Chapter 1

1906 Words
" GOOD MORNING, MR. PRESIDENT!" Patalon na sumalampak si Monique sa malambot nilang kama ng kasintahan niya. Magdadalawang taon na rin silang nagli-live in. Minsan na siyang niyaya nitong pakasalan ngunit 'di pa siya handa sa ganoong sitwasyon at alam niya namang ganun din ito. Mas abala ito ngayon sa kompanyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Isa pa, hindi niya alam kung matatanggap ba siya ng pamilya nito. " Hey, Honey, I'm sleepy." Anito sa tinatamad na boses. Nginitian niya ito. She softly touch his face and kissed his lips. " I want more, Hon." Para itong bata na nakabusangot pagkatapos niyang hagkan. Pinisil niya ang dalawa nitong pisnge. " It's seven o'clock my dear. Late na po kayo, Mr. President." "It's your fault." Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. " At bakit naman?" " Pinagod mo ako kagabi." Mabilis na nahawakan ng kamay niya ang unan na nasa tabi nito at pinalo niya ang nobyo. " Kapal mo, ha! Get up." Tumayo siya saka itinapon sa mukha nito ang unan. Narinig niyang humalakhak ito ngunit 'di niya na pinansin. Dumiritso siya pinto at lalabas na. Ngunit bago siya makalabas naramdaman niya ang pagbuhat nito sa kaniya. " Rafael, ano ba? Put me down!" Ngunit 'di ito nakinig sa halip ay ibinagsak siya nito sa kama. Napailalim siya ng matipuno at kapangakit-akit nitong alindog. Nakasuot lamang ito ng underwear. Dinampian nito ng halik ang noo niya. "I love you, Honey." Malagkit ang pagkatitig ng bilugan nitong mga mata na may matataas na pilik-mata. "I love you more." Tugon niya. Ngumiti ito at hinagkan ang kaniyang labi. Sa loob ng dalawang taon, wala siyang pinagsisihan. Palagi nitong pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya kahalaga. " Aray," mabilis nitong pinakawalan ang labi niya matapos niyang kagatin ang ibabang labi nito. Ngumiti siya saka bumangon. " Maligo ka na, hihintayin kita sa dining mahal ko." Kinindatan niya ito bago iniwan. " Gamutin mo muna 'tong sugat ko." Narinig niyang pahabol nito. Nilingon niya ito nang nasa pinto na siya. Isang malokong ngiti ang itinugon niya dito. " Mamayang gabi na lang, late na tayo. Maligo ka na." " Hindi mo ako sasabayan?" Anito na tila sinusubukan siyang akitin. Napapailing na lamang siya. " Tapos na po ako." Nginitian niya ito bago siya lamunin ng pinto palabas. Napabuntong hininga siya nang makalabas siya. Saka gumuhit ang masayang ngiti sa labi niya. Hindi niya alam kung makakaya niya pa bang mawala si Rafael sa buhay niya. Dito lang umiikot ang mundo at buhay niya. Ito lang ang una at huling lalaking nais niyang mahalin at makasama. Nakangiti siyang nagtungo sa hapag. Nakasanayan niya ng ipaghanda at pagsilbihan ito. Pakiramdam niya totoong mag-asawa na talaga sila. 'Yung kasal? Inaamin niyang pangarap niya talaga ' yun ngunit sa kalagayan niya ngayon, naisip niyang ang kasal ay isang seremonya na napakahalaga. Ngunit marami naman ang ikinasal na nauuwi rin sa hiwalayan. Kontento na siya sa ganito, ang mahalaga magkasama sila at nagmamahalan. Nagkakilala sila ng kasintahan niya sa kompanya din na pagmamay-ari ng pamilya ng binata. Naging executive assistant siya nito hanggang ngayon. Hindi niya alam kung paano naging posible ang lahat, nagising na lang siya isang araw na nahulog na ang loob niya dito. Maliban sa kagwapuhan nito, mabait din ito at may malasakit sa kapwa kahit na sa pinakamaliit na empleyado ng kompanya 'di nito pinagkakaitan ng ngiti. Parang isang fairytale ang istorya ng pag-iibigan nila. At alam niyang magsisimula pa lang ang lahat. Hindi pa natatapos sa pagpapalitan nila ng I love you ang pagmamahalan nila. Lalo na pagdating sa pamilya nito, kahit walang sabihin ang mga ito, nararamdaman niya naman ang pagtutol ng mga ito sa kaniya. Ngunit hanggang nasa tabi niya si Rafael at sinasabi nito araw-araw kung gaano siya nito kamahal, ipaglalaban niya ang pag-ibig niya para dito. Naglakad siya patungong kusina. Naglagay siya ng plato at mga kubyertos. Ipinagluto niya ito ng paborito nitong embutido at tocino. Gumawa din siya ng pancake, minsan kasi hindi ito kumakain ng kanin lalo na't huli na sila sa trabaho, tulad ngayon, late na naman sila. Nahihiya na nga siya sa mga ibang empleyado, ngunit wala naman siyang magagawa kung anong nais ng kapareha niya. Nagulat siya nang may biglang yumakap sa kaniya mula sa likuran niya. Agad siyang napangiti. " Honey, " Humarap siya dito. Pinisil niya ang matangos nitong ilong, saka hinagkan. " Bango na ng baby ko, ah." inamoy niya ito. Ngumiti ito sa ginawa niya. " Inaakit mo na naman, ako." Nawala ang ngiti niya at tinanggal ang pagkakayakap nito. Umalis siya sa harap nito at umupo sa harap ng mesa. " Asus, nagtampo na naman." Tumabi ito sa kaniya. Ipinagsalin siya nito ng kanin at ulam. " Sorry," Tumingin ito sa kaniya. Nang makita niya ang mga mata nitong masuyong nakatingin sa kaniya biglang nawala ang tampo niya dito. Kinuha nito ang kamay niya saka masuyong hinalikan. " I'm sorry, honey." Dahan-dahang napapangiti ang labi niya. " I love you." " I love you too." Hinawakan niya ang pisnge nito. " Kumain na po tayo." " Sure." MAGKAHAWAK-KAMAY NA NAGLALAKAD SA PASILYO NG KOMPANYA SINA Rafael at Monique. Nasanay na rin naman ang mga empleyado sa kanila. Ngunit minsan di pa rin maiwasan ni Monique ang mailang lalo na't boss at tagapagmana ang nobyo niya. Hindi maiwasan ang tsismis, ngunit sa tuwing napanghihinaan siya palaging nandiyan si Rafael upang bigyan siya ng lakas. Kakalabas lang nila sa elevator at patungo sa opisina ng binata nang makasalubong nila ang Chairman, ang papa ni Rafael. Sa kaniya agad dumapo ang paningin nito. 'Yung titig na tila tinitingnan nito kung may mali ba sa suot niya o sa pagkatao niya. Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Rafael sa kamay niya. Dahil dun nagawa niyang tingnan ang Chairman at ngitian. "Good morning, Sir." Hindi ito tumugon sa bati niya. Tumingin ito sa binata. " I want you in my office, Rafael." Anito sa ma-awtoridad na tinig. "Yes, Chairman." Tugon nito sa Ama. Hindi man lang nito nagawang kamustahin ang anak, at madaling lumisan sa harapan nila. Sinundan niya ito ng tingin. Bibihira lang umuwi ng bansa ang may-ari ng kompanya. Naka-base na ito sa Amerika at may ibang negosyo ding inaasikaso doon. Alam niyang wala siyang karapatang mag-tanong ngunit hindi niya maiwasang mangamba, lalo na ngayon, may kakaiba siyang takot na naramdaman nang makita ang Ama ng nobyo niya. Tila may hindi magandang mangyayari at nararamdaman niya iyon. "Hon," Nabalik ang atensyon niya dito. Nakangiti ito. "Okay ka lang?" Anito sa nag-aalalang boses. Ngumiti siya. " Kung sasabihin ko bang Oo, maniniwala ka?" " Don't worry, walang sasabihin si Dad, mangungumusta lang 'yun sa company." Umiling siya. " Natatakot ako, 'yun ang nararamdaman ko ngayon." " I'm here, there's nothing to worry about." Lumapit ito sa kaniya at hinagkan siya sa noo. " Let's go?" Nginitian niya ito, tumango siya bilang tugon. Hanggang makarating sila sa opisina ng binata hindi pa rin mapalagay ang isip niya. " Hon, punta na ako sa table ko." Paalam niya dito pagkatapos itong maka-upo sa swivel chair nito. Ngumiti ito at tumayo. Lumapit ito sa kaniya. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. " Hon, ayaw kong nakikita kang nalulungkot. Nasasaktan ako." Isang mapaklang ngiti ang ipinakita niya dito. " Sorry, hindi ko lang maiwasang mabahala. Alam naman natin kung anong status natin sa parents mo." Hinawakan nito ang pisnge niya. " Tumingin ka sa mga mata ko." Ginawa niya ang sinabi nito. " Mahal kita, mahal na mahal. 'Yun lang dapat ang iniisip mo nang sa gan'un gagaan ang pakiramdam mo." Nginitian niya ito. Hinagkan siya nito sa buhok niya. "I love you!" Yumakap siya dito nang mahigpit. " Sorry kung natakot ako." Ipinikit niya ang mga mata. " Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka." " I promise, I will never ever leave you." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. " Trust me, Honey." Kumalas ito sa pagkakayakap at madiin na nakatitig sa mga mata niya. " I'm sorry, hindi ko dapat iniisip ang gan'ung bagay." Ngumiti ito. " Smile for me, please." Paglalambing nito. Nginitian niya ito. " You should go, He's waiting for you." Patataboy niya dito patungo sa chairman. Ngumiti ito at muli siyang hinagkan. Nang umalis ito 'di niya mapigilang maiyak. Kanina niya pa gustong ilabas 'yun ngunit ayaw niya namang makita iyon ng mahal niya. Pilit niyang pinapatatag ang sarili, ngunit ang totoo, isa siyang mahinang tao. Napaka-sensitibo ng pakiramdam niya. Nagkaroon lang siya ng lakas ng loob magmula nang makilala at minahal niya si Rafael. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya, saka pinunasan ang basa niyang pisnge. Kailangan niya nang magtrabaho. NANLAKI ANG MGA MATA NI RAFAEL SA SINABI NG AMA NIYA. "No dad, I'm sorry hindi ako pwedeng umalis. The company needs me." Pagtatanggi niya. Nais nitong lumipad siyang patungong Amerika at pamunuan ang kompanya nito d'un. Ngunit 'di niya 'yun magagawa. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang malayo sa babaeng mahal niya. " Ang kompanya ba talaga ang inaalala mo? O 'yung babaeng kinababalewan mo?" May galit sa tanong nito. " I'm sorry dad, hindi lang po siya basta babae. I love her, and I' m going to marry her. Sa ayaw at gusto niyo po." Pakikipagtagisan niya ng titig dito. Bumuntong hininga ito. "Wala naman kaming magagawa ng Mommy mo kung 'yun talaga ang gusto mo, pero sana pagbigyan mo ang hiling ko. One year only, Rafael. At miss na miss ka na rin Mommy mo. She wants to see you." Hindi niya mapigilang mahabag sa sinabi nito. Inaamin niyang namimis niya na rin ang Ina niya. Nang dahil sa pagmamahal nito sa kaniya kaya niya rin nagagawang mahalin si Monique ng totoo at wagas. Nakita niya sa dalaga ang katangian ng Mommy niya. At sigurado siyang magiging mabuting asawa at ina ito pagdating ng tamang araw. Tumayo siya sa pagkakaupo. " Pag-iisipan ko po ang sinabi niyo." Tugon niya dito. Ngumiti diya bago umalis. Ngunit pinigilan siya nito bago makalabas ng pinto. "Rafael," Nilingon niya ito. " Pagbigyan mo na ako. And after this, I promise, I will give you my blessing to marry that woman." Isang pangako ang lumabas sa bibig nito. Ngunit 'di niya kayang ipagsapalaran ang relasyon nila ni Monique para sa pangakong walang katiyakan. May basbas man o wala mula sa mga magulang niya, pakakasalan niya ito. Nginitian niya ang Daddy nita. " Pag-iisipan ko po." Muling tugon niya. Mabilis siyang lumabas at bumalik ng opisina niya. Napahinto siya nang makita niya ang babaeng mahal niya na abala sa trabaho nito. Kusang napapangiti ang labi niya. Kahit saang anggulo niya ito tingnan, nagagawa nitong pahangain ang puso niya. Ni minsan 'di niya naisip na ang isang simpleng babaeng tulad nito ang magbabago ng pananaw niya sa buhay. He loves everything about her. He can't imagine his life without her. Kaya gagawin niya ang lahat mapasaya lang ito. At ipinapangako niyang hindi ito iiyak sa piling niya. Pagsisikapan niya iyon. Ngumiti siya bago bumalik sa dinaanan niya. Lalabas na muna siya at ibibili niya ito ng bulaklak. Alam niyang mabigat pa rin ang pakiramdam nito. Kahit abala ito sa trabaho nito alam niyang ang pag-uusap nila ng Daddy niya ang tumatakbo sa isipan nito. Papawiin niya ang pangamba nito. Lumabas siya ng building. Nagtungo siya sa reserve parking area ng kotse niya at agad na sumakay. Maghahanap siya ng magandang sorpresa para sa mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD