ZACCHAEUS sighed while he was sitting on his swivel chair and leaned on it. Hindi niya maintindihan si Alexa. Last week, they were okay but then the next few days, Alexa changed. Hindi na siya nito masyadong kinakausap at kung hindi pa siya magtatanong rito, hindi pa siya nito iimikan. What the hell is happening? Hindi naman siya makapagtanong rito kung ano ang problema nilang dalawa dahil kapag magtatanong siya, agad siya nitong iiwasan. Ang anak niya lang yata ang hindi nagbago ang pakikitungo sa kaniya. Something was off. “Boss?” Napakurap si Zacchaeus at napatingin kay Kim. “Ano ‘yon?” “May problema ka ba, Boss? Kanina pa kasi panay ang buntong hininga mo.” Sabi ni Kim. Sandaling napatitig si Zacchaeus kay Kim. “May napansin ka bang kakaiba kay Alexa?” tanong niya. Kumunot ang