ZOEY POV. NAGISING ako dahil sa tumatawag sa akin kaya naman ay agad akong bumangon mula sa aking hinihigaan. Napakunot ang aking noo at may pagtatakang luminga linga sa paligid. Paanong napunta ako sa double deck, samantalang sa aking pagkakatanda. Naroroon ako sa upuan at nakasubsob sa ibabaw ng table? “Dra. Poster, naghihintay po si Mrs. Salazar. Ngayon raw ang schedule ng kanyang check up.” Napatayo ako nang maalala ang araw na iyon at upang makasiguro ay tiningnan ko pa ang calendar. Tama ngayon nga ang schedule ni Mrs. Salazar. Ngunit napabalik ako sa pagkakaupo ng maalala ang huling encounter namin ni Mr. Salazar. At sa isiping makakaharap ko na naman siya at ang kanyang ina ay tila pinanlalambutan ako ng mga tuhod. Paano kaya kung naikwento ni Mr. Salazar, sa kanyang ina ang tu