CHAPTER 11 I will court you for real. Paulit-ulit lang ang mga salitang iyon sa loob ng windang kong utak. Ano kaya ang naisipan ng lalaking ito at ako ang kinukulit. Wala akong balak mapag laruan ng isang Jared Jacob Montelibano. “And, this is no longer play or pretense and not for the sake of my parents. This is for me,” sambit ni sir Jared. “Bakit ako?” Nakatitig na tanong ko sa kanya,”Marami ka namang pwedeng ligawan.” “I don’t like them, but—I like you,” mukhang sincere naman na sagot niya. “Like?” Medyo patuya kong tanong, “You don’t court someone because you like them.” Ngumisi naman siya at buo ang kumpiyansa sa sarili na sumagot sa akin. “I beg to disagree, the courtship phase is when the men and women get to know each other—they date, they go to places together. They disc