Chapter 57 KRYST Nakangiti akong lumabas sa aking sasakyan at pinagmasdan ang kabuuan ng shop. Hindi ko akalain na maaabot ko ang pangarap kong ito. Sobrang bilis ng panahon, dati sa imahinasyon ko lang ang lugar na ito, ngayon ay naipatayo na at p'wedeng pwede ko na talagang tawaging 'sa amin'. Sa kabila ng hirap na napagdaanan ko, totoo pa lang na ang kapalit no'n ay isang masaya at maginhawang buhay basta ba hindi ka lang sumuko at naniniwala ka sa kakayahan mo. Mas lalo akong napangiti nang makita ko ang loob. Sobrang sarap makita na ang lahat ng pinaghirapan mo ay nagbunga. "Ate," tawag pansin sa akin ni Y na siyang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. Matamis akong ngumiti. Naglakad ako palapit sa kanya. Habang nasa New York ako, siya ang namahala ng shop. Mag dadalawang tao