Rina
I'm Rina Yu, Isa akong spoiled at bratinella sa mata ng Daddy ko at mga Kuya ko. Pero ang totoo simple lang naman ang gusto ko ang atensyon. Magmula ng mawala si Rana ay nag-iba na ang lahat. At the age of six years old ay alam ko na agad ang gusto ko at iyon ay si Kuya Tim siya talaga ang ideal man ko at mithiin ng puso ko. Bata at walang muwang man kung tutuusin pero alam ko na totoo na itong inaalagaan ko na pagmamahal sa kanya. Tumatak na rin sa isip ko na dapat lang na kumin ko ang lahat ng gusto ko lalong lalo na si Kuya Tim. Gusto ko siya at dapat nasa tabi ko lang siya. Magiging akin si Kuya sa kahit anumang paraan dahil lahat ng kaya at alam ko itotodo ko na. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga gagawin ko pero alam ko na kahit anong mangyari magpapatuloy ako dahil iba si Rina Yu.
At the age of 15 ay talaga ibang iba na ang pisikal na anyo ko. Mabilis na nahulma ang katawan ko talagang ang edad ko lang ang ayaw sumabay sa mabilis na pagbabago. Masayang masaya pa naman ako na umuwi si Kuya Tim dito sa amin sa Bicol ang kaso matapos ko siyang kulitin ay bilang unalis siya at umuwi ng hating gabi. Sinadya ko na sa silid niya maghintay para naman alam ko talaga kung umuwi siya. Ang kaso lang nakitaan ko siya ng lipstick mark na pihadong galing sa babae. Tumanggi siya pero hindi naman ako kakapanganak lang. Ang sakit pala ng ganun.
Paano nga ba magiging akin ang gusto ko na lalaki kung parang nandidiri ito sa tuwing inaamin ko na gusto ko siya? Nandidiri dahil sa layo ng agwat ng edad namin sa isa't isa. Paano ko ba babaguhin ang paga-tingin niya sa akin bilang bata at kapatid? Pero kung akala ng lahat at ni Kuya Tim na mawawala lang ng ganun kabilis ang pagkagusto ko sa kanya na ubod gwapo, macho at simpatiko dahil sa paulit-ulit na pagtaboy niya sa akin—nagkakamali sila. Hindi ako basta susuko dahil lang doon. Gagawin ko pa rin ang lahat ng kaya ko para matutunan akong mahalin ng kuya ko, at soon pipiliin din ako ni Timothy Brent Allejo bilang kanyang espesyal na kapareha, kahit umabot pa nga ng sukdulan. Hindi ko naman siya kadugo o kapatid kaya magiging akin siya, at kahit maabot pa namin ang punto na makagawa kami ng paulit-ulit nakamalian ay ayos lang sa akin. Kung kailangan maglaro kami ng apoy gagawin ko. Susugal ako sa pag-ibig kong hindi kailanman matitinag ng kahit sino o ano pa man na mga dahilan.
" Rina! Ay bruha ka nanaginip ka na naman ba? Utang na loob tigilan mo ang family stroke na 'yan!" Agaw pansin ng kaibigan ko na si Ren-Ren. Bff ko siya mula ng mawala ang kapatid ko alam niya lahat sa akin lalo na ang tungkol kay kuya Tim.
" Gaga ka! Anong Family Stroke? Hindi kami magka-ano-ano . Shunga ka rin e!" Ganting sabi ko naman sa kanya. Nasa likod kami ng skul dahil lunch break namin. Kami lang ang mahilig tumambay dito kaya malaya kami.
" Oo nga pala. Ang kaso ayaw yata ng kuya mo sa neneng bubot kaya dedma ang boobs mong pang sexy start." Sagot naman nito sa akin. Bigla tuloy akong nalungkot ng maalala si Kuya Tim at ang naging sagutan namin kagabi. Kagabi din tinawagan ko si Nico para pumayag na sunduin ako. Plano ko na subukan na ibaling sa iba at baka nga infatuation lang ang damdamin ko para kay kuya Tim. Ang kaso ng makita ko siya kanina ay mas na kumpirma ko na mahal ko talaga siya.
" Hay nako! Nilamon ka na naman ng kung ano halika na nga at pumasok na tayo." Narinig ko na sabi ni Ren-Ren na agad naman na nagligpit ng gamit naming dalawa. Nagsimula na kaming maglakad ng biglang hinarang kami ni Ata este Agita.
" Hi Rina! Kamusta ka na?" Bati at tanong nito na parang close kami e, siya itong mainit ang mata lagi sa akin.
" May sanib ka girl?" Tanong naman ni Ren sa babae.
" Wala, ano ka ba? Sabi kasi ni Ate Abbie na maging nice ako sayo lalo't soon magiging family na tayo. Dahil ang Kuya Tim mo ay girlfriend na si Ate Abbie, ko kilig na kilig nga si Ate dahil nag s*x na sila—"
" Bunganga mo Agata! Halika na Rina—" Naputol ang sasabihin ni Ren-Ren ng padagos na umalis si na Agata
" Ren, uwi na muna ako! Masama pakiramdam ko." Totoo biglang sumama pakiramdam ko. Alam ko na baka totoo nga nag sinasabi ni Agata lalot kagabi may ebidensya kay Kuya. Si Daddy kailangan ko siyang makausap.
" Hatid na kita!" Sabi naman ni Ren sa akin na inilingan ko lang. Tumitig ako sa kanya kaya naman tumango siya. Alam ko na nasa bahay na si Dad dahil laging half day lang siya nawawala sa bahay. Umuwi ako na masama ang loob at masakit na masakit ang puso. Nang makarating na ako ng bahay ay agad akong pumasok sa loob. Dumaretso ako sa opisina ni Dad sa bahay at tama nga ako naroon si Dad. Hindi na ako kumatok at basta na lang ako pumasok. Kabastusan man pero parang sasabog na ang luha ko sa sobrang sakit. Parang kinukunsinti pa ni Dad si Kuya Tim.
“ Dad! You promise to me right! " Unang bunagad ko agad sa Ama ko na biglang bigla yata sa biglang pagpasok ko sa opisina niya. Hindi ito ka agad nakapagsalita kaya ako ang nagsalita ulit.
" Diba Dad! Sabi mo backup po kita! Dad Ano na po ? Ayaw mo na po ba akong tulungan kay Kuya Tim? Bakit noon po sabi mo sa akin na akin lang si Kuya Tim?! Bakit ngayon ganyan ka na Dad? Hinahayaan mo siyang maghanap ng ibang babae. Ang sakit po Daddy! Ayaw mo po ba akong sumaya Dad? D-diba Dad— You promise to me, na akin siya. Akin lang! Why suddenly change and now you're helping him para magka-girlfriend na siya! Paano na po ako? Si Kuya Tim ang gusto ko. Sabi ni Agatha ang Ate Abbie niya Girlfriend na ni Kuya at nag s*x na sila. Bakit Dad? Bakit po ang daya sana matanda na lang din ako!” Tawag ko sa aking ama, habang ibinabalandra ko ang mga himutok ko at hinanakit sa kanya at sa lahat. Hindi ko mapigilan na maiyak na ng nga oras na ito. Ang sakit dahil parang wala na talagang pag-asa pa. Si Daddy kailangan ko ang help niya pero sa nakikita ko wala na akong aasahan sa kanya. Siya rin naman kasi ang talagang isa sa dahilan at pasimuno ng pagkabaliw ko kay Kuya Tim. Lahat ng ito dahil sa mga tinanim niya sa aking utak ko mula pa noon na walang ibang babae para kay Kuya Tim kundi ako lang. Hindi ko rin naman hiniling na maging ganito ako sa kapatid-kapatidan namin na siyang tumayong pinaka-panganay sa aming lahat. Sa totoo lang hindi ko gusto na ipilit ang sarili ko sa lalaki dahil pakiramdam ko kaawa-awa lang ako, pero mahal ko talaga siya. Dahil kay Dad at sa mga sinasabi niya sa akin dati ay hindi ko na binura sa utak ko na pag-aari ko si Kuya Tim. Tumatak sa isip ko ang mga katagang sinabi niya sa akin dati ng makita ko noon na may girlfriend na si Kuya Tim. Okay lang daw 'yun dahil kapag matanda na rin ako ay—No one will own Timothy Brent Allejo because you, Rina Yu owns him! Nasaan na kaya yung sinabi ni Dad na ‘yan?
“ Anak, Rina listen to me—Timothy doesn't see you as a woman or partner. Kapatid lang talaga anak ang tingin at turing niya sayo. Sorry kung nasasaktan ka ngayon anak ko! Alam kong kasalanan ko lahat. I’m sorry if ngayon ay bibiguin kita prinsesa ko, pero Rina sa totoo lang ay sobrang bata ka pa naman! You're only 15 years old, for christ sake Rina! Tim is 27 years old now, a healthy man and at his age ay ready siya to move forward with in his life with a woman in his side, na mas higit na bagay sa kanya at kaedaran niya rin. Anak, maniwala ka sa akin, makakahanap ka rin ng iba na para sayo na same age mo at kayang makasabay sa mga hilig at gusto mo. Like Nico. So Rina please lang lubayan mo na ang Kuya Tim mo! Ayaw kong magkasira tayong pamilya!" Sabi ng aking ama sa akin na ubod diin sa dulo, sabay talikod at lakad na paalis ng opisina niya. Naiwan akong mag isa sa loob. Nabalot ng katahimika ang buong paligid at damang dama ko ang mga luhang bumalong mula sa mga mata ko. Pinamukha lang naman sa akin ng aking ama na hindi na pwede ang kabaliwan ko kay Kuya Tim. Bakit ba mas parang dumoble ang sakit na dulot noon? Dahil ba siguro dalawang mahalagang lalaki ang bumigo at nakasakit sa akin ngayon.
Paano ako? Paano naman ang damdamin ko para sa lalaking alam ko na mahal na mahal ko na? Bakit ba kasi bawal? Bakit ba kasi ayaw niya sa akin? Dahil ba bata ako at kapatid lang ang turing niya sa akin. Again! Hindi ko siya kapatid. Kaya ko naman magpaka-matured para sa kanya. Kaya ko ring gawin na mapasaya siya Hindi kaya naman wala talagang mali sa aming dalawa at kami lang ang nag-iisip noon. O baka sadyang dahil sa edad? Dahil wala pa akong disiotso. Ilang taon na lang din naman ay ay darating na ako sa legal age.
If they think that, if kuya Tim has a girlfriend will stop me from pursuing him. Maling mali sila. I won’t stop loving him, kahit abutin pa ako ng dekada. Maghihintay ako sa kanya. Hihintayin ko na lang ang tamang oras para sa turn ko at kapag nakakuha na ako ng tamang tyempo ay tinitiyak ko na susulitin ko ang bawat segundo at minuto, walang wala ako sasayangin o matatapon na sandali.Kukunin ko ang lahat ng nararapat para sa akin. Kasalanan ko bang gustuhin ko na lang na mag iba ang buhay ko? Na sana sa ibang pamilya ako napunta o ikinaloob ng Diyos. Na sana ay sabay na lang kaming isinilang ni Kuya. Kailan pa kaya masusuklian ang pagmamahal ko? Hanggang saan mga ba ako daldahim ng pagkahumaling ko kay Timothy na kuya-kuyahan ko? Mali nga ba ang pag-ibig na meron ako? Pag-ibig nga ba ito o paghanga lang? Sana may nakalaan para sa akin.
Nagtagal ako sa opisina ni Daddy. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa kusang tumigil na ang mga luha ko. Nakakapagod palang umiyak ng umiyak. Lingid pala sa kaalaman ko habang umiiyak ako ay mas umiiyak ang ama ko habang pinapanood ako nito sa cctv footage
********
" Ito ba ang kapalit ng lahat ng kamalian ko noon? Bakit naman sa mga anak ko pang babae? Una si Rana nawala, ngayon si Rina naman ang mawawala sa akin dahil hindi ko maibigay ang gusto niya. Kung pwede ko lang ibigay ang lahat para sa kanya ginawa ko na ng walang pag-aalinlangan ang kaso anak ko rin si Timothy!" Mahinang bulalas ko, pagdating sa mga anak ko mahina ako, pero hindi ko pinapahalata dahil mahina na rin magdala ang asawa ko ng problema.
" Sa tamang oras anak makukuha mo ang para sayo. " Muling bulong ko, naramdaman ko naman ang mainit na yakap ng may bahay ko. Na lumuluha na rin.
" Kaya ni Rina yan! Gagabayan naman natin siya. Wala ng lalayo sa atin na anak!" Bulong nito sa akin habang yakap ako mula sa likuran bahagi ko. Napatingin kami sa monitor na siyang tv rin namin ng tumayo na si Rina at humarap sa gawi ng camera. Mapait itong ngumiti bago umalis na.
Magmula ng araw na 'yun naging tahimik na si Rina at wa tuwing kaharap kami lalo't narito si Tim ay umiiwas na ang anak namin. Mabuti na rin siguro naman ang ganun para mas maging maayos ang lahat sa pagitan naming pamilya