Chapter 2

1593 Words
Kalalakas ng mga halakhak niya habang rumarampa sa harapan niya ang kaibigan. Nanonood kasi sila ng Miss Grand International, at nandoon sila sa suite ni Ron.  Kasalukuyang nasa two piece swimwear attire na at show. Kaya ang mga panlaban ng iba't ibang bansa ay rumarampa nasa stage. Nagulat na lang siya sa katabi ng biglang tumayo ito, akala niya kung anong gagawin, pumasok iyon sa maliit nitong kwarto at ng lumabas ay suot na nito ang bra at bikini niya na naiwan niya sa bahay nito. Nagswimming kasi sila last week lang doon sa mismong amenities ng condominium ng lalaki. Kaya hindi niya naiuwe ang ginamit dahil basa nung time na iyon. At eto suot na ng kaibigan, pinag interesan pala. Nawala na tuloy ang atensyon niya sa pinapanuod, dahil nakatuon na sa rumarampang si Ron sa harapan niya. Tawa siya ng tawa dahil sa itsura nito na halos mawarak na ang maliit niyang bikini, pinilit nitong isuot, ang nangyari tuloy ay bakat na bakat na parang luluwa na ang simbolo ng p*********i nito. Pati ang bra ay pinalamanan na lang yata nito ng panyo para bumukol lang. Plus ang arte arte pa nitong maglakad, ginagaya talaga ang mga contestant sa pageant. "Ano ka ba Ron! Sakit na ng tiyan ko sa iyo! Tama na!" Saway na niya dito, nakahiga na siya sa sofa sa sobrang tawa. Parang hindi ito napapagod sa paglalakad ng paekis ekis habang nakatingkayad, wala naman kasi itong high heels. Bumuwelo pa ito pabalik at nagpose. Mabilis na nadampot niya ang kanyang phone at nakuhanan niya ng picture ang itsura nito at nagvideo pa siya. She plan to keep it para kapag bored siya and she wants to laugh ay panunuorin niya ang video na iyon. "Bagay ba?" Malanding tanong nito, sabay labas dila, nakita nito na nagvivideo na siya. Muntik na niyang maibato dito ang hawak na phone sa kakatawa. Isa din sa rason niya kung bakit dito siya sumasama sa lalaki ay dahil napapasaya siya nito ng bongga, yung halos lumuwa na ang mga litid niya sa kakatawa ng malakas. Nawawala ang lahat ng stress niya sa trabaho at napapawi ang pagod niya. She laughing all the day lang kapag kasama niya ito. Nung high school life niya ay may mga friend din siyang gay at masasaya sila lagi kapag magkakasama, puro kalokohan, walang dull moments. Ewan ba niya katangian na yata ng mga gay person iyon ang magpasaya. Kaya talagang naging magiliw siya sa mga ganoong uri ng tao at mas enjoy siya na kasama. "Oo bagay na bagay! Perfect." Puri niya sa kaibigan. "Tumigil ka na nga Ron! Ang sakit na ng tiyan ko sa iyo! Saka hubarin mo yan! Masira yan, kasikip naman sa iyo!" Utos niya dito, nakahawak na siya sa tiyan dahil sumasakit na talaga. Baka maisuka pa niya lahat ng mga kinain niya. "Okay as you said." May pagkumpas pa ng palad, at sa gulat niya ay sa harapan niya ito maghuhubad kaya napapikit siyang bigla. "Hoy bruha ka! Doon ka sa kwarto!" Sabay bato niya ng unan dito habang nakapikit. Isip niya ay hindi na talaga nahihiya sa kanya ang kaibigan, sobrang palagay na ang loob nito sa kanya. Malakas na tawa ang binato nito saka tuluyan ng pumasok sa loob. Kapag doon nga siya natutulog ay magigising na lang siyang may nakayakap ng mahigpit sa kanya, iyon pala ay si Ron. Samantalang sa pagkakatanda niya ay sa sofa ito natulog. Wala namang malisya sa kanya iyon, dahil kilalang kilala na niya ang kaibigan. Pusong babae ito as in, walang kainteinteres sa babae. Mas babae pa nga ang ito sa kanya, mas maarte, mas malandi at mas maharot. Iniisip na lang niya na namimiss nito ang kapatid na babae kaya siya niyayakap kapag tulog. Sobrang busy siya ng araw na iyon. Bilang teller junior supervisor ay marami na siyang gampanin lalo na siguro kapag napromote siyang maging senior supervisor. Sobrang dami na. Dahil hawak niya ang limang bank teller at siya ang nagsusupervise sa mga iyon, siya din ang may tungkulin na rumesolba kapag nagkaroon ng anumang descrepancy sa tally ng kanyang mga teller, basta lahat ng problema ay kailangan niyang magawan ng paraan o malaman ang cause bago ipapaalam sa mas nakakataas pa sa kanya. Feeling stress siya ng araw na iyon. Lunes kasi at napakaraming nilang client. Bukod sa pagsusupervise ay nagteteller din siya dahil hindi kakayanin. Kaya ang mga trabaho niya ay tambak doon sa table niya. Hindi niya alam kung paano niya matatapos ang mga iyon within that day. Late na nga siyang nakapagtake ng lunch at no time talagang kumain. "Angie!" Hindi pa siya nakakapaghello pero si Ron ay tawag tawag na ang pangalan niya, feeling nakakabingi tuloy, medyo nainis siya talaga. Bad mood siya kasi pero she need to control her self at magpakahinahon. Gusto na nga niyang magtantrums at umuwe ng walang paalam dahil nalulunod na siya sa dami ng trabaho. Pero kapag ginawa niya iyon ay wala na siyang trabaho bukas. "Why?" Seryosong tanong niya, ayaw niya sanang sagutin ang kaso habang kumakain siya ay nakakatatlong misscall na ito. "Ang taray! Bad mood?" Ganting tanong ni Ron. "Hala ka niyang girl magkakawrinkles ka! Nakikita ko na ang facial expression mo." Dagdag pa nito. "Bakit ka napatawag?" Ulit tanong niya hindi niya pinansin ang pang aasar nito. "After this work yayayain kitang magdinner with my friends. Ano gusto mo? Mga katulad din natin sila, mga baklita. I'm sure mag eenjoy ka na kasama sila." Napaisip siya. Welcome naman siya to have more gay friends at gusto nga niya ang ganoon para happy lagi, gusto niyang makalimutan ang sangkaterbang trabaho niya at magrelax. "Okay! Okay. See you later Ron. Medyo busy lang ako." Aniya dito. "Okay yan ang gusto ko sa iyo girl! Walang atrasan ha. Baka daanan na lang kita diyan mamaya." Turan pa nito saka nag end call na. Alam din kasi ng kaibigan kapag marami siyang trabaho at stress siya ay ayaw niya ng mahabang conversation. Pakiramdam niya ay napapagod siyang lalo sa kakasalita. Bale anim silang lahat, siya si Ron at ang apat na kaibigan pa nito na puro bading din. Ang pakilala pa nga sa kanya ni Ron sa mga ito ay siya daw ay isang babaeng bakla, kaya same daw silang lahat, na tinawanan niya lang ng bongga. Birhday pala ng nagngangalang Val na kaibigan ni Ron. Napakaraming pagkain ang nasa lamesa nila at treat lahat iyon ni Val. Nalaman niya kay Ron na galing din sa mayamang pamilya ito at ang ipinagkaiba lang ay tanggap sa pamilya nito na ito ay isang gay. Todo make up pa nga ang lola, na ipinagmalaki pa na sa David's salon pa daw ito nagpaayos na sagot daw ng Mama nito. Maganda at masaya naman ang naging pagtanggap sa kanya ng mga ito ika nga ay very welcome siya kahit nag iisa siyang babae, feeling close na nga sa kanya. At ung isa na si Pj dahil sa nagandahan sa kanyang shoulder bag ay ito muna ang nagbitbit, bagay daw kasi dito. Nagpakasaya sila at nagpakabusog. Nung tapos na silang kumain ay tinawag na ni Val ang waiter, napansin niya na ang gwapo naman ng waiter na iyon. Kaya bumulong sa kanya ang katabing si Ron. Na kaya daw doon sila kumain kahit na may kamahalan is because of the handsome waiter na nagseserve sa resto na iyon. Baka daw magtake out pa ito ng lalaki pag alis nila. Bumilog ang mga mata niya sa narinig. Meaning mga callboy din pala ang mga waiter doon. "You mean?!" Nagtatanong ang mga mata niya sa kaibigan. Tapos napalingon siya sa mga handsome waiter na nasa may bandang likuran nila. Nagets naman agad ni Ron ang ibig niyang sabihin kaya pinagtanggol nito ang mga iyon. "No! Not so. Hindi naman lahat, may iba diyan na pumapayag but!, after the closing of this resto." Paliwanag sa kanya nito. Tapos ay tumingin ito kay Val, nakita niyang umiling ang may birthday. Nasaloob niya na ayaw siguro nito. Kaya naman pala ayaw nito ay pupunta pa pala sila sa malaking bahay nito sa Alabang. At may handa pala ito sa bahay, hinandaan ng parents nito. Kaya doon sila dumeretso. Gusto na sana niyang umuwe dahil sa may duty pa siya bukas, nakahiyaan na lang niya. Ang sabi ni Ron ay saglit lang naman, magpapakita lang sila sa parents ni Val. Nalaman niya na bunso pala kasi ang lalaki sa pamilya at may dalawa itong kapatid na babae.. Kita niya kung gaano ito kamahal ng ina, wala namang ina na makakatiis sa anak kahit na ano pa ito, bakla man o lalaki. Lahat ay matatanggap ng isang tunay na ina. Kaya nga sinasabihan niya si Ron na magtry na itong magtapat sa pamilya at baka naman maunawaan ng mga iyon ang kaibigan niya. Pero mariin ang pagtanggi ng kaibigan. Hindi daw nito kaya, takot na takot ito sa maaring kalalabasan ng pagtatapat nito. Alam daw ni Ron na hinding hindi matatanggap ng pamilya nito lalo na ang Papa nito ang malaking sikreto sa pagkatao nito, na baka humantong pa sa pagtatakwil dito. Iyon ang dahilan kung bakit may mga pagkakataon na umiiyak ang kaibigan sa balikat niya, siya naman ay kinocomfort ito at sinasabihan ng mga positive things para huwag itong madown. Sa ilang panahon na pinagsamahan nila ay naging mahalaga nasa kanya ang kaibigan, at minahal niya ito. She always cares about him and give him a support that he needs. Wala naman siyang boyfriend kaya walang kahati si Ron sa atensyon niya, maliban sa kanyang work.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD