CHAPTER 13 Kinabukasan…sa opisina. Nauna akong dumating kesa kay Jared. May breakfast meeting siya at dumating sa office makalipas mag alas 11 ng umaga. “Hi sweetheart,” daretso siya sa cabin ko pagdating na pagdating nya. Before I could even answer him, nahagip na ng labi nya ang labi ko. Sanay na naman ang office sa sobrang sweet ng boss ko, once a day lang naman itong mga ganitong bati niya na nakakalaglag panty sa mga kababaihan. Buti na lang naka pantsuit ako most of the time, hindi halata kung mapigtas din ang strap ng panloob ko. “Can you spare the rest of the hour? Let's go to my office, may sasabihin ako.” “Hmm. In 15 minutes, I will just finish and save what I am doing right now.” “Sure! I will go ahead,” iyon lang at iniwan na niya ako. Naglakad na papuntang office niya n