Chapter Seven

2024 Words

“KEEP monitoring the patient until her fever is gone. Babalik ako in a while to check her personally,” aniya sa nurse na kasama sa kwarto ng pasyente niya. Nagpaalam sila sa pasyente saka sabay na lumabas sa kwartong iyon. Nauna umalis sa kanya ang nurse habang siya naiwan doon at natuon ang buong atensyon sa isang pamilyar na tao. Hindi siya namamalikmata o nanaginip, talagang nakikita niya ngayon si Scarlett kausap si Dr. Mike De Leon – Oncologist. May mga tanong tuloy na bumalong sa isipan niya dahil doon. Anong ginagawa ni Scarlett sa hospital particular sa hallway ng Department of Oncology. Nakita niyang napansin ni Scarlett ang presensya niya kaya nang matapos itong makipag-usap kay Dr. Mike ay lumapit ito sa kanya. “Can I talk to you?” tanong ni Scarlett sa kanya nang makalapit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD