CHAPTER 13: MMWA YUNIKA's P.O.V Kinaumagahan ay agad akong nagising. Mugto ang mga mata ko dahil sa nangyari kagabi. Hindi naman totoong di ko gusto si Wieran eh. Mahal na mahal ko na kaya siya kaso naisip ko kasi na baka ako ang maging dahilan para itakwil siya ng ama niya. Ayokong masira ang buhay ni Wieran kaya kahit ako na lang ang mahirapan okay lang. Di ko kayang nakikita siyang nahihirapan ng dahil sa 'kin. Agad akong naligo at nagbihis saka ko bumaba nang makita kong nagluluto si Mommy. "M-mom, alis na po ako." Matamlay na sabi ko dahilan para lapitan ako ng mommy ko. "Anak ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" tanong niya at niyakap ko siya saka ko huminga ng malalim. "Ayan okay na po ako, aalis na po ako." sabi ko saka lumabas ng bahay at saka sumakay ng jeep papuntang school