Hindi ipinakita ni Kristina sa kanyang inang may sakit ang mahinang pag-iyak. Dahil sa sitwasyon ng nanay selya niya ay siya na muna ang naghahanap ng paraan upang mabuhay silang mag-ina. Wala siyang ama, dahil ayon sa kanyang ina ay dalawang taong gulang pa lamang siya ay nagkahiwalay na ang mga ito. Kagagaling pa lang niya sa panlalaba, iyon ang nakasanayang trabaho niyang itinutulong sa kanyang nanay selya. Ni hindi na nga sya halos makapag- ayos ng sarili dahil sa sitwasyon nila. Nasa twenty three years old na siya, at sa mga years na lumipas ay di niya nararanasan ang kaginhawaan sa buhay. Puro kahirapan at kagipitan ang kanyang natitikman. Natigil sa pag- iisip si Kristina nang may kumatok sa kanilang pintuan at sabay tawag sa kanyang pangalan. Boses iyon ni aling Marta, at nagma