Nag mamadali na ako ng kilos dahil ma la-late na ako sa school naiinis na si kuya dahil ang bagal ko daw kumilos. Hindi pa talaga sya nasanay saakin ang sabi nga sa akin ni papa pinaglihi daw ako sa pagong kaya daw ganito ako, sa lahat ng award ang punctuality ang wala ako dahil sa lagi akong late. Kahit sa isip isip ko hindi kaya pag importante talaga inaagahan ko naman at binibilisan ang kilos,
" The princess never comes late, sadyang maaga lang kayo " sagot ko lagi sa kanila kapag galit na sila sa kabagalan ko, mabuti nalang at love ako ng pamilya ko kahit naiinis na sila ay hindi sila nagagalit sa akin. Sabi ni ate perks of being a bunso daw kaya inaabuso ko, hindi nila ako makurot o mapalo kahit dati pa noong maliit pa ako kasi magagalit si mama.
Lakad takbo ako papunta sa classroom dahil late na ako hinarang ako sa gate ng mga officers, hindi manlang natakot kahit kasama ko ang kuya ko na professor sa college, ang matindi tinawanan lang nya ako hindi man lang naawa sa akin at umalis na.
Kaming mga late ay pinagpulot ng mga basura bago pinapasok sa mga klase namin.
" Oh late ka na naman, ano i-perfect attendance mo ba pagiging late for this week? mabuti nalang wala pa si ma'am " pang aasar sa akin ni April magkatabi kasi kami ng upoan, hinihingal pa ako kaya hindi ko na sya sinagot at inirapan lang sya pero tinawanan lang ako ng loka.
Noong lunch break na nasa cafeteria lang kami nakatambay, tapos na kaming kumain umiinom nalang kami ngayon ng paborito naming smoothie kay April milktea ang akin naman ay mango shake. Nag ku-kwentohan lang kami nang maramdaman ko na nag vibrate ang cellphone ko, tinignan ko kung sino nag message nakita ko si Jasper pala.
" Don't forget susundoin kita mamaya uwian, maghihintay ako sa labas ng school nyo."
may smiley at pa heart na emoji pa sya, nag le-level up na sya ngayon may pa heart emoji na sya. Nag reply lang ako ng 'Okay' sa kanya, excited na ako para mamaya pero di ako ready sa mga makakakita sa amin, napakarami pa namang mga chismosa sa paligid isama pa si April na nakatingin sa akin ngayon na nag tataas baba ang mga kilay.
" Ano? nakit ganyan hitsura mo? "
sita ko dito. " Sino ka text mo? may bago ka na naman bang manliligaw? gwapo ba? kilala ko ba sino? " inirapan ko muna sya bago sinagot ang mga pang NBI na mga tanong nya.
" Secret, Oo, Oo at Oo " yan sagot ko sa kanya na ikina irap naman nya. Ako naman ngayon ang tumatawa dahil hindi talaga sya mapakali gusto malaman kung sino ang nanliligaw sa akin, sos dzhai pag nalaman mo ano kaya reaction mo, natatawa ako sa mukha nya ang sarap makaganti ng asar. " Mamaya malalaman mo rin kung sino, basta wag kang munang maingay dahil mamaya palang sya mag u-umpisa manligaw. "
" Ito naman eh! nabibitin ako sa mga sinasabi mo, pero sige I can wait hanggang mamaya mag face reveal yang manliligaw mo at quiet lang ako promise " nag taas pa ng kamay na parang nanunumpa.
Marami kaming ginawa kaya nawala sa isip ko ang pag sundo sa akin ni Jasper, hanggang sa nag ring na nga ang bell hudyat na tapos na ang klase at uwian na. Tinignan ko ang ang aking cellphone baka nag text ito pero wala namang message, baka papunta palang sya kaya hinayaan ko lang at inayos ko na ang gamit ko. Nag lalakad na kami ni April pa labas at nakita ko parang kinikilig ang mga kababaihan ay meron silang tinitignan nag titilian pa ang iba, hinayaan lang namin ito at noong maka labas na kami sa gate tinignan ko muna ang cellphone ko sakto naman nag ring tumatawag si Jasper kaya sinagot ko ito agad.
" Hello, andito ka na ba? "
" Oo kadarating ko lang, andito ako sa tapat nyo " agad naman akong tumingin sa kabilang daan at nakita ko nga sya nakatingin sa direksyon namin at kumakaway, nilalapitan sya ng mga kakilala nya at mga kaibigan dito sa school namin na napatingin din sa direksyon namin ngayon. Na conscious naman ako dahil may pagtataka at pagka amuse ang kanilang mga mukha.
Noong nasa tapat na nya kami ni April ay umalis nadin ang mga kaibigan nya, si April naman parang natanga at kanina pa tahimik nakakapanibago kaya pinakilala ko sya kay Jasper.
