"Ughh! f**k!" daing ni Jacob habang iginagalaw ang katawan. Ikatlong araw na simula ng magka-sunburn sya at tatlong araw na syang natutulog ng nakaupo habang nakapatong ang ulo sa kama. Damn! Sobrang sakit na ng katawan nya sa sobrang ngalay at idagdag pa na hindi sya sanay sa ganong pwesto. Napakasakit nun sa likod at sa kanyang kalamnan. Sobrang nakakangalay at nakakapanakit ng muscles. Pinakiramdaman nya ang katawan at hindi na nya madama ang hapdi ng kanyang balat na kanyang iniinda sa nakalipas na mga araw. Laking tuwa nya dahil bumalik na ulit sa normal ang balat nya,. kung normal nga bang matatawag ang sobrang puti nyang kulay ng balat. Wala na ang hapdi at para makatiyak binuhay nya ang ilaw ng room nya para i-check kung normal na ang kulay ng balat nya. "Thanks, God.." masayang