CHAPTER 7

1218 Words
CHAPTER 7: MMWA WIERAN's P.O.V Nakaupo kami pareho sa sahig ni Yunika at inabot na din kami ng 12 am dito sa faculty. Walang kahit anong ilaw kaya pinahawak ko sa kanya ang phone ko na may flashlight para di s’ya matakot. Napalingon ako sa kanya ng marinig kong kumulo ang tiyan niya kaya naman napabuga ako ng hangin saka nagkalkal sa bag ko ng makita ko ang snack na nabili ko kanina at ang bottled juice. "Here... Eat this, alam kong gutom ka na."  sabi ko saka inabot ang pagkain sa kanya na kinuha naman n’ya. "Salamat." sabi n’ya saka nagsimulang kumain, tahimik lang kami parehong nakaupo at ng matapos s’yang kumain ay niyakap nya ulit ang tuhod n’ya. "Nilalamig ka ba?" sabi ko sa kanya at nakita ko naman na tumango s’ya dahil nanginginig talaga s’ya sa lamig. Bukas kasi ang bintana at dahil mahirap ‘yung isara kaya palagi lang iyong nakabukas at dahil nakabukas ‘yun ay pareho na kaming nakakaramdam ng lamig. Napatingin ako kay Yunika na nakayakap pa rin sa tuhod n’ya. Namula ang mga mukha ko ng maisip kong hubarin ang uniform ko para gawin n’yang jacket sa braso n’ya para di na s’ya lamigin pa. Tumalikod ako saka binuksan ang butones ng uniform ko saka iyon hinawakan parang di ako nakaramdam ng lamig kahit pa na wala ng saplot ang katawan ko dahil topless na ‘ko. Humarap ako at nakita kong nanlaki ang mata ni Yunika dahilan para umiling-iling na napangisi ako. Lumuhod ako sa harap n’ya saka pinunasan ang gilid ng labi n’ya dahil literal na naglaway s’ya. "Tumutulo na laway mo!" bulong ko sa kanya dahilan para mapaiwas sya ng tingin sa ‘kin. Agad kong ikinumot sa kanya ang uniform ko para di na s’ya lamigin. "Iyan na lang ang ipangtakip mo sa braso mo para hindi ka lamigin." sabi ko saka sumandal sa dingding at saka tumingin sa labas. "Eh paano ka, hindi ka kaya sipunin at ubuhin dahil naghubad ka ng damit mo?" Nag-aalala na tanong n’ya. "Wag mo ‘ko alalahanin, matulog ka na dahil bukas pa tayo makakalabas ditto wag ka mag-alala babantayan kita." sabi ko sa kanya at tumango naman s’ya saka sumandal sa dingding at pumikit. At nang marinig ko ang malalim na paghinga n’ya ay nalaman kong nakatulog na s’ya. Umupo ako sa harapan n’ya para matitigan ko ang magandang mukha n’ya. Bumibilis ang t***k ng puso ko at di ko alam kung bakit kaya ng magsawa na ‘kong titigan s’ya at ng makita kong alas-dos na nang madaling araw ay nagpasya na ‘kong matulog sa tabi n’ya at pipikit pa lang sana ko nang maramdaman kong bigla s’yang sumiksik at yumakap sa ‘kin. Bumilis lalo ang pagtibok nang puso ko at naghabol na ‘ko ng hininga dahil parang nakikita ko na naman si Mommy kaya nagsimula na ‘kong kapusin ng hininga! "G-gusto kita Wieran... Akin ka na lang please?" sabi ni Yunika. Dahilan para bumalik sa maayos ang paghinga ko at dahan-dahang napatingin sakanya na mahimbing pa din na natutulog. Hinawi ko ang buhok n’ya at tinitigan ang mukha n’ya. Di ko alam kung anong sumagi sa isip ko para lumapit sa mukha n’ya at akmang hahalikan s’ya at 1 inch na lang ang pagitan namin at mahahalikan ko na s’ya ng biglang.... YUNIKA's P.O.V *Achooo!