WDBHG 34 Hindi pa nila tapos kausapin ang pulis ay nagring na ang telepono sa bahay ng mga Pedroza. Agad iyong dinampot ni Toby. Nasa kamay ngayon ni Steffi ang diary ni Xiera at binabasa nila ang lahat ng nakasulat doon. Lahat ng katabi niya ay hindi makapaniwala. Siya lang ata ang hindi na nasorpresa na kayang gawin ng lalaki ang mga bagay na 'yon. Iba kase talaga ang pakiramdam niya kay Dylan noong una pa man. Nabanggit na rin ni Xiera sa kanya noong naospital si Nhia na may kakaiba siyang nararamdaman sa lalaki. Biniro niya pa nga ito na baka may crush ang dalaga sa mas nakakatanda sa kanya ngunit sinabi lang nito na hindi siya magkakagusto kay Dylan, ngunit namumula si Xiera habang sinasabi 'yon. Nag-angat si Steffi ng tingin noong marinig niyang biglang sumigaw si Toby. "Sinasabi