SOBRANG LAKAS NG ULAN sa labas nang sumilip si Zenna mula sa bintana ng kaniyang silid. Malamang ay dala ito ng namataang Low Pressure Area na naiulat kahapon. Karga niya si Nate habang nakatanaw sa labas ng bintana, tinuturuan ang anak na kantahin ang Rain, Rain Go Away. Kahit bulol at hindi pa gaanong makapagsalita ang anak ay sumabay naman ito sa pagkanta. Ipinalakpak pa nito ang maliliit na kamay nang matapos nila ang kanta. “ Geyn! geyn, My! ” Napahikgik siya sa pagpipilit ng anak na ulitin nila ang kanta. “ Again? Okay. ” Hinigpitan niya ang yakap rito at pinanggigigilang halikan ang mukha at leeg nito bago inulit ang kanta. Napuno ng halakhak ni Nate ang silid nang kantahan niya itong muli. Mukhang napagod nang husto si Nathaniel sa paglalaro kaya naman nakatulog ito agad ma