Episode 5

1413 Words
TINAPIK ni Kevin ang balikat ni Sarah dahil nakita nitong malungkot siya. Hindi maiwasang malungkot at may halong inis si Sarah dahil babalik uli siya sa mansyon na may nakatirang dragon at palaging masungit, 'tapos ang arte-arte pa ng amo niya. Natapos na ang dalawang araw niyang day-off. Hindi niya maiwasang manghinayang dahil ang bilis ng araw. Balik uli siya sa trabaho, mami-miss niya ang kanyang Nanay. “Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa Nanay mo. Bumalik ka na sa mansyon at baka gabihin ka pa sa daan, magalit ang amo mo. Gusto mo bang ihatid kita?” alok ni Kevin. Umiling siya. ”Huwag na kaya ko naman umuwing mag-isa. At saka exclusive subdivision ’yun, walang ibang nakakapasok doon kung hindi ka taga doon o kaya naman kung wala kang kakilalang nakatira doon.” Aniya sabay buntong-hininga. “Alam kong nalulungkot ka dahil sa Nanay mo. Magiging okay rin ang lahat basta manalig lang tayo sa diyos at malalagpasan mo rin ang pagsubok na ito.” Pagbibigay ni Kevin ng lakas ng loob sa kaniya. Sa totoo nawawalan na siya ng pag-asa sa mga nangyayari sa buhay nila ng Nanay niya. Tila ba wala ng katapusang problema ang dumarating sa kanilang buhay. Minsan nga naiisip niyang baka galit sa kanila ang diyos kaya hinahayaan na niya silang maghirap. “Hayaan mo hahanap ako ng paraan para makakuha ng pera,” Dagdag pa na sabi nito. Napangiti siya sa kabaitan ng kaibigan. “Salamat na lang, Kevin. Nakahihiya kung ikaw pa ang hahanap ng pera para sa operasyon ng Nanay ko na dapat ako ang gumagawa niyon dahil ako ang anak.” Tinapik niya ang kanyang balikat. “Ayos lang ako at kakayanin ko itong lahat. Makahahanap rin ako ng pera. Susubukan kong humiram sa amo ko, baka mapahiraman niya ako.” Nahihiya na kasi siya kay Kevin sa walang sawang pagtulong nito sa kanila ng kaniyang Nanay. Kahit naman kaibigan niya ito ayaw niyang abusuhin ang kabaitan nito sa kanila. “Hindi ba sabi ko ayos lang. Pamilya ko na rin kayo ng Nanay mo kaya dapat nagtutulungan tayo,” aniya na ikinangiti niya. “Salamat, ha? Sige babalik na ako sa mansyon. Ikaw na muna ang bahala kay Nanay.” “Ingat ka,” tumango siya. Nang makarating si Sarah sa mansyon ay madilim na. Hindi niya alam kung anong oras na. Lowbat kasi ang cell phone niya. Pagkapasok palang niya sa bahay ng kanyang amo ay mukha na nito ang nabungaran niya-mukhang bad trip. Kaya napahinto siya sa paglalakad. “Sir, good evening po,” bati niya sa boss niyang napakaseryoso ng mukha. Mukha itong kakain ng tao at mukhang dumoble ang edad nito dahil sa pagkakakunot ng noo nito. Kahit gabi na ang sungit pa rin ng aura niya. Hindi kaya napapagod ang mukha niya sa ganoong hitsura? “Did you know what the time is it?” tanong niya kaya napakamot siya ng ulo. “Hindi po, Sir. Wala po akong relo at saka low bat pa po ang cell phone ko.” Rason niya. Totoo naman ang sinabi niya. Ang akala niya tulog na itong dragon niyang amo kaya kampante siyang makauuwi ng bahay. Aba'y, gising pa pala. “Next time alam mo ang oras ng pag-uwi mo, hindi ganitong gabi na. What if may nangyari sa iyo sa labas. Ako ang mananagot sa pamilya mo kung sakaling may mangyaring masama sa iyo. Are you not thinking?” panenermon niya sa akin. Napakamot na lang siya sa ulo. Para itong Tatay niya na sinesermunan ang anak dahil umuwing gabi na. Magsasalita pa sana siya ng tinalikuran na lang siya. Napairap siya. “Tingnan mo ito, matapos manermon sukat ba namang tatalikuran na lang.” Kausap niya sa sarili saka napailing. Pumasok na siya sa silid upang magpahinga na. Pagod na pagod ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya nga bibigay na siya. Hindi na siya nag-abalang maghilamos ng mukha dahil sa pagod at gusto na lang niyang matulog. Inalis niya ang sapatos at ibinalibag sa isang sulok saka humiga sa kama. Hindi na siya nagpalit ng damit dahil tinatamad na rin siya. Ipinikit na ang kanyang mga mata at ilang sandali pa ay nakatulog na siya. Nagising siya nang makaramdam ng naiihi. Bumangon siya at lumabas ng silid. Napahikab