Ilang araw na akong nagtataka kung bakit hindi ko makontak si Cyndi. Mula nang tawagan ko siya nang nasa biyahe siya ay hindi ko na siya matawagan ulit. Hanggang tuluyan na akong nawalan ng balita kay Cyndi. Dahil sa pangyayari na 'yon hindi na ako makapagtrabaho ng maayos. "What's wrong?" Nakapameywang sa akin ang manager ko na sinadya akong puntahan sa condo ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa malaking unan. Wala akong panahon na makipag-usap sa kahit kanino. Nakalimutan kong i-lock ang pinto ng condo ko kaya nakapasok ang manager ko. "I'm sleepy, don't talk to me." "Ang dami mong mga hindi sinipot na pictorial. Kailangan mong sumipot dahil kung hindi madedemanda ka." "Alam ko ang ginagawa ko." Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. "Tumawag sa akin si Cyndi at hinahanap ka ni
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books