CHAPTER 10: MMWA WIERAN's P.O.V Nang magbreak time na ay pumunta ko sa may malapit na basurahan at saka ko tinapon ang pagkain na binigay ni Akesiah sa 'kin. Gaya ng sabi ni Yunika ay hindi ko kinain ang pagkaing bigay ni Akesiah. Bumalik ako sa room at nakita kong wala na si Yunika at yung Zion na 'yun, Tsk! "Asan na yung dalawa?" salubong ang kilay na tanong ko kila Lucan at Rigo. Binitiwan ni Lucan yung babaeng nakakandong sa kanya kanina saka nagsalita. "Nako dude, mukhang dumidiskarte yung Zion na 'yun sa Yunika mo, tara puntahan natin sa canteen!" sabi ni Lucan saka ako inakbayan palabas ng room! Sumunod naman si Rigo sa amin at ng makarating kami sa canteen ay nakita kong nagtatawanan ang dalawa at ang mas nakakainis pa ay sinubuan s'ya nung Zion! Padabog akong sumama kil