IT takes one month for Alexa to adjust living on Zacchaeus’ villa. Minsan nakakalimutan niyang may mga kasamabahay sila at maaga pa rin siyang gumigising para magluto ng agahan. Natitigilan pa siya kapag papasok siya sa kusina at may mga makikita siyang kasambahay roon. Zacchaeus would only laugh at her. Kaya nakakatanggap naman ito ng kurot mula sa kaniya. Hindi kasi siya nasanay na may nagluluto para sa kaniya … sa kanila. Nasanay kasi siya na siya ang nagluluto para sa pamilya niya. And now, she was on bed, leaning on the headboard while her laptop was on her lap. “Hindi ka maagang nagising ngayon.” Natatawang sabi ni Zacchaeus nang makalabas ito ng banyo na bagong ligo. Nakatapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa katawan nito. Hot. Alexa’s thought. Bumaba ang tingin ni