LEXUS POV. HINDI ko alam kung ano itong ginagawa ko dito sa harapan ng ospital sa ganitong oras. At kahit wala pa akong tulog mula sa mahabang biyahe ay dito ako dinala ang aking mga paa. Pero hindi ako pumasok sa loob ng ospital kundi nanatili sa harapan ng entrance. Dapat sa mga oras na iyon ay nasa bahay na ako dahil yon ang bilin ni Mama. Matapos ko raw ihatid ang lolo at lola ko sa malayong probinsya ay agad akong umuwi ng bahay. Pero heto ako at naririto, dahil sa kaibigan kung nurse na nagsabing until now nasa operating room pa rin si Dra. Poster. At sa kaalamang yon ay nakaramdam ako ng pag-alala sa dalaga. Kahit ilang araw ng gumugulo sa isipan ko ang mga katanungan. Kung anong tunay na relasyon ng kaibigan kong si Kyle, kay doktora. Samantalang nang huli kaming nagkausap ng fi