Chapter- Vlll

1439 Words
ZOEY POV. LAHAT ng ginawa ni Kap sa katawan ko ay aking tinanggap. Kahit may halong karahasan iyon ay ayos lang din dahil mahal ko siya. Subalit ang hindi ko inaasahan ay pagkatapos niyang magpasasa sa aking katawan. Magagawa rin pala niya akong ipasa sa kanyang kaibigan. Nang mga oras na iyon ang pakiradam ko ay isa akong mababang uri na nilalang. Isang babaeng masahol pa sa salitang wh*re upang bigyan ng ganun treatment. Masakit at hindi ko matanggap na napakababa ng pagtingin niya sa aking p********e. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam ako ng panghihina. At ang mataas na paghanga ko sa kanya ay unti-unting nawala. “Pagpasensyahan mo na ang aking kaibigan. Hindi naman siya ganun kasamang tao at sana huwag mo siyang kamuhian. Siguro kaya siya nagkakaganito dahil iyon sa nangyaring pagkasira ng pinakamahalagang araw niya.” Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagbibihis. Pasalamat lang ako at hindi masamang tao ang lalaking ito. Kung nagkataon ay hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin ngayon. Dinampot ko ang aking bag, mas gugustuhin kong sa ospital na muna mag stay. Dahil kapag nagtagal pa ako sa lugar na ito ay lalo lang akong mahihirapan kalimutan ang nangyari. Isa pang dahilan ay ayaw ko na rin kaming muling magkita ni Kap. “Saan ba kita ihahatid?” Natigilan ako sa aking narinig at ngayon ko lang napagtanto. Parang familiar sa akin ang boses ng lalaking ito. Kaya humarap ako ng tuwid sa kanya. “You! Oh, sorry... i-ikaw si Dra. Poster, right?” “Yeah, and you are Mr. Salazar, tama ako ‘di ba?” Halos sabay pa naming tanong sa isa’t-isa. At sa puntong iyon ay nakaradmam ako ng matinding kahihiyan. Hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa lalaking ito at sa kanyang ina. Kaya napabilis ang kilos ko at nagmamadaling lumabas ng bahay ko. “Ahm... Paki sara na lang ang pinto." at tumakbo na ako patungong elevator. Mabilis kong pinindot ang close ngunit may kamay na humarang kaya muling bumukas iyon. Umatras na lamang ako sa gilid at nagyuko ng ulo. Pagkatapos ay agad kong pinindot ang basement. At habang pababa ang sinasakyan naming elevator ay walang isa man ang naglakas loob magsalita. Hanggang bumukas ang pinto ay agad akong lumabas. Ngunit nahagip niya ang aking kamay, at marahil ay mahina talaga ang aking katawan. Kaya sumalpak ako sa kanyang dibdib. Itutulak ko sana siya ng mahigpit niya akong niyakap. “I’Im sorry, hindi agad kita nakilala.” “B-Bitawan mo ako, Mr. Salazar.” At nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap niya sa katawan ko ay malakas ko siyang tinulak. Tatakbo na sana akong palayo ng muli niya akong hilahin. “Ihahatid na kita, hindi ka dapat magmaneho sa ganitong sitwasyon. Baka mamaya ay maaksidente ka. At huwag kang mag-alala, anuman ang nangayri sayo at sa kaibigan ko ay mananatiling sikreto. Trust me, hindi dahil kaibigan ko si Pareng Kyle. Kundi pasasalamat ko iyon dahil sa ginawa mong pagliligtas sa buhay ng aking ina.” Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa kanya. Hanggang napasunod na lamang ako ng igiya niya patungo sa kanyang sasakyan. Subalit pagkalabas naming ng parking ay may sasakyang humarang sa amin. At hindi ako nakakilos nang biglang bumukas ang pinto sa aking gilid. Malakas akong hinablot ng kung sino at saka ko lang nakilala si Kap. Nang galit itong nagbitaw ng salita sa kaibigan nitong si Mr. Salazar. Pagkatapos ay malakas akong tinulak sa loob ng kanyang sasakyan. Akmang lalabas ako ng nag-lock ang pinto. “Huwag mong tangkain na takasan ako. Baka nakakalimutan mo ang malaking atraso mo sa akin. O baka gusto mo pang ipapaalala ko sayo, ang huling napag-usapan natin?” “A-Ano ba yon, w-wala naman akong natatandaan.” Mahinahon kong tanong sa kanya, hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Bakit sa kabila ng masamang ginawa sa akin ni Kap. Hindi ko magawang sigawan o magalit sa kanya ng tuluyan. “What the f*ck! Nakalimutan mo agad. Dahil ba nasarapan ka sa ginawa sayo ng kaibigan ko?” Hindi ako sumagot dahil ayaw kong makipag-usap sa kanya. Kaya bumaling na lang ang aking mukha sa labas ng bintana. “Kinakausap kita, bakit hindi ka sumasagot?!” Napaharap ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Sa