CHAPTER 29 Be Your Everything “ You and Nate are the reasons why I believe in tomorrow. Am I selfish if I ask you to stay with me forever and let me be your everything, sweetheart? ” IYON ANG MGA KATAGANG nagpagising sa inaantok pang diwa ni Zenna. Nanatili siyang nakapikit, ngunit pinapakaramdaman niya bawat galaw ng katabing si Matthew. Lumapat ang labi nito sa kaniyang balikat at mahigpit na niyakap. Ilang minuto pa ay mabibigat na ang paghinga nito, tanda na tulog na ulit si Matthew. Napangiti siya. Hinagilap ang mobile phone at lihim na kinunan ng picture ang binata. Alas-cuatro pa lamang ng madaling-araw at madilim pa sa labas. Kaya naman bumalik pa siya sa pagtulog. SA HALIP NA SI MATTHEW ang masilayan ni Zenna sa kaniyang tabi ay isang long stemmed na pulang rosas ang sumalub