ALEXA woke up feeling sore all over her body. She’s like she went to a war. Bumangon siya pero kumirot ang pribadong parte ng katawan niya.
Nagtaka bigla si Alexa.
“Anong nangyari sa akin?” Nagtataka niyang tanong sa sarili.
Wala siyang maalala. Ang tanging maalala niya lang ay pumunta siya sa isang pub. Uminom siya then she met someone.
Someone?
That someone… Napahawak siya sa sariling ulo nang makaramdam siya ng pagkahilo. Hindi niya maalala kung sino ang lalaking nakilala niya sa pub.
But wait, did she really met someone at the pub?
But back into her situation. Anong nangyari sa kaniya? Paano siya napunta sa silid na ‘to?
Napatingin siya sa kaniyang sarili na natatakpan ng comforter. Bumilis ang t***k ng puso niya. Kinakabahan siya na baka tama ang iniisip niya. Wala siyang maalala sa nangyari kaya hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya.
With tears in her eyes, she looked at herself inside the comforter. She saw herself, naked.
She went to the pub but she couldn’t remember the man whom she met. She remembered meeting a man but she couldn’t remember his face and his name. It was vague. It was like her memory was completely erased.
Kahit masakit ang pribadong parte ng katawan niya, pinilit niyang bumaba sa kama. Nakita niya ang damit niya na nakakalat sa sahig kaya pinulot niya ang mga ito. She stilled when she saw the white bed sheet, it was stained with red. She lost her virginity last night and she doesn’t know who was that man. Tiniis niya ang sakit na nararamdaman at binilisan ang kaniyang pagkilos. Kailangan na niyang makaalis sa lugar na ‘to.
Pakiramdam niya ay hindi siya ligtas sa lugar na ‘to lalo na at hindi niya kilala kung sino ang nakatalik niya.
Kinuha ni Alexa ang bag na nasa bedside table at hindi na pinansin ang tray na naroon na may lamang pagkain at tsaka note. The note was saying… ‘I have work to attend. I’ll come back soon.’
Pinunasan ni Alexa ang kaniyang luha. Hindi niya alam kung nasaan siya pero basta na lamang siyang pumasok sa elevator at pinindot ang first floor button.
Pagkatunog ng elevator at nang bumukas ito, agad siyang lumabas at patakbong lumabas sa exit. Gusto niyang makalayo ng tuluyan sa lugar na ‘yon. She’s not in good shape.
At entrance, Zacchaeus entered the building. Tinignan niya ang oras sa suot na relong pambising. It’s already nine in the morning. Siguro gising na siya.
May ngiti sa labi na tinungo ni Zacchaeus ang elevator at pumasok roon. Pinindot niya ang top floor kung nasaan ang penthouse niya. Pagdating niya doon, natigilan siya nang makitang nakabukas ang pinto ng penthouse.
Zacchaeus quickly walked towards the door. “Don’t tell me she left already.”
Pumasok siya sa loob ng penthouse at pumasok siya sa kwarto. He found out that Alexa was gone but he saw the red stain on his bed. Ngumiti na lang siya saka napailing.
“My Alexa, Sweetheart, you cannot run away from me. I’m going to find you. That’s a promise.”
PAGDATING ni Alexa sa kanilang bahay, hindi niya pinansin ang kapatid niya na nasa salas. Tumakbo siya paakyat sa hagdan at pumasok sa kaniyang kwarto. Ini-lock niya ang pinto at saka tinungo ang banyo. Napansandal siya sa pinto ng banyo saka unti-unti napadausos ng upo sa sahig. Niyakap niya ang kaniyang tuhod at napahagulhol.
“Alexa!”
“Alexa!”
Alexa could hear her brother calling her name but she ignored him. She doesn’t have the strength to face her brother. She wanted to clean herself.
Dahan-dahan siyang tumayo at humawak siya sa sink bilang suporta sa katawan niya.
“Alexa.” Her brother knocked on the bathroom’s door.
“Alexa, are you okay?” Malumanay na tanong ng kapatid niya.
“I-I’m fine, Kuya. I’m going to take a bath.” Aniya.
“Okay. Take your time then.”
Alexa heard her brother’s footstep going away.
She took a deep breath and opened the shower. Pumailalim siya sa shower. Habang nasa ilalim siya ng shower, she couldn’t help but think and asked herself, “what have I done? How could I be so careless?”
Hindi niya alam kung iiyak ba siya o ano.
She broke up with her ex- fiancé.
She lost her virginity to a stranger.
“What was happening to me?”