totoo lang ayaw kong makitang nagagalit siya. Kaya naman ay mabilis kong nahawakan ang kanyang kamay. At hindi lang isang kamay ko ang ginamit ko kundi dalawang kamay. Sinabayan ko rin iyon ng haplos at baka sakaling maging kalmado na siya. “Please huwag ka ng magalit. Ano ba kasi ang sinasabi mong usapan natin?” Subalit bigla niyang hinablot ang kanyang kamay kaya nabitawan ko iyon. “Huling beses kong sasabihin sayo ito kaya makinig kang mabuti!” “Sige, nakikinig ako.” “Mula sa araw na ito ay doon ka titira sa aking bahay. Pagsisilbihan mo ako at lahat ng bawat naisin ko ay susundin mo. Hindi ka maaaring umalis ng hindi nagpapaalam sa akin. Bilang kabayaran ng ginawa mong pagsira sa araw ng aking kasal. At once na hindi mo ako sinunod ay ikakalat ko ang video scandal mo habang may ka-s*x kang lalaki!” “Video scandal, k-kailan iyon nangyari, samantalang wala naman akong nakaka-s*x na ibang lalaki.” “Malalaman mo once na kumalat sa social media ang scandal mo!” Sa mga narinig ko ay nahulog ako sa pag-iisip. Paanong may lalaking napaugnay sa aking ay wala naman akong natatandaan. “Ahm... Kailangan kong magtungo sa ospital.” “Not now!” “Pero may trabaho ako Kap…. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo pwedeng tawagin ako sa pangalang yon!” “O-Okay, s-sorry K-Kyle.” “Good! At tungkol sa trabaho mo, natural na magtatrabaho ka upang may makain tayo!” “Hanggang kailan naman ako mananatili sa bahay mo?” “Hanggang gusto ko, that’s all!” “Ahm…. “Don’t talk!” Hindi na lang ako sumagot dahil baka mas lalo pa siyang magalit. Hanggang marating naming ang bahay niya ay nananatili kaming tahimik. Ang iniisip ko ay wala akong anumang damit na nadala. Isa pa may pasyente ako kaya kailangan kong magtungo sa ospital. “Aalis muna ako dahil meron akong pasyente ngayon. At kailangan ko rin kumuha ng mga gamit ko.” “Fine! Ihahatid kita ngayon sa ospital, pero bago matapos ang trabaho mo ay ipaalam mo sa akin dahil susunduin kita. Baka mamaya ay takasan mo pa ako huh!” “S-Sige, ikaw ang bahala.” At humakbang na akong pabalik sa sasakyan niyang nakaparada sa gilid. Habang nagmamaneho siya ay hindi ko mapigilan na hindi siya magpasdan. Napaka gwapo talaga niya, ang mata niyang nang-aakit kung tumingin. Ang makapal na kilay, matangos na ilong at labi na hindi pa yata nalalapatan ng sigarilyo. Matangkad din siya, maskulado, meron abs at ahm... napailing-iling ako sa mga naiisip ko. "Huwag mo akong titigan, dahil hindi mo ako madadala sa ganyan!" "Hindi naman ako tumitingin sayo ah!" pagmamang maangan ko at mabilis na tumuwid ng upo. Makalipas ang kalahating oras ay huminto ang sasakyan. Nagmamadali akong bumaba nang makita ako ng isang nurse. "Dra. Poster, kailangan ko po sa emergency room." "Bakit sinong pasyente?" "Isang lalaki na may tatlong tama ng bala sa katawan. At kailangan yata siyang operahan at walang ibang doktor ngayon. Dahil nasa operating room at ang iba ay nasa special mission." "Okay, salamat nurse." At tumakbo na ako, pagdating ko sa loob ay agad kong tiningnan ang kalagayan ng pasyente. Critical ang lagay nito kaya agad kong ipinadala sa operating room. Hindi ko na namalayan ang mga oras, dahil sa dalawang magkasunod na inoperahan ko. At kasalukuyan akong nakahiga sa doctor's quarters bed ng tumunog ang aking cellphone. Unknown number iyon ngunit sumagot pa rin ako. At halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Kyle. Sabi niya kanina para siya naroon sa labas at naghihintay. Kaya dinampot ko ang aking bag at halos tumakbo na ako palabas. Nakita ko siyang salubong na ang mga kilay habang nakasandal sa kanyang sasakyan. "I'm sorry, Kyle.... "Get in!" Malakas niyang sigaw kaya agad akong sumakay. Pumikit na lamang ako upang hindi ko makita kung gaano kabilis ang pagmamaneho niya. Inapuhap ko rin ang seat belt at mabilis kong ikinabit iyon. "Sa susunod ay mag-send ka ng mensahe kung hindi ka kaagad makakalabas ng ospital. Nang hindi ako napapanis sa kakahintay sayo doon sa labas!" "Sorry, dalawang pasyente ang inoperahan ko. Kaya hindi ako nakatawag sayo o nakapagpadala ng mensahe." Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya tumahimik na lamang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD