NANG makabalik si Zacchaeus sa trabaho, tambak ang paper works na kailangan niyang asikasuhin. Pero hindi siya nagrereklamo dahil masaya siya na nakasama niya ang anak niya ng ilang araw. And he’s proud of Axel for his achievements. Zacchaeus removed his coat and sat on his swivel chair. “Welcome back, Sir.” Bati sa kaniyang ni August. Tumango siya. “I have a lot of paper works to do, huh.” Aniya. “Sir, ilang araw rin kasi kayong wala.” Sabi ni August. “Marami nga ang nagtatanong sa akin kung kailan kayo babalik at marami rin ang gustong magpa-appoint. Gusto nilang makipagmeeting sa inyo para sa collaboration at may mga gustong makipag-deal po sa inyo.” Zacchaeus sighed. Hindi na siya nagulat. Ganun talaga ang isang businessman na katulad niya. Hindi na siya magtataka na maging busy s