“Hoy, bruha!” ani Veronica Kanina pa kaming dalawa sa loob ng silid ko. Pinapunta ko siya rito para may makausap naman ako. Nalaman kasi ni Mommy ang nangyari sa party kaya hindi niya ako pinapalabas kung hindi ko kasama si David hindi ako makakalabas ng mansyon para tuloy akong teenager na grounded dahil may ginawang kasalanan. Nakakainis si Mommy dahil mas may tiwala pa siya kay David. Ang hindi niya alam ay higit pa sa pagbabantay ang ginawa sa ‘kin ni David. Nakadapa si Veronica sa kama ko samantalang ako naman ay nakatingin sa kawalan. Iniisip ko kasi ang sinabi sa ‘kin ni David kanina. "Cyndi, don't lock your room tonight at eight o'clock at night because I'm going to see you." Sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni David ay nakakaramdam ako ng kakaibang kiliti at pagkasabik. “Ha?”