" Best friend ko pala si April Chua, April si Jasper manliligaw ko "
nakipag kamay pa si Jasper dito at binati din sya.
" Hi April nice meeting you, maganda karin pala katulad ni Brianne may best friend din ako gusto mo ipakilala kita? gusto nya mga babaing mahinhin at tahimik lang " natatawa ako sa mukha ni April dahil biglang nanlaki ang mga mata nya, mukhang na gustohan ang sinabi ni Jasper.
" Telege beh!! sige nga ipakilala mo ako para hindi lang ang bff ko ang happy pati rin ako. " nagtawanan kaming tatlo at nag paalam narin si April may pupuntahan pa kasi sya.
" Tara na alis na tayo baka makita pa ako ng kuya ko dito at ma udlot ang paghatid mo sa akin " dali-dali nya agad akong inalalayan sa motor nya, medyo mataas kasi ito kasi enduro ang gamit nyang motor, naka pambabaeng angkas ako dahil palda ang uniform namin. Naka-kapit ako sa balikat nya, sanay naman ako sumakay ng ganito dahil may motor din ang aking mga kuya.
" Gusto mo na bang umowi? baka gusto mo mag meyenda muna tayo may alam akong lugar na masarap ang pagkain "
" Okay lang, maagapa naman at nagugutom na din ako " sagot ko sakanya. Pinaandar na nya ang kanyang motor at nag punta sa sinasabi nyang kainan. Pagdating namin meron din mga ngilan-ngila. na estudyante mula sa ibat ibang school ramdam ko na pinagtitinginan nila kami, nagulat naman ako dahil biglang hinawakan ni Jasper ang kamay ko sabay lakad papasok sa loob. Maliit lang tignan sa labas pero maganda ang design sa loob malawak ito at may parang garden sila sa may likod at may mga tables din doon, maganda siguro ang lugar na ito kapag gabi. Lumapit kami sa may counter at nag order, sya na ang nag order para sa akin dahil hindi ako familiar sa menu nila pagkatapos ay nag hanap na kami ng pwesto medyo sulok ito kaya hindi kami madidistorbo.
" Palagi ka ba dito? " tanong ko sa kanya mukhang sanay na kasi sya sa lugar.
" Oo madalas kami dito ng mga kaibigan ko, maganda kasi dito at masarap ang pagkain. Pag Friday at Satuday night may live band din sila kaya maganda tumabay at mag chill dito. "
" Naisip ko nga yun maganda ang place na ito maganda ang vibe at presko kapag gabi. Yayain ko sila ate at kuya dito minsan " nakangiti kung sagot sa kanya, nag kwentohan lang kami tungkol sa isat-isa habang hinihintay na dumumating na ang order namin. Talagang masarap ang pagkain nila, nabusog ako at mukhang hindi na maghahaponan dahil ang dami nyang inorder na pagkain.
" Grabe ang sarap ng pagkain busog na busog ako... ang dami mong inorder tayo lang namang dalawa "
" inorder ko kasi ang mga gusto kong pagkain nila para matikman mo rin ito, mabuti naman at nagustohan mo " nginitian ko sya at nag thank you.
" Ako dapat ang magpasalamat dahil pumayag ka na manligaw ako sayo. Brianne ayaw kitang madaliin na sagotin ako, basta lahat ng ipinapakita ko sayo yun ang totoong ako. " nakatingin lang ako sa kanya at mukhang nagsasabi nan ito ng totoo.
" Alam mo kasi gusto ko rin na makilala ka pa na lubosan ayaw ko din mag madali kasi kung sasagotin man kita ikaw ang magiging fisrt boyfriend ko, kaya kung balak mo lang na isama ako sa collection mo ay ngayon palang wag mo na ituloy ang panliligaw mo " hinawakan naman nya ang kamay ko,
" Bri wala akong balak na tumigil, gagawin ko ang lahat mapa sagot ka lang. Hindi mo lang alam kung gaano kita ka gusto, at wag ka maniwala sa sinasabi nila na playboy ako, maluko lang ako pero seryoso ako pagdating sa pag-ibig ko sayo. " tinangoan ko lang sya sa mga sinabi nya. Ayaw ko bumigay agad fist date palang ito.
Umalis na kami at hinatid na nya ako pauwi sa bahay, tumigil sya sa tapat ng gate at inalalayan nya ako ng isa nyang kamay sa pagbaba, 'sana all gentleman' sabi ko sa isip ko. Nagpaalam na ako sa kanya at nag pasalamat, binigyan nya naman ako ng pamatay na kindat bago umalis, kinilig naman ako ng very light sa gesture nya at sa tingin ko may pagasa naman sya.