* Bigla akong napadilat dahil narinig kong bumahing si Wieran kaya naman nagulat din ako ng makita kong nakayakap pala ko sa kanya. Nakita kong titig na titig din s’ya sa ‘kin kaya nailang ako at tinangkang kumawala sa yakap ng biglang hilahin ni Wieran ang braso ko para ibalik sa pagkakayakap sa kanya. "D-dito ka lang n-nilalamig ako." sabi n’ya kaya naman nag-aalalang napatingin ako sa kanya. "I-isuot mo kaya tong uniform mo!" sabi ko sa kanya at umiling naman s’ya saka ako niyakap pabalik. "I need body heat..." bulong n’ya sa tenga ko dahilan para manlaki ang mata ko at biglang mapatayo! Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa pisngi ko! "H-hala Wiera, b-bata pa tayo s-saka d-di pa ‘ko ready! G-gusto kita oo p-pero d-di pa talaga ko ready eh!" nahihiyang sabi ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng marinig kong tumawa s’ya habang hawak ang tiyan n’ya. "Sira di naman kita pagnanasaan, sa ‘ting dalawa ikaw lang ang may gusto sa ‘kin kaya ba't ko gagawin mo ang iniisip mo… slowpoke ka talaga." Umiling-iling na sabi n’ya kaya naman napabalik ako sa pag-upo sa tabi n’ya saka napakamot sa ulo ko. "Ano ba kasi ‘yung sinasabi mo?" sabi ko sa kanya. "Body heat, gusto ko na yakapin mo ko para mainitan ang katawan ko kasi natatakpan mo yung hangin." sabi n’ya saka ako hinila para yakapin s’ya ulit na ginawa ko naman. "W-wieran..." tawag ko sa kanya ng makita kong pumikit s’ya. "Hmm…" tugon n’ya na nananatiling nakapikit. "T-thank you sa ginawa mo sa ‘kin ngayong araw." sabi ko sa kanya at di naman s’ya umimik pa. *** Kinaumagahan ay nagising kami dahil sa ingay sa labas. Napamulat ako dahil nakita ko na lahat ng teacher sa ‘min nakatingin ni Wieran na magkayakap habang wala pa rin na damit si Wieran at gaya ko ay nagising na rin s’ya! "MR. XIVIR AND MS. MATADOR, WHAT'S THE MEANING OF THIS?" sabi ni Mr. Lopez na head ng faculty kaya sabay kaming napatayo ni Wieran. Kinuha n’ya ang uniform n’ya saka sinuot ‘yon. "Sir wala po kaming ginagawang masama promise!" sabi ko at nakita ko naman na lalong sumama ang tingin sa ‘kin ni Sir Lopez! "ANG BABATA NYO PA NAGAGAWA NYO NANG GUMAWA NG BAGAY NA DI NAAAYON SA EDAD NINYO!" sabi ni Sir Lopez kaya napasulyap ako sa labas at may mga studyante ring nakatingin samin sa loob. Napayuko ako sa sinabi ni Sir. Di naman kasi namin alam na mangyayari to eh! Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Wieran sa kamay ko saka tinago sa likod n’ya. "Wala po kaming ginagawa Sir, naghatid po talaga ko kahapon ng mga textbook namin kay Mrs. Miranda kaso po hindi alam ni Yunika na sira ang pintuan ng faculty sa loob kaya naisara n’ya ‘yung pinto. Nakulong po kami sa loob dahil wala ng tao sa labas nun kaya po ako nakahubad dahil nilalamig po kaming pareho nung gumabi na kaya naman niyakap ko s’ya para di s’ya lamigin at para makatulog s’ya ng maayos. Handa po akong managot sa maling nagawa ko dahil ako po ang responsable dito." sabi ni Wieran. S-sya ba ang superhero ko?! Ohmygod! Napatingin ako sa kamay naming dalawa at sobra na ‘kong kinikilig! ---   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD