Chapter 38 "Oh buti naman naisipan mong dalawin ako?" salubong na tanong ni Seah sa akin nang makita niya. Taas ang kilay nito at mukhang bad mood na naman, though wala na rin naman bago dahil halos araw-araw naman ata may hinanakit siya sa mundo. Nilapag ko ang dala kong ice-cream sa center table bago ko ibinagsak ang sarili ko sa sofa saka siya mapang-asar na binalingan ng tingin. Mas lalo tuloy nadepina ang pagkairita sa mukha niya. Noong sinabi ko kay Seah na nakasama ko si Vaughn junior sa resort ni Creed ay halos isumpa niya ako lalo na nang makita niya ang kumalat naming litrato. Hindi ko na nga nasabi na kinakamusta siya ni Vaughn dahil alam ko naman na mas lalo lang siyang maghihimutok. "Mukhang masaya ka ata ngayon? Paalala ko lang sa'yo, hindi ka maganda," ani Seah na umupo s