// goals #4 //

762 Words
STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #4// PAGTIGIL pa lang ng kotse ni Jet sa tapat ng building ni Zoe, agad na siyang pinagtinginan. Paano ba namang hindi eh may malaki siyang teddy bear na nakaupo sa back seat niya? Hindi nakatulong na nakababa ang roof ng kotse niya. Ngumiti at kumaway siya sa mga babaeng naglalakad na gulat na gulat na nasa loob ng campus nila si Jet. Mabilis siyang bumaba nang makita niyang palabas na ng entrance ang "girlfriend" niya. "Babe," tawag niya dito nang nasa earshot na ang babae. Nakita niya kung paano namilog ang mga mata nito nang makita ang bear sa likod ng kotse. Sapat na iyon para mapangisi siya. Her expression: Priceless. Lumapit siya sa babae at hinatak ang bag nito mula sa balikat at tumungo para halikan ito sa bunbunan. Kadiri, isip niya. Kahit na mabango ang buhok nito nandidiri siya na hinahalikan niya ang babaeng 'to. "Tara na," pagdulas ng kamay niya sa kamay nito. Mukhang sobrang star struck pa din ang babae sa laruan sa likod ng kotse at hindi nito maalis ang tingin nito doon. Hinigit niya ang kamay nito para mapunta sa kaniya ang atensyon nito. Pinanlisikan niya ito ng mga mata, "Tara na." "Ah, oo, tara." Muntikan niya nang makalimutang pagbukas ng pintuan ito nang bigla siya nitong kurutin. "Ikaw talaga, ang cute-cute mo." At for once na sa loob ng bilang na beses silang magkasama, ito na yata ang pumangalawa na malinaw ang nararamdaman ng babae kesa sa puot. Huh, hindi na makapaghintay si Jet na ibagsak ang punchline sa malaki niyang joke. Ngumiti na lang siya kay Zoe at mabilis na pumunta sa kabilang side ng kotse upang makaalis na dahil pinapaligiran na sila ng mga tao at isang damukal na ang kumuha ng litrato sa kanila. "Kaninong girlfriend mo naman nahiram 'yan?" pagsusungit na ng babae nang makalabas sila ng gate. Wow, grabe talaga mood swing nito. "Ha! None of your business! It's not yours anyways." Bumagal ang pagtakbo ng kotse at huminto. "I have errands to run. Pwede ka na magsimulang maglakad pauwi." "Huh?" Halos hindi mapigilan ni Jet ang tawa niya sa ekspresyon ng mukha ni Zoe. "Is this f*****g for real? You're going to make me walk home?" "Sorry, babe. Hindi mo naman kasi i-consider 'yung schedule ko, ane? Get out of the car." Binalik na niya ang hood ng kotse dahil maaalikabukan pa ang stuffed toy. "I'm so going to get you for this," matigas na sabi ng babae bago bumaba ng kotse. "Babe, I'll be waiting," pang-aasar niya pa. Nang makita niya itong init na init sa tirik na araw sa rearview mirror niya, naisip niya itong balikan. Pero naisip niya na dapat hindi niya inuutusan si Jet kaya naman nagpatuloy na lang siya sa hospital. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox AKALA niya siya lang? Ha! What a joke. Natatawa na ngayon palang si Zoe sa kung kakaisip kung anong magiging kalalabasan nitong gagawin niya. Ano kayang parusa ang ibibigay kay Jet dahil sa kalokohan niya? Ang init-init kanina at hirap na hirap siyang makahanap ng taxi na masasakyan pauwi. May pahalik-halik pa siya sa ulo na nalalaman. Gulat talaga siya sa malaking stuffed toy dahil baka magduda ang mga kasama niya dahil alam nilang ayaw na ayaw niya sa mga teddy bear. Ang dami kasing pakana. Tsss! Kakauwi lang ni Tristan galing sa bahay nila at nag-post na siya ng picture sa Facetwigram niya. Thanks, Bes!! You really are the best xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox HALOS ibalibag ni Jet ang pintuan ng opisina ng presidente nilang si Mrs. Minchin. Bago niya pa malaman kung anong ginagawa niya, nag-drive na siya papunta sa bahay ni Zoe. Pero ang hindi niya alam ay kung bakit hindi siya makababa. Bininulyaso lang naman siya ni Zoe sa pag-post ng picture na iyon dahil nag-viral ang isyu na kung bakit noong hapon si Jet ang kasama niya pero bakit pagsapit ng gabi si Tristan na? Ego niya, mga tsong. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa mga kaibigan niya nang tanungin siya ng mga ito tungkol dito. Although marami ngang nakakaalam na childhood best friends si Tristan at Zoe, mas higit pa din ang hindi nakakaalam ng impormasyon na 'to. Kaya naman nagsimulang i-bash si Zoe ng mga Prystonian pati mga taga-Queenslane dahil sa post niyang iyon. Napahampas siya sa manibela. Kung hindi talaga para sa... Hindi na niya gagawin 'tong kalokohang 'to. Napakagat siya sa labi at agad na umalis sa tapat ng bahay nila Zoe upang isagawa kung ano na namang kalokohan ang nasa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD