ZOEY POV. NANG magsalubong kami ng tingin ni Kyle, ay agad akong kinabagan. Kaya nagmadali na ako pumihit patalikod sa banda niya at naglakad agad palayo. Ang akala ko ay nakaligtas na ako sa kanya. Subalit nagulat na lamang ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran. At halos hindi ko malunok ang mga salitang kanyang binibitawan. Ngunit sinikap ko pa rin na huwag sumagot kahit gusto ko na siyang singhalan. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad upang tuluyan ko siyang maiwasan. Subalit bigla na lamang umangat sa hanging ang aking mga paa. Kaya mabilis akong nagprotesta pero sa halip na ibaba niya ako ay sinigawan pa ng malakas. Nang malapit na kami sa kanyang sasakyan. Ang buong akala ko ay ibababa na niya ako mula sa kanyang balikat. Dahil sa sinabi ni Mr. Salazar, ngunit mali