Ilang beses kong pinagmasdan ang kabuuan ng dating bahay na tinitirahan namin ni Mommy. Matagal na rin na panahon na hindi kami dumalaw sa bahay namin at ang tanging nakatira na lang doon ay ang mga katulong namin na silang naglilinis at nagbabantay ng bahay. Lumapit ako sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding na makikita sa living room. Kuha ang larawan na iyon noong first year college ako. Sumali ako ng Binibini sa school namin. Kahit hindi ako nanalo noon ay naging proud sila sa'kin. Sa kabila ng pagiging busy nila ay namasyal kami para i-cheer up nila ako pagkatapos ay may nadaan kaming photoshop kaya nagpa-picture kami. Dahil sobrang ganda ng kuha namin noon kaya pinalaki namin 'yon at ginawang family picture. "Nakakamiss ang Daddy mo," sabi ni Mommy. Hindi ko namala