alam mo ba? May nakitang malaking itim na aso ang kumpare mo kagabi sa may gubat habang pauwi galing sa kabilang baryo." "Palagi naman may nakikitang aso roon. Ano namang bago?" "Nagbagong anyo raw.Ay,naku!Nakakatakot na sa mundo ang daming kakabalaghan," hesterikal nitong kuwento. "Naku, Mare, magsimba kayo ng asawa mo. Kulang lang kayo sa bendisyon ng Panginoon. Kulang lang yan sa Dasal," aniya. Nakatulala namang nakikinig si Mary sa kuwentuhan ng mga ito. Baka ang sinasabi nitong halimaw ay walang iba kundi ang gumahasa sa kanya. Baka nga totoo. At hindi isang malagim na pantasya niya lang. Hindi mapakali si Mary nang mga sandaling iyon. Palubog na ang araw at malapit nang sumapit ang gabi. Panay ang buntong-hininga niya tuwing na aalala niya ang nangyari. Pauwi na siya ng may madaanan siyang isang matandang naglalako ng kung ano-ano sa gilid ng kalsada. Napansin niyang may Rosaryo ito at kung ano pa mang mga pangotra sa mga demonyo o halimaw. "Mag-ingat ka," sabi ng matanda sa kanya ng napahinto siya sa tapat nito. "Ho?" gulat niyang tanong. "May nagmamasid saiyo. Kaya mag-ingat ka," ulit nito. Nakaramdam na naman ng pananayo ng balahibo si Mary.Talaga bang binabantayan siya ng demonyo? Bakit naman? "Pabili po ako ng Rosaryo," aniya. Tumingin ang matanda sa kanya at pinagmasdan. Tila nababasa nito ang laman ng kaniyang isipan. At nahulaan nito kung bakit bibili siya ng pangontra sa halimaw na gumahasa sa kanya. "Hindi basta-basta ang demonyong nagbabantay saiyo. Isa siyang kakaibang halimaw. Malakas at nakakatakot." "P-paano niyo po alam?" nagtatakang tanong niya sa matanda. "Matagal na akong nakatira rito. At tuwing sasapit ang ikalabing-walong kabilugan nang buwan ay lumalabas ang mga halimaw para magparami ng lahi. Dahil iyon lamang ang kanilang pagkakataon para mag-bagong anyo." "Naniniwala po kayo sa mga halimaw? Mga demonyo.May sungay at buntot! Wala hong ganung uri ng nilalang," lakas-loob na sabi ni Mary sa matanda. "Nagkakamali ka. Dahil nakikita ko saiyo na isa ka sa mga magsisilang. Mabubuntis ka at mabibiyaan ng anak mula sa halimaw." "Hindi totoo 'yan!Wala akong kasalanan sa Diyos! Wala akong inapakang tao! Ayaw kong magkaroon ng anak nang isang halimaw. Ayawko!" iyak niyang sabi sa matanda. "'Yan ang nakatadhana saiyo. Pero 'wag kang mag-aalala hindi ka mapapano." "Sino ba kayo?" nanlulumo niyang tanong. "Bakit ako pa?" mahinang tanong niya sa sarili. Tinapik siya ng matanda sa balikat. "Sumama ka sa akin.Iyuuwi kita sa bahay ko.At doon ay ligtas ka," anyaya nito sa kanya. Sumama si Mary sa matanda ng hapong iyon. Dala ng takot at pangamba mula sa demonyo ay pansamantala munag sasama niya sa nakilala niyang matanda. Mabuti nalang at mabait ito at mapagkakatiwalaan naman. Nakatira rin ito sa may gubat ngunit hindi kalayuan ang mga kapitbahay. Kilala ito bilang manggagamot at manghuhula. May mga nakasabit na kung ano-ano sa loob ng bahay nito. Meron pa ngang malaking sungay na nakasabit sa kanyang pintuan. Meron din itong mga rebolto ng iba-ibang uri nang mga Santo. "M-mag-isa lang po ba kayong nakatira rito?" ani Mary kay aling Gloria. Habang nilalapag nito ang niluto nitong ulam para sa kanila. Ang natirang gulay sa paninda niya ay binolontaryo na niyang ipinaluto sa matanda. "Matagal na akong nag-iisa," aniya. "Ulilang lubos at kinamumuhian ng tao," dugtong pa nito. "Halos parehas lang po pala tayo ng kuwento," nakangiting wika ni Mary rito. "Halika na.Kumain na tayo," yaya nito sa kanya. Habang kumakain sila ay panay naman ang kuwento ng matanda sa kanya at mataman lang siyang nakikinig rito. Mula sa kuwento ni Aling Gloria sa kanya ay isa rin siya sa mga nabiktima ng mga halimaw noon.Ginahasa at binuntisan. Ngunit noong ipinanganak nito ang bata ay kinuha raw ito ng mga halimaw. Sa kaligtasan raw ng sanggol ay hindi raw ito nararapat na magtagal sa daigdig ng mga tao. Dahil mukhang demonyo ito.May sungat at buntot. At higit sa lahat ay nagbabagong anyo Noong una ay hindi raw nito matanggap ang masamang pangyayari sa kanya. Ngunit hindi nagtagal ay unti-unti na rin nitong nakakalimutan. Hanggang sa nasanay na itong mamuhay ng mag-isa. At hanggang ngayon ay hindi na muling nagpakita sa kanya ang halimaw na gumahasa sa kanya noon. Pagkatapos nilang kumain ay nagprisinta si Mary na siya na ang magliligpit at maghuhugas sa kanilang pinagkainan. Gamit ang maliit na lampara na malapit nang mamatay-matay dahil sa malakas na simoy ng hangin ay binilisan niya ang paghuhugas. Panay ang Dasal niya na sana bago matapos ang hugasin niya ay nakapanhik na siya sa kuwartong ibinigay sa kanya ni Aling Gloria. Sa wakas ay natapos rin siya.Naabutan niyang nagRo-Rosaryo ito sa may maliit na sala. Lumuhod si Mary at saka ipinikit ang kanyang mga mata. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na siyang mamanhik sa ibinigay nitong tulugan. Tapos na rin ito sa kanyang pagro-Rosaryo at sila ay mamahinga na. Pagkahiga niya ay nakaramdam si Mary ng sobrang pagka-antok. Nagtaka mabs siya ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at hindi na niya namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Pakiramdam ni Mary ay pinagpapawisan siya ng malagkit ng mga sandaling iyon.Tila may malakas na nilalang na humihila sa kanyang mga paa. Ngunit pilit din siyang kumakapit sa nahawakang matigas na bagay. Pinipilit niyang 'wag magpatangay sa humihila sa kanya. "Bitawan mo ako! Hayop ka!" pagpupumiglas niya. Ngunit patuloy pa rin ang nilalang sa paghila sa kanya. Nanlaban siya ngunit unti-unti na siyang nanghihina sa kakapumiglas. Naiiyak na siya dahil unti-unti rin niyang naramdaman na tinangay na siya ng demonyo. Hinihila siya nito. Naramdaman niya ang sakit mula sa kanyang likod ang matigas na lupa at mga halaman pati na mga bato na kinakagasgasan ng dinaraanan nito. "Maawa ka sa akin!" nanlulumong pakiusap niya. Hanggang sa huminto na ang halimaw sa paglalakad. Naramdaman rin niya ang paghaplos nito sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg at tiyan. Ang akala niya ay ligtas siya sa bahay ni Aling Gloria ngunit bakit natangay pa rin siya ng halimaw. At mukhang may balak na naman itong maangkin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD