Chapter 1

1868 Words
Chapter 1 Marilyn's Pov PAGOD na pagod akong umupo sa sahig sa dami ng ginawa ko ngayong araw. Napasandal nalang ang likod ko sa pader habang nakatingala sa kisame. Kailangan malinis ang bahay at baka biglang umuwi ang kinakasama ko. Si Matthew siya ang lalaking kasama ko sa bahay. Hindi naman mahirap ang buhay ng pamilya ko. Sa katunayan ay may negosyo ang aking ama at ina. Kahit maliit man ang store na yun at kumukita naman ng malaki. Sa kasamaang palad ay inatake si mama sa puso. Sinubukan pa siyang dalhin sa hospital ng ama ko ngunit hindi parin siya nakaligtas. Nasa 17 years old pa lang ako no'n ng mamatay si mama kaya tandang-tanda ko kung paano kami umiyak ng umiyak ni papa. Ilang buwan din kaming malungkot habang si papa naman ay iyak ng iyak habang umiinom ng alak. Hindi ko kayang malungkot si papa dahil alam kong hindi yun magugustuhan ni mama. Palagi ko siyang pinipigilan uminom ng alak ngunit ayaw naman niyang makinig sa 'kin. Nakiusap pa sa 'kin si papa na wag ko daw siya pigilan dahil yun nalang ang tanging paraan para kahit saglit man lang daw ay mawala sa kanyang isipan na wala na si mama. Sinunod ko ang papa ko. Inom lang siya ng inom hanggang sa maka recover siya sa lungkot na pinagdadaanan niya. Isang taon lang ang lumipas ay nakahanap si papa ng babae. Gusto ko sanang itanong kay papa kung bakit siya naghanap ng babae. Ayaw kong palitan si mama ng kahit sino lang. Ayaw kong may babae si papa. Pero nakiusap na naman ang aking papa na hayaan ko nalang daw siya magmahal ulit. Kahit labag sa kalooban ko ay pumayag parin ako. Buti pa nga siya ay nagiging masaya na. Habang ako ay nalulungkot parin sa pagkawala ni mama. Gabi-gabi nalang ako umiiyak kahit pa nga isang taon ng namatay si mama. Miss na miss ko kasi siya. Ang hirap kapag ina ang nawala. Mahirap mawalan ng magulang. Parang kalahati ng pagakatao ko ay namatay na din. Nakikita ko namang masaya si papa sa babaeng pinakilala niya sa 'kin. Mabait naman si tita Malou. Ngunit mas gusto ko parin ang mama ko. Hanggang sa nagdesisyon na si papa na dalhin na si Malou sa bahay namin. Magsasama na daw silang dalawa. Hindi ako makapagsalita dahil alam ko naman ang sasabihin ni papa. Hayaan siya. Kahit pigilan ko man ay alam kong hindi siya makikinig at magagalit lang siya sa 'kin. Naging maayos naman ang pakikisama ni tita Malou sa 'kin. Tinutulungan niya si papa sa negosyo niya na dapat sana ay si mama ang kasama. Ako naman ay busy sa school kaya kahit papano ay hindi ko naiisip ang lungkot sa pagkawala ni mama. Dumating ang birthday ko at 18 na ang edad ko no'n. Balak sana ni papa na maghanda sa birthday ko pero ako ang hindi pumayag. Ayaw kong mag celebrate ng birthday ko noon. Pakiramdam ko kasi ay ang bigat parin ng loob ko dahil sa biglaang pagkawala ni mama. Doon lang nagtapat si tita Malou na may anak siya sa dati niyang kinakasama. Hindi pala niya sinabi agad kay papa dahil natatakot daw siya na baka ayaw ni papa ng single mom. Nalaman ko na kaparehong edad ko pala ang anak niya. Babae din kaya medyo natuwa ako. Kasi nag-iisa lang akong anak ni mama at papa. Pangarap ko kasi dati na magkaroon ng bunsong kapatid. Ngunit hindi naman ako napagbigyan nila mama at papa. Excited akong makilala ang anak ni ate Malou kaya sinabi ni papa na dalhin na daw sa bahay para tumira na din sa bahay namin. Akala ko ay magiging maayos ang lahat. Okay na okay sa 'kin lalo na't magkasing edad lang kami. Ngunit, ang tuwa ko ay napalitan ng nightmare. Lumabas kasi ang totoong ugali ni tita Malou pati na ang anak niyang mana sa kanya. Ginagawa nila akong utusan kapag wala si tatay sa bahay. Nong una ay akala ko ay utos lang na para bang nakikiusap. Natural lang naman talaga eh na may nag uutos sa bahay. Pero unti-unti ay nagbabago na talaga at minsan ay sinasabihan ako na bobo ni tita Malou. Yung anak niya ay hindi niya pinapahugas ng plato o kahit maglinis ng bahay. Kaya lahat ng hugasin ay maghapon sa lababo. Nahuhugasan lang kapag nakarating na ako galing sa school. Ilang beses ko ng sinabihan si papa ngunit palaging nag dra-drama si Malou pati na ang anak niyang si Rhea. Kaya ang lumalabas tuloy ay sinisiraan ko silang mag-ina sa papa ko. Halos sigawan ko na si papa dahil sa inis ko. Ayaw niyang maniwal sa 'kin dahil nabubulag na siya sa pagmamahal niya kay Malou. Para bang nakalimutan na niya si mama at ako. Ako na totoong anak niya. Mas kinakampihan pa niya ang hindi naman niya ka ano-ano. Kahit anong gawin ko ay ayaw parin makinig ni papa. Nasampal pa niya ako dahil sa sinigawan ko siya. Pero yung sigaw ko ay dala lang ng galit dahil sa pagkampi niya sa mali. Tiniis ko yun at hindi ako umalisa bahay namin. Kung may aalis man ay mag-inang yun. Panay ang isip ko ng paraan para lang mapaghiwalay ko si papa at Malou. Ginagawa ko talaga lahat ng plano ko. But all my plans are failed. Nothing happened. Mas lalo pa nga yatang kumakapit ang linta sa kalabaw. Mas lalo lang akong na s-stress araw-araw. Hindi pa nakakatulong na palaging nagtataray sa 'kin si Rhea. Magka share kaming dalawa ni Rhea sa bed ko pero kung maka asta ay para bang anak ng papa ko. Gusto pa niya na sahig ako matulog. So, inaway ko siya. Every night ay nag-aaway kami dahil sa pisteng kama. Ako pa ang pagagalitan ni papa dahil ako daw ang mas matanda kaya dapat lang daw ay magpaubaya ako. Kahit sino talaga ay maaasar sa papa ko. Nagsisisi na tuloy ako na pumayag na tumira ang dalawang linta sa buhay ni papa. Hindi ko na kayang tiisin pa ang ugali ng dalawang babae kaya naisipan ko maglayas. Ngunit naalala ko na nag-aaral pa lang ako kaya tiniis ko nalang muna. At isa pa, ako ang anak kaya dapat silang dalawa ang lumayas. Pagtungtong ko ng college ay mas lalo pang lumalala ang ugali ni tita Malou. Ang haba ng taon na pag titiis ko para lang makapag tapos ako ng kolehiyo. Pero pagod na pagod na talaga ako hanggang sa bumitaw na ako. Lumayas ako sa bahay namin. 21 years old na ako no'n at nag-aaral parin ako. Hindi ko alam ang pupuntahan ko pero nakituloy muna ako sa dorm ng mga classmate ko at nakiki ambag sa bayad. Kahit sa sahig ako natutulog dati ay ayos lang sa 'kin. Ang mahalaga ay may bubong na masisilungan. Pinagpatuloy ko parin ang pag-aaral ko. Si papa ay nagkaka text kami at pinapadalhan niya ako ng pera. Actually, siya lang yung nag t-text. Panay seen lang ako. Hindi man nga lang tinanong ni papa kung nasa'n ako nakatira. Kung sino kasama ko o kung kumain na ba ako. Basta padala lang talaga ng pera. Hinayaan ko nalang din dahil kailangan ko yun para makapag tapos ng pag-aaral. Naligaw ako ng landas at sumama sa mga classmate kong lasinggera. Panay ang inom ko kasama sila. Nag e-enjoy talaga ako lalo na nong una kong matikman ang alak. Totoo pala talaga ang sinabi ni papa. Nakakalimutan ang lungkot kapag umiinom. Natuto ako dahil sa mga classmate ko. Pero kahit ganun ay pumapasok parin naman ako sa klase. Hanggang sa nakilala ko si Matthew. Gwapo naman siya, mabait din kaya nagustuhan ko. Ang sabi niya ay taga probinsya talaga siya na nakapasok ng work sa Manila. Dahil din sa classmate ko kaya ko nakilala si Matthew. Nong una ay kaibigan-kaibigan lang. Barkada. Hanggang sa nanligaw siya sa 'kin. Tuwang-tuwa ako dahil may nanligaw sa 'kin. Sino ba namang hindi matutuwa no'n. Sinagot ko si Matthew kaya palagi niya akong pinupuntahan sa dorm. Minsan ay umaabsent na ako sa klase para lang makasama ang lalaki. Masaya naman ako. Para bang ibinaling ko nalang ang atensyon ko kay Matthew para hindi na ako maging malungkot pa. Hanggang sa tumigil na talaga ako ng pag-aaral at sumama ako kay Matthew. Kaya nandito kaming dalawa sa isang maliit na apartment. Minsanan lang siyang umuwi dito kasi stay in na siya sa work niya. T'wing day off lang kaya madalas ay ako lang talaga mag-isa. Two years mahigit ng ganito ang set up namin. Pabor sa 'kin yun dahil ayaw kong magalaw niya ako dahil gusto ko kapag kinasal na kami saka niya kunin ang virginity ko. Hanggang kiss lang kaming dalawa at yakap. Sinabi ko naman sa kanya simula pa nong una na ayaw kong may mangyari muna sa'min. Nagtatabi kaming dalawa sa kama pero hanggang romansa lang siya sa katawan ko. Hinahawakan niya ang p********e ko pero hanggang do'n lang at hindi lalampas sa labas masok. Hindi na din ako nakikipag text sa papa ko. Nagpalit ako ng cellohone number dahil kaya ko namang mag-isa. 22 years old na ako ngayon at ganun parin, uuwi lang si Matthew para kamustahin ako saglit dito sa apartment. Ganun palagi ang sitwasyon namin. Pero unti-unting nagbabago si Matthew sa 'kin. Para bang nanlalamig na siya. Kapag pumupunta siya dito ay saglit na lang siya. Dati naman ay dito pa siya natutulog at kinabukasan na bumabalik sa trabaho. Napansin ko din na kapag hinahalikan ko siya ay umiiwas siya at kunwaring may kukunin. Madalas na din siyang magalit at sigawan ako lalo na kapag magulo ang apartment. Kaya todo linis ako ngayon at baka dumating siya. Day off kasi niya ngayon kaya hinihintay ko siyang dumating. Nakapagsaing na din ako pero wala pang ulam. Ubos na kasi ang stock na binigay niya sa 'kin. I really want to find a job. I need to earn money, pero palagi lang nagagalit si Matthew sa t'wing sinasabi ko ang plano kong maghanap ng trabaho. Hindi ko din alam kung bakit siya nagagalit. Hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral dahil hanggang third year college lang ako. Mas pinili ko kasing sumama kay Matthew. Napabuga nalang ako ng hangin saka ako tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. I looked around and smiled. Hindi na siguro magagalit si Matthew ngayon at gaganahan na siya mag stay muna dito dahil malinis na ang paligid. Malinis naman talaga ang apartment eh. Kahit ako kasi ay ayaw ko ng madumi. Pero iwan ko ba kung bakit niya sinasabi na madumi daw. Kaya nga mas lalo ko pang siniguro na malinis ang apartment. Balak ko sanang ibigay ang gusto ni Matthew. Alam ko naman eh na gusto niyang gawin namin yun. Naisip ko kasi na baka nanlalamig siya ay dahil sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama. So, nakapag desisyon na talaga ako. Ibibigay ko na sa kanya ang matagal na niyang hinihiling. Baka sakaling bumalik ang sigla ng relasyon namin at hindi na niya ako sigawan at murahin pa. Yun ang tamang gagawin ko lalo na't mahal na mahal ko ang lalaking yun. Siya ang dahilan kung bakit ako naging masaya kahit pa nga mas pinili ni papa ang bago niyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD