Chapter 7 Jesirey’s Pov MASAMA kong tinignan si Gray habang nagmamaneho ng sasakyan. Ang sabi ko ay bigyan niya ako ng gamot para mawala ang sakit na nararamdaman ko sa p********e ko. Pero ang gago ay ang binili ay loperamide. Mapapatay ko na talaga siya. Pinapainit ang ulo ko. Punyeta! “Bakit ka naman kasi nahirapan bigla maglakad? Ano ba ang ginawa mo eh nagbabakasyon ka lang naman sa resort.” Aniya habang palipat lipat ng tingin sa ‘kin at sa daan. Hindi na ako sumagot at kumuha na lang ng isang stick ng sigarilyo at lighter. Binuksan ko ang bintana ng passenger seat at agad na nagsindi ng sigarilyo. Nang masindihan ko yun ay bumuga ako ng usok. “Anyway, may hihilingin sana ako sayo. Kaya din hinahanap kita dahil kailangan ko ng backup.” Saad ng kaibigan ko kaya tumingin ako sa kan