CHAPTER 17 Tulog na si Gina pero ako gising na gising pa rin, madaling araw na. Masaya nga ba ako? Paulit ulit na tanong ko ito sa sarili ko, tungkol sa relasyon namin ni Jared. Na kay Jared na ang lahat at nararamdaman ko na mahal n’ya ako talaga. Ano pa ang kulang? Wala. Walang kulang si Jared, baka ako ang may kulang. Kulang ba ang panahon na panliligaw siya sa akin? Ang panunuyo niya ng ilang buwan, napilitan lang ba akong sagutin siya? No, sapat na iyon, hindi naman niya ako pinilit. Saka alam ko din na mahal ko siya sa paraang alam ko. Hindi naman siguro lahat ng relasyon sobrang saya agad ang nararamdaman ng isang tao sa unang buwan ng relasyon nila. Tanga lang siguro ako talaga kung ano-ano ang iniisip na walang basehan. May munting tinig akong narinig sa utak ko. Hindi