SARAH TULALANG nakatingin ako sa kabaong ni Nanay. Hindi ko lubos maisip na wala na siya. Kahapon lang ay kausap ko pa siya. Sinabi pa nga niyang hindi niya ako iiwan ngunit hindi niya tinupad ang pangako niya. Hindi niya mapigilan ang mga luha niyang parang gripo sa patuloy na pagpatak sa kanyang mga mata. Hinaplos ko ang salamin na nagtatakip sa kinahihigaang kabaong ni Nanay. Ilang araw na lang ang natitira hindi ko na siya makikita kahit kailan. Parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko sa isipang mag-isa na lang ako sa buhay. Iniwan na nila ako. “Nay, bakit mo ako iniwan? Nangako kang hindi mo ako iiwan. Sabi mo magpapagaling ka at makauuwi ng bahay natin. Ano pa ang silbi ng buhay ko kung wala ka? Ikaw lang ang pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob at ikaw lang ang kaligayah