SARAH HINDI ko maiwasang malungkot dahil umalis na siya. May kaunti akong pagsisisi dahil nagpakipot pa ako at may suggestion pa akong dapat niyang gawin. Pero sa ibang banda may magandang purpose din naman. Doon ko mapapatunayan kung talagang mahal niya ako.. Hindi dahil nabuntis niya lang ako sasabihin niyang gusto niya akong makasama at mahal niya ako. Para sa akin kasi kung mahal mo ang isang tao walang dahilan basta mo na lang mararamdaman ang pagmamahal. “Oh, bakit ang sama ng mukha mo? Ganyan ka na magmula ng umalis si Sir Javier,” sabi ni Kevin. Napanguso ako. “Hindi ko nga alam kung bakit nakaramdam ako ng kalungkutan ng umalis siya. May pakiramdam kasi ako na hindi na siya babalik. Maling mag-isip ng negatibo ngunit iyon ang nararamdaman ko. Naisip ko ang limang bulate ko, pa