But even after she took a bath, she couldn’t find an answer.
Ipinalibot niya ang towel sa kaniyang katawan at lumabas ng banyo. Nagbihis siya ng komportableng damit saka tinuyo ang buhok.
Humiga siya sa kama at hindi niya namalayang nakatulog siya.
Nagising na lang siya na may nakalagay na bimpo sa nuo niya. Tumingin siya sa labas ng bintana at nakitang madilim na. “Gabi na.”
“You’re awake.”
Mabilis na napatingin si Alexa sa gilid ng kaniyang kwarto. Nakaupo doon ang kapatid niya at nagbabasa ng aklat.
“Kuya, anong nangyari?” tanong niya.
“Ang taas ng lagnat mo, Alexa. Anong nangyari sa ‘yo? Saan ka nagpunta kagabi?”
Umiling si Alexa saka muling ipinikit ang mata. “I wanted to rest, Kuya.”
“Kumain ka muna at uminom ng gamot. Ang taas ng lagnat mo. I made a soup for you.” Sabi ng kuya niya at hindi na nagtanong kung saan siya pumunta kagabi.
Tumayo si Alexander saka tinulungan ang kapatid na bumangon. Pinasandal niya ito sa headboard ng kama saka sinubuan ito ng pagkain. Pagkatapos niya itong pakainin, pinainom niya ito ng gamot. Then he let her sister to sleep again.
Alexander sighed as he looked at his sister. Napailing siya saka inayos ang kumot nito. “Ang sabi ko uminom ka at nang makalimot ka pero hindi ko sinabi na gawin mo ang ganito sa sarili mo. Look at you, you’re in pain and you even got high fever. Ano na lang ang mangyayari sa ‘yo kapag wala ako?” Naiiling niyang saad sa kapatid.
Alexander sighed. “Tama lang ang desisyon mo na sumama sa akin sa ibang bansa. Mas mabuti pa doon at maaalagaan kita kapag malapit ka sa akin.”
Umayos ng tayo si Alexander. Kinuha niya ang pinagkainan ni Alexa saka lumabas sa kwarto nito.
AFTER processing all her papers, Alexa flew to US with her brother. Dito na siya titira kasama ang kapatid niya. Though hindi naman habang buhay ay dito siya titira. Alam niyang hahanapin pa rin niya ang Pilipinas. Pero sa ngayon, dito muna siya.
“Ang laki naman ng bahay mo rito, Kuya.” Komento ni Alexa pagkakita niya sa bahay ng kapatid niya.
Nagkibit lang naman ng balikat si Alexander sa sinabi ng kapatid.
“This will be your room.” Alexander opened the door.
Pumasok naman si Alexa sa loob ng magiging kwarto raw niya. Ngumiti siya saka tumingin sa kapatid. “Thank you, Kuya.”
Tumango si Alexander saka ibinaba ang maleta ni Alexa. “Get some rest before you unpacked your things.”
“Sige, Kuya.”
“May gagawin lang akong importante. Don’t go out of the house. Wala ka pang masyadong kilala rito.”
“Opo.” Tugon ni Alexander.
Idinantay ni Alexander ang kamay niya sa ulo ni Alexa. “I’m serious. At isa pa, nag-aalala ako sa ‘yo.”
Ngumiti si Alexa. “Huwag kang mag-aalala, Kuya. Hindi naman ako lalabas. Dito lang ako sa kwarto ko at isa pa, may jetlag ako. I wanted to sleep.”
“Sleep then. Wait for me.”
Tumango si Alexa.
Alexander left and Alexa take her time to look inside her room.
Kapareho ito ng kwarto niya sa Pilipinas. The ambiance of the room fit her style. Humiga siya sa kama at napatitig sa kisame. She stared at the ceiling and decided to count lizards but she didn’t saw any lizards.
Napailing siya.
Kung anu-anong naiisip niya.
Kinuha niya ang cellphone niya mula sa shoulder bag. She scrolled some news from the Philippines. She came to across the business news. She snorted when she read the news about Jaxon and Claire. Saying that they’re happy.
Alexa rolled her eyes and turned off her phone.
Ipinikit niya ang mata at hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
WHEN Alexander got home from work, he went to the kitchen but he saw his sister in front of the refrigerator. Mukha itong may hinahanap.
“Anong hinahanap mo diyan?” tanong ni Alexander sa kapatid.
Alexa faced her brother with tears in her eyes.
Kumunot ang nuo ni Alexander saka hinubad ang suot na uniporme. Naka-t shirt naman siya sa lobo kaya okay lang na hubarin niya ang uniporme niya. “Bakit parang naiiyak ka? Inaway ka ba ng refrigerator?” Biro niyang tanong sa kapatid.
