SARAH NALUNGKOT ako nang mawala sa monitor ang mukha ni Sir Javier. Hindi ako nakapagsalita kay Ma’am Glenda sa ginawa niya. Wala akong magawa dahil nandito ako sa pangangalaga nila kaya dapat sundin ko ang gusto nila. Kunsabagay makakabuti din naman sa akin iyon dahil baka maghabol ang nobya ni Sir Javier at madamay pa ang mga inosente kong bulate. “Huwag ka ng malungkot, Sarah. Pansamantala lang naman ito dahil gusto naming magkaroon ng paninindigan ang anak namin. Mas magkakaroon tayo ng katahimikan kung walang problema.” Nakangiting sabi ni Ma’am Glenda. Tinapik niya ang balikat ko at saka iniwan ako sa mini library niya. Napabuntonghininga ako. Kailangan ko sigurong libangan para naman hindi ako nakararamdam ng kalungkutan. Tumayo ako sa inuupuan kong silya at lumabas ng bahay.