MALAKAS na tunog ng alarm ko ang nagpagising sa 'kin. Nakapikit akong kinapa ang cellphone kong kanina pa tumugtog at pagkatapos ay pinatay ko ang alarm. Gusto ko pa kasing humirit ng tulog kahit sampung minuto kaya muli akong natulog.
"Cyndi! Cyndi!"
Tuluyan na akong bumangon nang marinig ko ang katulong namin na kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto ko. "Bakit?" Nakataas pa ang kilay kong tanong kay Ate Betchay.
"Senyorita, pinapatanong ng Mommy kung papasok daw po kayo sa school."
Sinuklay ko ang buhok habang humihikab ako. "Oo, bakit akong oras na?"
"Alas-otso na po ng umaga?"
Nanlaki ang mga mata at sa isang iglap nawala ang antok na nararamdaman ko. "Alas-otso?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango ito at pinakita niya sa 'kin ang orasan sa cellphone niya.
"s**t!"
Tumakbo ako para kunin ang towel at pagkatapos ay tumakbo ako papunta sa banyo para maligo. Hindi ko na alam kung paano ako naligo sa kamamadali ko. Balak ko pa naman pumasok nang maaga ngayon dahil may exam kami.
"Mommy, papasok na ako!"
Halos paliparin ko ang kotse ko makarating lang sa unibersidad na pinapasukan ko. Bago ako makarating sa unibersidad namin dadaanan ko muna ang International School kung saan puro mayayaman ang nag-aaral. Kung tutuusin kaya naman ng magulang kong pag-aralin ako sa paaralan na iyon ngunit ako ang unang umayaw. Third year college na ako sa unibersidad na pinapasukan ko ngayon at masaya ako sa school ko dahil marami akong kaibigan.
Hininto ko ang kotse sa harap ng International School kung saan nag-aaral ang future boyfriend ko. Binuksan ko ang bintana para makita ko ang dumadaan na mga estudyante. Nagbabasakali akong makita ko ang lalaking palagi kong inaabangan tuwing umaga. Kung hindi ako tinanghali ng gising siguradong makikita ko siya.
Huminga ako ng malalim. "Ten minutes lang ako maghihintay."
Lumabas ako ng kotse ko at nagkunwari na may kausap sa cellphone habang ang mga mata ko ay nakatingin sa malaking gate ng school. Nagbabakasakali ako na lumabas ang future boyfriend ko.
Limang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin lumalabas sa malaking gate ng school nila.
"Ano ka ba naman Cyndi, natural walang lalabas diyan oras ng klase," kausap ko sa sarili ko.
"Miss?"
Nilingon ko ang tao na nagsalita upang kilalanin. Gayon na lang ang pagkagulat ko nang makilala ko ang lalaking nasa harapan ko. Ang lalaking may mapungay na mata ang future boyfriend ko.
My cheeks turn to red. Bigla akong nahiya. s**t! Nakita niya ba akong kinakausap ko ang sarili ko.
"Are you okay?" Umangat ng bahagya ang kanang kilay niya habang nakatingin sa 'kin.
Tumango ako at pagkatapos ay mabilis kong pinagmasdan ang itsura niya. Marami na akong nakitang estudyante na pareho ng uniform niya pero bakit parang sa kanya lang yata bumagay. Ang ganda ng tindig niya at dahil halata mo sa katawan niyang alaga siya sa gym, makikita mong bumabakat ang uniform niya dahil sa malapad nitong dibdib. Lumunok ako ng dumako ang mga mata ko sa labi niyang parang nilagyan ng lipstick dahil pulang-pula.
"Miss?"
"H-Ha?" Bigla akong bumalik sa realidad.
"Are you okay?" Pag-uulit ng tanong niya sa'kin.
Ilang beses akong tumango. "Yeah, Thanks!"
Binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Blessing in disguise ang pagpasok ko ng late dahil nakita ko siya ng harapan.
Nakatayo pa rin siya sa tapat ng kotse ko at nakatingin sa 'kin.
“Sigurado ka ba na okay ka lang?”
Ngumiti ako sa kanya. “Yes, thank you.”
Pinaandar ko ang kotse ko at nang makalayo ako sa kanya ay nagtitili ako nang malakas sa loob ng kotse dahil sa kilig.
Sa sobrang sayang nararamdaman ko, hindi ko na iniisip na hindi ako nakapag-exam sa unang subject ko dahil late ako.
"Hoy, bruha, anong nakakatawa na diyan sa tanong sa exam natin?" tanong sa akin ni Veronica.
Tiningnan ko pa ang professor namin kung nakatingin sa amin. "Alam mo kasi nakita ko sa malapitan ang future boyfriend ko." Ang lapad ng ngiti ko habang sinabi ko 'yon sa kanya.
"Mamaya na natin 'yan pag-usapan ang future boyfriend mo, pakopyahin mo muna ako ng sagot. Hindi ako nakapag-review dahil nakipag-inuman ako kagabi."
"Hindi ko alam kung tama ang sagot ko."
Inagaw sa 'kin ni Veronica ang exam paper ko. "Basta pakopya at least may sagot ako kaysa bokya."
"Ikaw ang bahala, bilisan mo." Patingin-tingin pa ako sa paligid kung nakatingin sa amin ang professor. Pagkatapos ng exam namin ay niyaya ako ni Veronica na uminom ng milk tea. Ililibre niya ako dahil pinakopya ko siya. Imbes na sa canteen ng school namin kami bumili ng milk tea ay sa labas kami ng school pumunta para bumili.
Nakayuko ako habang kumakain. Hiyang-hiya kasi ako dahil kaming dalawa lang ni Veronica ang kakaibang uniform sa loob ng cafeteria. Lahat kasi ng kumakain dito ay puro mga taga International School. Nasa harap lang kasi ito ng gate ng unibersidad nila.
"Bakit dito tayo kumain?" tanong ko kay Veronica.
"May inaabangan kasi ako rito lalaki na gusto kong maging boyfriend." Humahaba pa ang leeg ni Veronica sa kakatingin sa labas.
"May crush ka rin pala dito? Ako rin may crush dito,” tugon ko.
Sinipsip muna ni Veronica ang milk tea niya. "Talaga? Nandito na ba siya? Ituro mo sa akin."
Hinahanap ko sa paligid ang future boyfriend ko pero hindi ko siya nakita. "Wala siya rito."
"Ituro mo sa 'kin kung nandito siya baka kilala ko siya. Ang future boyfriend ko rin hindi ko makita rito, mauubos na ang milk tea ko hindi pa siya dumarating ang mahal pa naman ng pagkain dito."
Hindi ako umimik bagkus ay yumuko ako. Nakita ko kasi ang lalaki na papasok sa loob ng cafeteria.
"Bruno!" Tawag ni Veronica.
"Veronica, bakit nandito ka?" tanong ng lalaki.
"May hinihintay lang ako rito libre mo nga kami nagugutom na ako," ani Veronica.
"Sino ba ang magandang babae na kasama mo? Pakilala mo naman sa 'min."
Siniko ako ni Veronica kaya inangat ko ang mukha ko. Bigla akong kinabahan nang makita ko sa harapan ko ang lalaki na lagi kong inaabangan dito. Namula ang mukha ko nang nagkatinginan kaming dalawa.
"This is my friend, Cyndi," sabi ni Veronica.
Ngumiti si Bruno sa akin. "Hi, Cyndi, my name is Bruno and this is David." Sabay turo niya sa katabi niya.
Tipid akong ngumiti sa kanila.
"Nice meeting you, Cyndi.” Inilahad pa ni David ang kanyang kamay upang makipag-shake hands.
Nanginginig ang kamay kong tinanggap ang kamay ni David, nagulat ako nang yumuko si David at hinalikan ang kamay ko.
Oh, s**t! I can't breath.
Para akong hihimatayin sa kilig dahil sa ginawa niya.
"Mukhang type mo ang kaibigan ko?" diretsahang tanong ni Veronica kay David.
Hinila ko ang kamay ko at yumuko.
"Bakit bawal ba?" sagot ni David.
Feeling ko kulay kamatis na ang mukha ko sa kilig.
"NBSB ang kaibigan ko at hindi siya part-time girlfriend, kung naghahanap ka ng babae na pangkama hindi siya puwede," walang preno ang bibig ni Veronica.
Nakayuko ako ngunit sa aking peripheral vision ay alam kong nakatingin siya sa 'kin.
"Really, interesting," sagot ni David.
"Bruno, libre mo kami ni Cyndi," sabi ni Veronica.
"Ako na ang manlilibre sa inyo. What food do you want, beautiful Cyndi?" tanong ni David.
Sinipa ni Veronica ang paa ko. "Anong gusto mo libre nila tayo."
"B-Busog pa ako," nauutal kong sagot.
Kinurot ko ang hita ko habang nakayuko. Pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng panaginip dahil kausap ko at kaharap ko ang lalaking tinatanaw ko lang araw-araw sa unibersidad nila.
"Ako na lang ang pipili ng pagkain niya mahiyain kasi Cyndi," ani Veronica.
"Sure," sagot ni David.
Fried chicken, macaroni salad at ice tea ang pinili ni Veronica para sa 'kin. Sa totoo lang gutom na ako kaya lang hindi ako makakain ng mabilis dahil kaharap ko si David, samantalang si Veronica ay parang sanay na siyang may kasamang ibang tao. Kung sabagay extrovert naman siya kaya hindi nakapagtatakang marami siyang kaibigan.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay tumunog ang cellphone ko. Nabasa ko ang pangalan ni Mommy.
"Cyndi, umuwi ka nang maaga mamaya may pupuntahan tayong birthday party."
"Okay," tipid kong sagot kay Mommy
"Okay, goodluck sa study mo, I love you."
"I love you too, Mom."
Pagkatapos ay pinutol ko ang tawag niya. Pag-angat ko ng mukha ay napansin kong nakatingin sa 'kin si David kaya yumuko ako at pinagpatuloy ko ang pagkain.
"I have to go!"
"Aalis ka na?" tanong ni Veronica.
Tumango ako. "May exam ngayon kaya kailangan kong mag-review.” Binaling ko ang tingin kay David. "Thank you sa libre."
"Ingat ka Cyndi," sabi ni Veronica.
Isang ngiti ang naging tugon ko sa kanila bago ako tuluyang makaalis ng cafeteria.
Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay ako sa kotse. Sinulyapan ko muna ang cafeteria na 'yon bago pinaandar ang kotse pabalik ng school.
ALAS-SINGKO ng hapon ako nakauwi ng bahay namin. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong ako ni Mommy. Nakabihis na ito at may makeup na rin ang mukha niya.
"Cyndi, bilisan mo at mag-asikaso ka na kailangan bago mag-alas siyete ng gabi ay nakarating na tayo sa party," ani Mommy.
Pumasok ako sa loob ng kuwarto ko at pagkatapos ay naligo at nagbihis ng damit. Naglagay lang ako ng lipstick at eyeliner, pulbos pagkatapos at lumabas na ako ng kuwarto at sumakay sa kotse namin. Habang binabagtas namin ang daan sa pupuntahan namin party abala naman ako sa paglalagay ng makeup.
Kalahating oras pa ang lumipas ay huminto kami sa malaki at malawak na bakuran. Paglabas namin ay punong-puno ng sasakyan ang naka-park labas.
"Let's go!" sabi ni Daddy.
Hinawakan niya ako sa kamay habang si Mommy ay nakapalupot ang kamay sa braso ni Daddy.
"Silvia, Ruben!"
Sinalubong kami ng matandang lalaki na nasa edad kwarenta.
"Romano," bati ni Daddy. Tinapik niya ito sa balikat.
"Mabuti naman at nakarating kayo.” Tumingin siya sa 'kin. "Ito ba ang anak n'yong dalaga?"
Tumango si Daddy. "Yes, my daughter Cyndi." Tumingin sa akin si Daddy. "Cyndi, this is Don. Romano Aragon."
Yumuko ako. "Nice meeting you, Don. Romano.”
Inilahad nito ang kamay. "Kasing edad mo ang nag-iisang anak kong lalaki sayang at hindi mo siya nakita."
"Marami pa namang araw," sagot ko.
"Yeah, kumain na muna kayo," sagot ni Don Romano.
Tumango kami pagkatapos naghahanap kami ng table para kumain. Nang matapos kaming kumain ay tinawag sina Mommy at Daddy ng mga kaibigan nila. Naiwan ako sa table at inabala ko ang sarili ko sa paglalaro ng games sa cellphone ko.
"Cyndi?"
Inangat ko ang mukha ko. “D-David?”
Gulat na gulat ako dahil hindi inaasahan na makikita ko si David sa ganitong lugar. Ngumiti siya sa akin samantalang ako ay parang hihimatayin sa hiya.
Umupo siya sa tabi ko. "Finally, nakahanap rin ako na kasing edad ko sa party na ito." Ipinatong nito sa table ang isang bote ng tequila.
"Let's drink.” Sabay abot niya sa 'kin ng alak.
"Hindi pa ako umiinom,"
"Oh, come on, ikaw na nga lang ang kasing edad ko sa party na ito hindi mo pa ako pagbibigyan.”
Napilitan akong pagbigyan siya hanggang sa naging sunod-sunod na ang tagay ko ng alak. Dahil sa alak na nainom ko ay nawala ang hiya ko sa kanya.
"Alam mo mahal kita."
Tumawa si David kaya lumantad ang maputi niyang ngipin. "Lasing ka lang siguro."
Tumawa ako. "Araw-araw kitang inaabang sa unibersidad na pinapasukan mo. Nahihiya lang akong magpakilala.”
"I don't believe you.” Sabay tungga ng alak ni David.
Hinila ko ang upuan ko malapit sa kanya.
"A-Anong ginagawa mo?"
Ngumiti ako pagkatapos lakas loob kong kinabig ang batok niya at siniil ko ng halik. Natigilan si David sa ginawa ko. "Mahal kita, David."
Tumawa ng malakas si David. "Akala ko iba ka sa mga cheap na babae na nagkakagusto sa 'kin, sabihin mo nga pang-ilan ako sa mga lalaki na gusto mong i-fling?"
Umiling ako. "Hindi ako gano’n."
Inilapit ni David ang mukha niya na halos isang pulgada na lang ang layo. Naamoy ko ang hininga niyang amoy alak. "I don't like you, but if you want s*x, I will give you."
Isang malakas na sampal ang pinalasap ko sa kanya. Pagkatapos ay tuluyan na akong umalis. Hindi ko akalain na ang lalaking matagal kong pinapangarap ay isang rude, at conceited.