Alexa sobbed. “Kuya, walang ice cream.”
“Wala talaga dahil hindi naman ako mahilig sa malamig na pagkain.” Kaswal na sabi ni Alexander. “What’s for dinner?”
“Chicken and Veggie Stir-Fry, and chicken barbeque, pasta with chicken and fried chicken.”
Napatingin si Alexander sa kapatid na nasa harapan pa rin ng refrigerator. “Chicken?” Binuksan niya ang mga pagkain na natakpan sa lamesa. Mainit pa ang mga ito pero chicken nga lahat. Tumingin siya sa kapatid. “What’s with you and the chicken? Kahapon, puro beef ang niluto mo.”
“Gusto ko ng chicken, Kuya.” Alexa pouted as she looked at her brother. “Kuya, gusto ko ng ice cream.” Naiiyak niyang saad. Kulang na lang magpadyak siya sa inis dahil walang ice cream.
Kumunot ang nuo ni Alexander. “Ice cream?”
Tumango si Alexa. “Gusto ko ng ice cream, Kuya.”
Alexander sighed. “Wait for me.” Kinuha niya ang wallet at susi ng kotse.
“Bibili ka, Kuya?” Excited na tanong ni Alexa. Nagniningning pa ang mata nito.
Tumango si Alexander. “Para kasing iiyak ka na kapag wala kang ice cream. Wait for me. Babalik rin ako agad.”
Ngumiti si Alexa. “Thank you, Kuya.” Masaya niyang saad. “Tsaka pabili na rin ng chips, Kuya.”
Kumunot ang nuo ni Alexander. “Chips? Mayroon pa naman sa cabinet.”
Inosenteng ngumiti si Alexa. “Naubos ko na lahat, Kuya.”
Lumaki ang mata ni Alexander. “All of it?” Gulat niyang tanong.
Tumango si Alexa. Napailing si Alexander saka hindi na nagtanong pa. Bakit parang ang weird ng mga pagkain ngayon ng kapatid niya?
“So, anong gagawin mo sa chips na pinapabili mo?”
“I will dip with ice cream.”
Alexander made a disgusted look. “Anong lasa no’n?”
Ngumiti si Alexa. “Masarap.”
Alexander wanted to ask more but his sister pushed him towards the door. “Kuya, pumunta ka na. Gusto ko ng kumain ng ice cream.”
Napabuntong hininga na lang si Alexander saka lumabas ng bahay. “Weird…” He muttered.
Sumakay siya sa kotse at nagtungo sa pinakamalapit na Ice Cream Shop at bumili ng ice cream. Bumili na siya ng limang container na may iba’t-ibang flavor saka pumunta sa grocery store. Bumili siya ng maraming chips para sa kapatid niya.
Pagbalik niya sa bahay nila, naabutan niyang nagsusuka ang kapatid niya sa sink.
“Alexa, are you okay?”
Alexa continued throwing up and when she’s done, she immediately washed her mouth. She looked at her brother. “Kuya…”
“Ayos ka lang ba?”
Umiling si Alexa. “Hindi, Kuya. Kanina pa ako nagsusuka. Wala naman akong nailalabas.”
“Kailan pa ‘yan?” Seryosong tanong ni Alexander. May hinala siya sa nangyayari sa kapatid niya pero sana mali siya ng hinala.
“Noong nakaraang linggo pa, Kuya.”
Alexander sighed. “Umamin ka nga. Buntis ka ba?”
Lumaki ang mata ni Alexa saka napahawak sa tiyan. “Buntis ako?”
Alexander had many friends in the Navy and some of them are already married. Nagkukwento sa kaniya ang mga kaibigan niya lalo na kapag buntis na ang asawa nila. They were very happy as they tell story of their wives being pregnant. Kaya alam niya ang nangyayari sa kapatid niya.
“Kumain na tayo. Hindi ako papasok bukas sa trabaho. Sasamahan kitang magpa-checkup. I know someone.” Seryosong sabi ni Alexander.
Nagbaba ng tingin si Alexa saka umupo.
“And no, kumain ka muna ng kanin.” Sabi ni Alexander nang tangkain ni Alexa na buksan ang isang container na may lamang ice cream. Nginitian niya ang kapatid saka itinuro ang mga pagkain sa lamesa. “Eat first before ice cream.”
Napipilitang kumain si Alexa ng kanin kahit pa nagke-crave na siya ng ice cream tsaka chips. Panay ang tingin niya sa ice cream na nasa lamesa. Then she looked at her brother with pity eyes.
Alexander sighed. Hindi niya kayang tiisin ang kapatid niya. “Eat your ice cream then. Don’t look at me like that.”
Mas mabilis pa sa alas kwarto na kinuha ni Alexa ang container na may lamang ice cream saka nilagyan ang glass bowl na kanina pa nakahanda sa mesa. Then she picked one pack of chip. Kumuha ito ng chips saka isinawsaw sa ice cream.
Napangiwi si Alexander habang pinapanood niya ang kapatid niya na kumakain. Ano na lang ang lasa no’n? But looking at her sister, she eats heartily.
Next day came, Alexander didn’t go to work. Sinamahan niya ang kapatid niya na magpatingin sa OB-GYN. Mabuti na lang at kilala niya ang doktor kaya ang kapatid niya ang nauna na sa pila.
“Who’s she?” Dra. Jamie Moore asked. Nagkakilala sila sa isang restaurant then they became friends. They are just friends.
“She’s my sister, of course. Why? Don't we look alike?”
Dr. Moore rolled her eyes. “You don't look much alike but you have the same eyes.” She smiled at Alexander’s sister. “Sorry about that. I'm just used to the fact that pregnant women are always accompanied by their husbands.”
Alexa just smiled. “It’s okay, doc.”
“So, can you check up my sister now?” Alexander rolled his eyes.
Dra. Moore chuckled and started the check up to Alexa.
Umupo naman si Alexander sa gilid at hinintay na matapos ang checkup ng kapatid niya.
“Congratulations, you’re already two weeks pregnant now, Alexa.” Dra. Moore happily informed her friend’s sister.
Parang nabingi si Alexa sa narinig. I’m pregnant?
Hindi alam ni Alexa kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na ‘yon. Noong sinabi ng Kuya niya na baka buntis siya, hindi niya masyadong pinansin ‘yon dahil napakaimposible naman yata pero heto na nga at nagkatotoo ang sinabi ng Kuya niya.
“Alexa…”
With teary eyes, Alexa looked at her brother. “Kuya.” She sobbed.
Alexander siged. Pinunasan niya ang luha ng kapatid niya at hinalikan ito sa nuo. “Let’s go home.”
Tumango si Alexa.
Alexander looked at Jaime. “If you have time, you can come in our house. Let’s have dinner together. My sister is a good cook.”
Tumango si Dra. Moore. “I will.”
Alexander smiled. Inalalayan niya ang kapatid niya na lumabas ng OB-GYN clinic.
When they got home, Alexander asked his sister. The question that has been running in his mind the entire time.
“Who’s the father? Is that Jaxon the bastard?”
Umiling si Alexa.
“Then who?” Alexander asked. He’s not mad but he wanted to know the truth.
“I don’t know, Kuya.”
Alexander gaped. “What?”
Umiling si Alexa. “I don’t know who was the father of my child. I can’t remember him…” she tells her brother everything that happened.
Nahilot ni Alexander ang sentido matapos marinig ang kwento ng kapatid.
“I’m sorry, Kuya.” Alexa apologized.
Malalim na napabuntong hininga si Alexander. “Magalit man ako nandiyan na. Tapos ng nangyari. We just need to accept it and just take care of your baby. Don’t worry, everything will be fine. Mabuti na lang pala at sumunod ka rito sa akin. Kung nagkataon baka mag-isa ka lang sa Pilipinas.” Umupo siya sa tabi ng kapatid. “Take care of your baby. Evan he’s unwanted but it’s still a life.”
Tumango si Alexa. “Thank you, Kuya.”
Alexander smiled and messed Alexa’s hair.
“Kuya, ang ganda ni Dra. Moore. I saw how you looked at her earlier, Kuya.” Biglang sabi ni Alexa.
Namula ang tainga at batok ni Alexander. Tumikhim siya.
“Mukha naman siyang mabait, Kuya.” Sabi pa ni Alexa.
“Shut up.” Alexander scolded his sister.
Alexa chuckled. “Kuya, hindi naman masama kung gusto mo si Dra. Moore.” Tumayo siya. “Sige, Kuya. Magpapahinga lang ako.”
Napailing si Alexander. Asar rin talaga minsan ang kapatid niya.
Alexa went to her room. Pagpasok niya sa kwarto, umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang tiyan niya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Kinakabahan siya, masaya rin na malungkot.
I’m going to be a mother. Maybe God has plan for me, I don’t have a choice but to accept my fate.