muna at saka dumiretso sa comfort room para umihi. Nang matapos umihi ay nagpasya siyang uminom ng gatas. Nakalimutan niyang magtimpla kaninang bago matulog. “Ay kabayong mahaba ang t**i!” gulat na sabi niya nang bumukas ang ilaw. Napahawak siya sa dibdib sa sobrang kaba. Kunot na kunot ang noo ni Sir Javier habang nakatayo sa tabi ng ref, may hawak na baso. Mukhang kukuha ito ng maiinom. “Nakakagulat naman po kayo, Sir. Aatakihin yata ako sa inyo." Aniya habang hawak pa rin ang dibdib niya. Napasadahan ni Sarah ang half naked na katawan ng kanyang amo. May kaunting balahibo dibdib nito. Hindi niya akalain na maganda ang pangangatawan ng kanyang amo. Ang swerte naman niya at nakita niya ito. Binilang niya ang abs nito - 1,2,3,4,5,6,7,8. Napaawang ang mga labi niya dahil ang daming pandesal. Kung artista lang ang amo ay talbog ang mga ibang artista na may maganda ring katawan. Wala pang exercise ang amo niya pero napakaganda na ng katawan nito. “Are you done looking at my body?” Napaangat bigla siya ng ulo. Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan nang mapansin ng kanyang amo na pinagpipyestahan niyang tingnan ang abs nito. “Good evening, Sir. Magtitimpla lang ako ng gatas.” Sabi niya. “Get rest after you drink your milk and turn off the light. Maaksaya masyado sa kuryente kung maraming naka-open na ilaw,” bilin niya sabay tumalikod na ang amo kong dragon. Napa-makeface siya. Sungit talaga. Diyos ko sa yaman niya nagtitipid siya sa kuryente? Ang kuripot pala ni Sir Javier. Kung tutuusin kayang-kaya naman niyang bayaran kahit ilang libo pa iyan. NAPALUNOK si Javier nang maalala ang nakita ko kanina. Walang suot na bra si Sarah, kaya kita ang kanyang n****e. Hindi ba ito aware na halos nakikita na ang dibdib nito dahil may kanipisan ang suot nitong t-shirt. O, baka naman sinasadya nitong gawin iyon para maakit siya? Ang mga babae sa una lang sila mabuti pero kapag ayaw na sa ’yo iiwan ka na lang bigla at sasabihing na fall out of love na sila. Hinding-hindi na siya magpapauto sa mga babae, naipangako na niya iyan sa sarili. He don't want a commitment anymore. Sakit lang ito ng ulo. Humiga na lang siya sa kama upang matulog na ngunit nawala na ang antok niya. Damn! Napamura na lang siya. HALOS ilang oras lang ang naging tulog ni Javier kagabi dahil sa kaiisip sa n****e ni Sarah. Palabas na sana siya ng bahay nang makita niya ang babaeng pumuyat sa kanya kagabi. Nagdidilig ito ng halaman. Napako ang mga paa niya sa kinatatayuan nang mapasulyap sa kanya si Sarah. Napatikhim siya at inayos ang kanyang sarili. Niluwagan pa niya ang kurbata dahil pakiramdam niya'y para siyang sinasakal. “Good morning, Sir! Papasok na po ba kayo? May niluto po akong almusal ninyo,” lumapit sya sa kanya kaya mas lalong nawala siya sa sarili. Bakit ba ako nagkakaganito dahil lang ba sa n****e ni Sarah? “Hindi na ako kakain dito. Sa office na lang ako mag-aalmusal,” “Luh, Sir, masama po ang hindi kumakain sa umaga. Baka po mahilo kayo sa daan habang nagda-drive at saka para magkaroon kayo ng lakas sa pagwo-work.” Suggestion nito. Napalunok ako nang mapasulyap na naman siya sa dibdib ni Sarah. She has a pinkish n****e and perfect shape of breast. Iyon ang nagpapuyat sa kanya ng husto. Ibinaling niya sa iba ang tingin niya. “Doon na lang ako kakain. Ikaw na lang kumain sa niluto mo,” sabi niya. He turned his back and went to his car. May pagmamadali pa nga ang paglalakad niya na parang may humahabol lang. Pagkapasok na pagkapasok sa sasakyan niya ay napabuga siya ng hangin. Nawawalan siya ng oxygen sa baga dahil lang sa n****e ni Sarah. Gusto niyang matawa sa sarili dahil sa kababawan ng pagkapuyat niya. “Bakit ba ako nagkaka-ganito? Anong meron sa boobs ng babaeng iyon? Damn you, Javier, boobs lang napuyat ka na?” Kausap niya sa sarili saka napahampas sa manibela. Hindi dapat siya nagpapadala sa mga babae! Lahat sila manloloko! Kailangan iyon ang isaksak niya sa isipan. Ayoko ng commitment! I hate love!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD