"Congratulations!" Masayang sabi sa 'kin ng editor ko nang salubungin niya ako. Pinag-ekis ko ang mga paa ko nang umupo ako sa aking swivel chair. "Why?" Bahagya pang umangat ang kilay ko sa kanya. "Tumawag sa 'kin si Mr. David Aragon at sinabi niyang pumapayag na siyang gamitin ang fullname niya sa story. "Paanong hindi siya papayag nakatatlong round na siya sa 'kin." "May sinasabi ka Miss Cyndi?" "Ha? W-Wala naman akong sinasabi baka narinig mo ang ingay sa labas." "Excited na akong mabasa ang story mo." "Mas maganda sanang kung magiging pelikula siya." Tumango si Miss Anastasha. "Don't worry, mukhang may pag-asa dahil balak ni Mr. Aragon na maglabas ng para maging movie. Hindi naman niya kailangan gawin 'yo. "Maraming salamat kung gano'n." Ang totoo, hindi ako natutuwa kung